J. O. Chapter 15

2.6K 21 5
                                    

AUTHORS CORNER:

    BAGO KO IPASTE ANG CHAPTER 15.... SALAMAT SA MGA BAGONG READERS AT LUMANG READERS NA PATULOY NA NAGBABASA. MAHABA ITO PERO... MABILIS AKO MAGUPDATE. HEHE. SORRY SA TYPO NG NAME NI JESSIE SA CHAPTER 14... ITS "JESSIECA RAIN" NOT "JESSIECA AIRA" HIHI SORRY.

         CHECK OUT THE NEW COVER. HEHE. READ AND SPREAD THE LOVE!

_______________________________________________________________________________

CHAPTER 15

The Call... of duty.

Sa Block C ng Castro Berde Village, nakatira ang mga mayayamang pamilya. May malaking gate sa pagitang ng C at B, bawal ang trycicle sa loob, vendors, at mga taong walang nakalistang appoinment sa logbook ng guard. Balak ng humiwalay ng Block C sa Castro Berde, sa ngayon ay nasa piskalya pa ang kanilang petisyon.

Iba ibang ang design ng mga bahay dito, may modern villa meron ding techno villa at meron ding old school mansion type. Tahimik at malinis ang mga kalsada, lahat ng bahay may kotseng nakapark sa harap. Isa sa mga kilalang personalidad ang pamilya Lee, dahil 50% ng Castro Berde ay pag-aari nila.

Marami rin ang may nais na maging Brgy. Captain ng Block C ang haligi ng tahanan ngayon ng pamilya Lee. May sarili silang company na pagawaan ng notebook, papel, at kung ano ano pang school supplies. Ang ilaw naman ng tahanan ng pamilya Lee ay kilala bilang sikat na fashion designers of the stars.

“Ma’am Lope tatawagin ko na po ba si Señorita Jem?”. Nakaupo sa harap na malaking puting lamesa ang maganda at young looking na si Lope Divina Lee ang pangalawang asawa ni Mr. Edward Lee.

“No, you don’t have too... please just bring some fresh orange juice here. Fresh. Ok?”

“Yes ma’am.”

Kasabay ni Jem bumaba ang ama, nakasalubong pa nila si Aling Sita na papunta sa kusina. Healthy and Rich breakfast ang tawag sa pagkain nila. Mga pagkain na makikita mo lang sa hapag ng mahihirap pag pasko. Humalik sa pisngi ng ina si Jerm.

“Jem, how’s school?”

“It’s all good mom... exams namin mamaya.”

“I want you to top the exams ah.”

“Hihi, ok mom... dad, how’s the company going? I just heard in the news na... nasa top 10 na ng pinakamayaman na company ang Green Papers sa Philippines.”

“Nice... you’re getting interested with our business... yes that’s a fact hehe.” Nasa forthys na si Mr. Lee pero matipuno pa rin ang pangangatawan niya, makapal pa rin ang buhok at may magandang ngipin.

“I see...” hiniwa ni Jem ang kinuhang ham at kinain, sabay kagat sa tinapay. Ilang minuto na rin ang kinain ng masasayang pag-uusap nila na parang isang magandang pamilya nang may isang binatang pababa ng hagdan, narinig ni Jem ang tunog ng sapatos nito at sinilip. “Justin!”

Tumigil sa tapat ng kusina si Justin.

“Come eat breakfast with us... papasok ka na agad?”

Jeepney OverdriveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon