J. O. Chapter 22

2.4K 23 12
                                    

CHAPTER 22

Sunday All Starts!

Kagagaling lang sa simbahan ng magkapatid na Jessie at Jerome, kasama nila sina Ralph at Ace na bigla na lang sumulpot sa kusina pagkaluto ng almusal. Bago umalis sa bahay, kinausap muna ng magkapatid sa ‘skype’ ang ama na nasa Japan, nagsabi ito na magpapadala na uli ng pang-allowance nilang dalawa para sa dalawang susunod na buwan. Mas lalung sumaya si Jessie dahil kasabay ng pera ay ang padala ng mga manga na pinabili niya.

“Saan mo gustong kumain?”

“Hmm...” Dumaretso sila sa tabi-tabing fast food chain na isang sakay mula sa simbahan. Nag-ini-mini-mo si Jessie, sa lugar kasi na ito nag-tambay sina ‘Mcdo’, ‘Jollibee’, ‘KFC’, at si ‘Mang Inasal’. Unang nanalo si ‘Mcdo’, pero sawa na ang bituka niya. Isa pa uling ini-mini-mo, nanalo na si ‘KFC’. Miss ko na mag 2-piece chicken, gusto ko ‘rin mag-spicy. Hmm, sabi sa commercial puwede raw parehas... KFC na nga lang ba?

“Oi, Jessie? San mo daw gusto kumain sabi ng Kuya mo?” Kinulbit ni Ace ang ‘di makapamiling matakaw. Hindi sumagot si Jessie, busy pa siya sa pag-iisip.

Tagal pumili eh. “

Sa ‘Mcdo’ na nga lang tayo.” Naglakad na lang papunta sa ‘Mcdo’ si Jerome sa inip, pero hinila ni Jessie ang dulo ng suot niyang t-shirt para mapigil.

“WAG! Sa ‘KFC’ na lang! ‘KFC’ ang napili ko! Kuya~”

“Ten years ka kasi mamili eh.”

“Hihi, teka...” Umikot ng tingin si Jessie sa mga katabi. “Kasama ka parin samin Ace-chan!”

“OO... at teka! bakit ako lang tinanong mo? ‘Bat si Ralph hindi! Ha!” Tinuro ni Ace si Ralph na nakamasid lang sa paligid habang nakapasok sa bulsa ng pantalon ang dalawang kamay.

“Sanay na kasi ako na kasama namin si Ralph.”

“Puwes masanay ka na rin na kasama ako! Haha! Diba Jerome?”umakbay siya sa kapatid ni Jessie na tumingin lang sa kanya at napabuntong hininga.

“Nagbigay si Ace ng pera pangkaen sa bahay, parang si Ralph. Oi.” Tinapik ni Jerome ang braso ni Ace para alisin nito ang pagkaka-akbay.

“HUH?” Hindi ‘man lang niya ako hiningan ng opinyon bago nagdesisyon!

“At sa bahay ko na rin siya titira, kalilipat lang niya ng gamit kanina. Wala rin naman kasing nagamit ‘nung isang kwarto sa bahay, at para may kasama rin si Moymoy pag wala ako.” Hindi rin makapaniwala si Jessie na miski si Ralph ay pumayag sa hiniling ng payatot na guro.

“See! Kaya ibig sabihin Jessie! Araw-araw mo na rin ako makakasama! Hehe.”

Yeah, right... like I should celebrate. Grr.

“Umayos ka Ace-chan, umayos ka!” Pinindot ni Jessie ang ilong ni Ace.

“Yes! Ma’am!” Ningitian siya nito na may kasamang pagsaludo ng kamay. Hehe, makalibreng boso rin sana ako sa kanya. Muhahaha.

Tinitigan ni Jessie si Ace sa mapanghusgang paraan. Taga-block C raw siya! Sus! Sinungaling. Hmmft. Pinalayas lang siguro siya sa inuupahan niya ngayon dahil hindi siya nagbabayad. “Tera na nga, mas lalu akong nagutom sa mga narinig ko sa inyo!” Pasiga siyang naglakad at iniwan ang tatlo para bigyan ng panahon ang mga ito pag-masdan ang lakad niyang hindi maipaliwanag.

Jeepney OverdriveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon