J. O Chapter 9

2.8K 24 9
                                    

CHAPTER 9

The Evil Queen

Puno na ng mga istudyante ang gym, first day na ng Linggo ng Wika ang isang buong week na puwede kang hindi pumasok. Naka-set up na ang ilaw at ang unang backdrop ng section 1, nagiintay na lamang na matapos ang speech ng head principal nila.

“Nawa’y maging maayos ang ating celebration at maging makabuluhan ang bawat araw na ating pagsasamahan. Maraming salamat at magandang tanghali. Unang maghahandog ang section 1 Diamond ng first year sr. high, palakpakan natin sila.”

Nagbow muna ang mga actors na gaganap sa section 1, bago pumunta uli sa likod ng kurtina at pag-angat nito ay nagsimula na ang play nila na tungkol sa buhay ni Francisco Balagtas. Busy na rin sa kabilang dako ang section 2 Pearl, nakamake up na agad si Bianca at may dala pang alalay na taga ayos ng damit at mukha niya. Inaayos na rin ni Nico ang mga music at sinasabihan ang mga taga palit at angat ng mga props sa stage, naglast minute practice naman ang ibang actors...  pero may isang nawawala.

“Jessie... nakita mo ba si Grace?” tanong ni Chellie kay Jessie na namamapak ng banana chips at hindi tumutulong sa mga kaklase.

“Hindi pa... baka nasa cr, diba may script siya?”

“Yun na nga ee, kanina pa namin siya hinahanap... sabi ni Kirby, dinaanan naman daw niya sa bahay pero sabi nasa school na daw.”

Taranta at hingal na hingal na lumapit si Nisa kina Jessie. “GUYSS! Help!”

“Oh bakit? Nakita mo na ba si Grace?”

“Eto, nagkasakit daw si Grace... kauuwi lang niya sa bahay... wala ako mahanap na gaganap sa role niya... ayaw naman pumayag ni Bianca na siya na ang magkontrabida...” nabaling ang tingin niya kay Jessie na nakaen pa rin. “JESSIE!” humawak siya sa braso nito, “Jessie! Please... please... kunin mo yung script niya... pleaase”

Ha? Ako? Kailan pa ako umarte!! “Ha? Eh... pero, ha? Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo?? Nisa... gumising ka!”

“NIIIIIIISAAA!” humahangos si Butch. “Hindi magkasya kay Vicky yung mga costume ni Grace ee, kasi medyo mas malaking frame si Vicky... wala na ako makitang-..” napansin niya si Jessie na katabi ni Nisa. “JESSSSIE!!!”

Isa pa to...

Tinulak ng bahagya ni Butch si Nisa at siya naman ngayon ang nakahawak sa braso ni Jessie, pagkatapos ay umikot ito sa kanya at tinignan siya mula ulo hanggang paa.

“Jessie! Ikaw!”

“Ako?”

“SAYO!”

“Sakin?”

“Tama!!”

“Ha?”

“Nisa! Dali... make-upan mo na tong si Jessie, at dalhin sa dressing room!” pumunta ito likod niya at sapilitan siyang tinulak papasok sa dressing room na ginawa nila para sana kay Grace.

“TEKA! Oi... Press san mo ako dadalhin!”

“Nisa, hiram ka ng isang script... Chellie, samahan mo si Jessie.”

Jeepney OverdriveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon