J.O Chapter 3 part 1

3.4K 34 6
                                    

AUTHORS NOTE:

 

            OLA! EDITED, REVISED AND CORRECTED.

            ANG CHAPTER NA ITO AY NAAYOS NA PARA SA IKAGAGANDA PA NG TAKBO NG ISTORYA NG JEEPNEY! LIKE WHAT I SAID, MAY MAJOR ALTERATIONS SA CHAPTER NA ITO AND IT’S BECAUSE PARA MAG-FIT SIYA SA MGA UPCOMING CHAPTERS.

 

            SINCE NAGSISIMULA PA LANG AKO NOON (NO PROPER OUTLINE PA) KAYA NAGKAKAROON NG PAG-EEDIT ANG MGA NAUNANG CHAPTERS. I STILL CAN’T GUARANTEE NA WALANG TYPO RITO BUT KUNG MERON ‘MAN PAKI-COMMENT NA LANG HAHA.

 

            TO OLD AND NEW READERS: THANKS!

 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

 CHAPTER 3

A Brothers Love...? Part 1

            Maagang nakarating si Jerome sa school niya, hindi kasi nalate ng gising si Jessie kaya maaga silang dalawa nakaalis ng bahay. Presko naman sa room ng first subject niya, kaso sa subject din niyang ito naiisip ang magkagf. Halos lahat naman kasi ng mga classmate niya ay magkakasintahan, siya naman ay madalas na nasa dulo at walang katabi, minsan rin ay nasa unahan at pinagtiyatiyagaang kausapin ang prof.

            Magulong hallway, puro tambay sa tapat ng iba’t ibang kwarto, mga babaeng nakaupo sa labas ng room, mga lalaking nagpupulbos sa gitna ng hallway; ‘yan ang eksenang madalas niyang panoorin kapag nasa campus. Isama mo na rin ang mga ‘gay’ na nagmamake up sa cr ng babae, mga ‘lesbian’ na nagpopowder sa harap ng malaking salamin, at mga irregular students na naghahanap ng room at prof. Sa loob ng apat na taon niya sa college ay nasanay na rin siya sa ganito, ilang grupo na rin mula sa iba’t ibang club ang nais kumuha sa kanya bilang member pero hindi niya tinatanggap dahil tinatamad siya maging ‘active member’.

            Tumingin na lamang sa labas ng bintana si Jerome, sawa na siya sa hallway, para hindi makita ang isa sa couple classmate niya na sinamantala ang walang klase at ginawang kissing booth ang room.

            Pasintabi naman sana sa mga single. Hays. Natanaw niya ang isang barkada ng mga babae na may mag itsura. Marami ngang chicks, wala naman nagkakagusto sayo, wala rin. Maraming nagkakagusto kay Jerome, hindi lang niya alam. Suplado at may sariling mundo ang tingin sa kanya ng mga babae sa school, takot silang lumapit kay Jerome dahil mukhang iisnobin lang sila.

Tagal pa ng prof, nakakabuwisit eh’. Text ko na lang kaya si Jessie, kaso baka may klase na siya. Tinignan niya ang cellphone at nadismaya sa laman ng phone book. ‘Yung piling na little sister mo lang ang babae sa phonebook mo? Tss’ hindi ko naman siya masisi  at ayoko rin naman talikuran ang pagiging good kuya ko sa kanya. Baka mamaya kapag pinabayaan ko siya, may lalaking manloko sa kanya dahil nagpaloko siya maging kasalanan ko pa ang pagkawariwara ng kapatid ko. Tinext na rin niya si Jessie nagbabakasakaling magka-new message ‘man lang ang cellphone niya. Pagbalik niya ng cellphone sa bulsa, nakita niya ang magkasintahan na kaklase niya sa aktong naghahalikan. Tago sa ibang nasa room, pero hindi kay Jerome na nasa likuran lang ng inuupuan ng mga ito. Balak ata talagang mang-inggit ng mga mokong nato eh.

Jeepney OverdriveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon