Meet the Characters

5K 44 9
                                    

Meet the Characters

Jeepney Overdrive

 

 

            “Hays... ang haba naman ng traffic ngayon, malalate na ako sa first class ko!!! Waaaah! Eh? Nandiyan pala kayo. Hihi. Ako nga pala si Jessieca Rain, bihira ako tawagin ng mga kaibigan ko sa buo kong pangalan masyado raw kasing mahaba kaya ‘Jessie’ na lang ang tinatawag nila sakin. Matakaw ako sa pagkain, aaminin ko na.

Sa pag-kain ako kumukuha ng energy, halos lahat naman ng tao ganun pero... iba ako! Kasi kahit malakas ako kumain, hindi ako tumataba. Sexy pa rin ako, hahaha. Gamer at isa akong Otaku, kaya madalas nasa loob lang ako ng bahay. Wala rin ako hilig sa gawaing bahay, nandiyan naman si Kuya para gawin ‘yun niyahaha. Nangongolekta ako ng mga anime figures at mahilig ako magbasa ng manga, kahit online! Mahilig ako magdrawing at kahit papaano ay talent ko ata ‘yon haha.

            Ha? Ano ‘yun? Bakit may ‘Rain’ ako sa name? Ah... ‘yan, kapatid ko may pakana niyan. Sabi niya kina Mama at Papa dapat daw may rain ako sa pangalan dahil umuulan kasi ‘nung pinanganak ako. Ironically, pag-naulan medyo may kaba ako. Takot kasi ako sa kulog at kidlat. Jerome nga pala ang pangalan ng Kuya ko, hindi siya pumasok ngayon kay nag-iisa ako sa byahe.

Cute ako kaya cute din ang Kuya ko. Matakaw rin siya maglaro ng computer games at manood ng porn, ilang beses na siya nagpalipat-lipat ng course sa college at ngayon ay Computer Science ang kinukuha niya. 5 years ang tanda niya sa akin and ever since na nag-OFW si Papa, siya na ang aking ‘Nay-tay- at kuya! Hihi.”

            Umandar ng kaunti ang Jeep pero tumigil rin agad dahil sa bumper to bumper na traffic.

            “Nag-aaral pa ako, 1st year Sr. High School na ako hihi at nag-aaral ako sa mataas na paaralan ng St. Claire, literal na mataas kasi hanggang 4th floor. Classmate ko ngayon ang long time bestfriend ko na si Nico!

Since elementary, bestfriends na kami hihi. Magkasundo kasi kami sa hilig namin sa anime, video games at online games. Pero, hindi ako madalas mapaaway kagaya niya. Palagi rin siyang nasa guidance dahil sa pagiging palasagot niya (kahit pabiro) sa mga prof. Kasabwat ko siya noon sa middle high sa pag-cucutting hihi, ewan ko kung anong bagong mangyayari ngayong nasa ibang school na kami.

Kaklase ko rin ngayon si Bianca na super-mortal enemy ko nung elementary to middle high. Mukhang hanggang ngayon ata nabubuhay pa rin siya para bullyhin at asarin ako. Hehe, pero wala naman epekto sakin minsan natatawa na lang ako sa kanya at sa dalawa niyang asungot. Mababaw at may pagka-tanga naman kasi siya kaya madaling gumanti!

Ka-schoolmate ko naman ang isa sa matalik ring kaibigan ni Nico na si Ralph. Mas matalino kasi siya ng kaunti kaya nasa section 1 siya. Hmm, hindi ko pa siya masyado nakakakilala pero mukhang magkakilala na sila ni Nico bago pa kami maging mag-bestfriend at siya ‘yung nakatira sa bagong tayong bahay sa tabi namin.”

Sa muling pag-andar ng jeep na sinasakyan ni Jessie, bumilis ang takbo nito dahil nawala na ang traffic na gawa ng stop light.

“WAAH!” Tumama ang balikat ni Jessie sa bakal na sandalan ng Jeep sa may unahan. “Biglang preno naman kasi si Manong! Hmmft. Bakit ba kasi tumigil nanaman, hmm? Teka, kilala ko ‘tong nasa billboard... nge! Si Dj! Oo nga si DJ nga. Si Dj ay isa sa mga friendship rin namin ni Nico ‘nung mga bata pa kami, pero mayabang at super mahangin niya noon. Palagi niya akong inaasar at pinapaiyak, sa ngayon siya palang ang may record na... napaiyak ako dahil sa pang-aasar! Hmmft. Nag-artista na nga pala siya, lumipad kasi siya sa America nung grade 6 na kami pagbalik niya sumikat na siya.

May nakilala rin ako na isang player na babae sa Ragnaok, Jem ata ang pangalan niya pero hindi ko pa siya namemeet. Ayon naman sa kanyang ‘FB’ mukha siyang mabait, dahil ang ganda niya hihi. Taga Grand International University rin siya, isa sa piiiiiiiiiinaka-mahal na school sa buong bansa. Ka-year ko rin siya, hehe sana mameet ko na siya.”

Nilagpasan na ng Jeep na sinasakyan niya ang billboard ni DJ, konting usok na lang ng tambutso ay puwede ng bumaba si Jessie.

 “KYAAAA~ Hihi, bakit ako sumigaw? Nakita ko kasi ‘yung crush ko na bago. Ang tangkad pala niya, ang cute-cute ng mata niya at ang style ng buhok niya paiba-iba pero lahat bagay! Ahihi. Sana... sana makilala ko na siyaaaa~ hihi. Kinikilig ako.”

“St. Claire na ‘hija.”

“Ay! Oo nga! Infairness may linya si Manong! Hihi, sige ah! Baba na ako... may new prof nga palang darating daw sa school Ace ata ang name niya pero hindi pa confirm, sana pogi rin siya parang si Crush ahihihi!”

“Magtatrapik na hija, bumaba ka na.”

“Ang tarush naman ni Manong hmmft, sige na nga! Ui! Babye ah! Hihi, ay hindi pala See you later! Waaah malalate na talaga ako!!!”

Nakababa na si Jessie, kung hindi pa siya bumaba ay malamang napag-sarhan na siya ng gate ng school. Tumunog na ang bell, start na ng first class. Hmm, mukhang sa hallway mag-kaklase nanaman si Jessie.

.

.

.

Hello! Hihi Creepy Cree here! Dito ko lang gagamitin ang ganitong style ng writing, pag-buklat mo ng Chapter 1 normal na uli ang style niyan. Sana magustuhan mong basahin ang aking sinusulat, ang mga nabanggit ng ating bida na si Jessie ay kalahati o ¼ pa lang ata ng dami ng mga lalabas pang character hihi kaya sa pag-papatuloy ng byahe ng aking mahiwagang Jeepney, marami ka pang makikilala na maaari mo ring mahalin at hangaan!

 

OO nga pala, ako ‘yung driver... tss! Napagkamalan pa akong lalaki!

Jeepney OverdriveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon