J. O Chapter 4

3.1K 30 2
                                    

CHAPTER 4

Saturday Madness

            Nakalipas na halos ang isang linggo simula nung unang araw ng pasok. Saturday naka sched ang audition ng barkada ni Jessie sa cheering squad, kaya kinaumagahan pa lang ng Biyernes ay sinimulan na nilang i-master ang naisip na choreo noong Monday.

            “Mali... Pag-pasok ko sa kaliwa saka ka palang pupunta sa gitna Vicky!” reklamo ni Chellie.

            “Kasi si Mae eh, ayaw umalis sa pwesto niya...”

            “Gagalaw nga lang ako pag naka-lipat na si Chelle.”

            Pinapanuod lang sila ni Jessie habang nagpra-practice, wala naman siyang ginagawa kaya siya na ang nagprisinta na maging operator ng dala nilang speaker. 1, 2, 1, 2... paulit-ulit na lang, hays sumama na lang sana ako kina Nico sa computer shop nakapaglaro pa ako.

 

            “Mae! Bakit di ka gumalaw!” si Nisa ang nakaisip ng mga step at siya ang may pinakamasakit na ulo sa ngayon.

            “Sorry... nakalimutan ko yung step ee...”

            “Alam niyo... kanina pa kayo sa step na yan, kung paltan niyo na lang kaya ng lifting yan...” payo ni Jessie na pasimpleng kinakaen ang baon ni Trixie.

            “Oi...”

            “Ano ba sa tingin mo yung magandang idagdag namin...”

            Tumambling kayo 3 times... sabay talon, sabay kembot, sabay split... “Hmm... bubuhatin ni Mae si Chellie, tapos si Trixie naman ang bubuhat kay Vicky... and then mag-cartwheel ka habang ganun yung position nila... pagkatapos...”

            Inimagine ni Nisa ang sinabi ni Jessie... “Tama! Tapos... pagkatapos ko, baba na sina Chellie... tapos sila naman yung mag-cacartwheel... tapos Mae, Vicky... marunong ba kayo mag-bend?”

            “Slight...”

            “Hmm... Oo?”

            “Ayun, tapos bend kayo... tapos... tapos... waaah alam ko na! Thank you! Jessie...”

            “Wala yun...” pero mas ok talaga kung maghahagisan kayong 5... “Play ko ba from the start?”

            “Hindi... practice lang muna namin yung step na sinabi mo tas yung naisip ko... hehe”

            “Owkie...” mauubos na ni Jessie ang pagkaen ni Trixie kaya lumipat siya ng bag na hinalungkat, pagkaen naman ni Mae ang kinain niya.

            Dumating na rin sa practice area nila sina Aisha at Grace, friends din sila nina Jessie at hindi lang pumasok noong first day. Kumain ng tatlong oras ang practice nila, kumain din ng tatlong baon si Jessie. Bumalik sila sa room kahit pawisan at mga pagod dahil sa mga dinagdag na routine ni Nisa.

            “Gutom na ako...” bulong niya.

            “Inubos mo na nga baon ko gutom ka pa rin...”

            Hindi pa man nag-iinit ang upo ng barkada ay nilapitan na sila ng bagong cheerleader ng squad ng St.Claire Sr. High School, bilang isang member ng squad ay may privilage ka na pumasok na suot ang inyong cute uniform, kayo rin ang madalas na mag-wewelcome sa mga visitors na pupunta sa school, makikipag-compete din sila sa iba’t ibang cheerleading squad sa buong city. Pag panahon ng Foundation day ang mga cheerleading squad ang bida ng gym.

Jeepney OverdriveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon