J. O. Chapter 8

2.8K 26 9
                                    

CHAPTER 8

Happy Meal

            Mainit nanaman at tirik ang sikat ng araw, idagdag mo pa ang siksikan sa canteen at mga usok ng nilulutong hot dog. Nakaupo sina Jerome at Kevin sa tapat ng stall ng Noodle House, iniintay ang inorder nilang fried noodles.

           

            “Si Jessie ok na ba siya?”

            “Oo, medyo nagutom lang yun kaya siya nawalan ng malay.”

            “Buti hindi yun natrauma, pangalawang beses na yun ah.”

            Napangisi siya. “Sanay naman sa away yun dahil sa tropa niya, at saka... malakas ang loob ng kapatid ko.”

            “Hindi katulad mo no... weak haha”

            “Gago...”

            “OI! Jerome!” may lumapit sa kanila.

            “Bogart...?”

            “Tagal kita hinanap, kamusta na si Jessie, nabalitaan ko yung nangyari sa kanya eh... anong grupo yung nangholdap sa kanya, bawian natin gusto mo?”

            “Naka kulong pa rin... may hearing nga eh, kaso mayaman yung pamilay nung kaibigan ni Jessie na kasama niya, kaya wala ng kawala yung mga yun.”

            “Pero alamin mo pa rin kung san station... baka under pa ni papa yun, akong bahala doon...”

            “Hehe salamat.”

            “Close na talaga kayu ah.” Puna ni Kevin.

            “Syempre naman tropa ko na to eh” inakbayan pa niya si Jerome na nabigatan sa laki ng braso niya. “Alamin mo Jerome ah, una na ako sa inyo practice pa eh...”

            “Sige... Sige.”

            “Kuya... eto na yung noodles...”

            Sa tennis court nila kinain ang noodles pagkatimpla, bumili rin sila ng bottled mineral water. Mahaba ang breaktime nila dahil sa nabago nanamang schedule, mas prinapriority kasi ng faculty ng college nila ang mga first year kesa sa mga mas matatandang year.

            “Grabe no, dami nanamang studyante.” Nakitingin sa may tambayan si Kevin at naghahanap ng mga chiks.

            “First sem eh, next sem 50% nanaman mababawasan diyan.”

            “Dami nga chiks, na bago eh... kaso mga bata hahaha, mga hindi inabot ng k12.”

            “Chiks ka nanaman diyan.”

            “Bakit? Masama? Broken hearted ako tol eh... tangina kasi yang mga taga BA na yan mga buwisit!”

            “Hindi ka parin makamove on? Last sem pa yang drama mo eh.”

            “Nakamove-on na ako, wala lang kasi talaga lasa yung binili kong siomai kanina eh... kaya ko nabubuwisit sayang bayad.”

            Tinignan na lang niya ang kaibigan, bago kinain ang kanina pa niyang hinahalong noodles. Napadaan sa tambayan nila ang barkada ni Ria (Refer to Chapter 3). Tumingin si Kevin, pero hindi si Jerome... busy siya sa noodles.

Jeepney OverdriveWhere stories live. Discover now