Epilogue

5.8K 216 32
                                    

"Jermie..."

Napalingon si jermie sa kakapasok lang na si Dan sa maliit na kwartong kinalulunan niya sa loob ng ospital. May benda ito sa may balikat.

"Sige anak, iwan muna namin kayo," paalam ng mommy niya.

Tumango naman siya bilang tugon bago inihatid ng tanaw ang mga magulang na lumabas ng kwarto. May dalawang araw na rin siyang nandito sa loob ng silid. Maliban sa mga galos, sugat at mga pasa sa katawan ay maayos naman na ang pakiramdam niya.

Tumuloy nang umupo sa Dan sa may upuang katabi ng kamay niya. "Kumusta ka na?"

"I'm good. Hindi na masakit ang mga sugat ko."

"Good to know."

"I-ikaw? Kumusta na ang sugat mo?" balik tanong niya. Halos maubos ang luha at sipon niya sa kakaiyak sa pag-aakalang patay na si Dan.

"Medyo hindi na masakit. Five stiches lang naman ang ginawa sa sugat ko. Galing nga rin pala ako sa kwarto ni Stephen. Ang sabi ng doktor, stable na rin raw siya kaya h'wag ka nang mag-alalala sa kanya... At sa akin."

Ngumiti naman siya sa sinabi ni Dan. Nang panumbalikan kasi ng malay si Dan ay kaagad nilang binalikan si Stephen na duguan dahil sa saksak sa likod at walang malay. Mabuti na lang at kaagad na dumating ang mga pulis kasama ang kuya ni Dan... Si Detective Dong. "Dan... Hindi ko pa pala nasasabi 'to sa iyo..."

"Alin? Na crush mo rin ako?"

Lalo siyang napangiti. "Thank you... Thank you for everything you've done for us. Thank you for my saving my life."

Inabot ni Dan ang kamay niya at bahagyang pinisil. "Sabi ko naman sa iyo, hindi ko hahayaan na may masamang mangyari sa iyo. Hindi ko hahayaang mawala ka sa buhay ko."

Napalunok siya sa sinabi nito. Utang niya ang buhay niya kay Dan, kung nahuli lang ito ng kaunti malamang ay lumulutang na rin sa ilog ang bangkay niya kagaya ng nangyari kay Rayden noon. "Teka," aniya bago pasimpleng binawi ang kamay niya mula dito. May kung anong kaba na kasing namumuo sa dibdib niya. Kabang may kilig. "Paano mo nalaman kung nasaan kami? Hindi ko naman nasabi sa iyo ang eksaktong lugar kung saan kami dinala ng payaso."

"Ako pa ba? Alam mo namang nagmana ako sa kuya kong detective."

"Seriously, paano nga?"

"Okey, ganito 'yun. Naalala mo noong hiniram ko 'yung cellphone mo noong nagkita tayo sa convenient store? Hindi talaga ako nakitext no'n. Nilagayan ko ng sticker ang cellphone mo. Sticker kung saan pwede kong i-track ang location mo once na sagutin mo ang tawag ko."

"Bakit mo ginawa 'yun?" mas lalong curious niyang tanong.

"Because I want to make sure na safe ka. I want to make sure na wlang kahit na anong masamang mangyayari sa iyo. At kung meron man, gusto ko... Ako ang magliligtas sa iyo."

Saglit siyang napatulala kay Dan. Nakangiti ito habang nagpapaliwanag pero bakas ang kaseryosohan sa boses nito. Tila ba walang bahid nang kahit na anong biro alinman sa mga salitang binitawan nito.

"Ano ka ba, h'wag ka munang masyadong ma-pressure. Hindi pa naman ako nanliligaw sa iyo," biglang biro ni Dan.

Hindi na rin niya napigilan ang muling mapangiti. "As if na sasagutin kita kapag nanligaw ka sa akin."

"Bakit hindi ba?"

Saglit siyang natameme sa naging tanong ni Dan. Paano niya ba naman kasi sasagutin ang tanong na kahit siya ay hindi sigurado sa magiging sagot? "Oo nga pala, alam mo na ba dahilan kung bakit... Kung bakit nagawa ni Coach Arthur ang lahat ng 'yun?" biglang singit na tanong niya upang maiba lang ang paksa. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya kumbinsido na dahil lang sa paboritong estudyante ni Coach Arthur si Rayden kaya nagawa nitong pumatay.

"Ang cute mo talaga kapag nagiging seryoso ka ng ganyan. Anyway, yeah. Ang sabi sa investigation nina kuya, anak raw ni Coach Arthur si Rayden."

"Huh?! Paano nangyari 'yun?"

"20 years ago ay pumasok sa kumbento si Coach Arthur upang manilbihan sa simbahan bilang isang pari. Pero nagkaroon siya ng lihim na relasyon sa isa sa mga made na si Sister Lorna. Nagbunga ang lihim nilang relasyon at napatalsik sila sa simbahan. Hindi na nagpatuloy pa ang relasyon nila sa labas ng simabahan at pagkatpos magsilang ni Sister Lorna kay Rayden ay nagpakmatay siya."

"Oh my God," usal niya.

"Nakausap ni Kuya ang ilan sa mga malapit na kaibigan ni Coach Arthur, at nakuha niya ang impormasyon na sinubukan namang alagaan ni Coach ang baby pero sa tuwing titingnan niya raw ang sanggol ay naiiyak lamang ito dahil na rin sa konsenyang nararamdaman sa pagpapakamatay ni Lorna kaya ipinaampon na lang niya si Rayden sa naging foster parent niya na walang kakayahang magkaanak. Pero siniguardo niyang hindi ito malalayo sa tingin niya kaya pinasok niya ang pagtuturo at nagtrabaho bilang isang teacher sa Faubourg Academy kung saan kayo nag-aaral."

"Siniguardo niyang kahit hindi niya kasama si Rayden ay maayos lang ang anak niya. Kaya ganoon na lang ang galit niya sa barkada namin. Dahil kami ang dahilan kung bakit namatay ang nag-iisang taong nagbibigay ng direksyon sa buhay niya." Hindi na niya napigilan ang sarili na maiyak. Kahit saang anggulo tingnan ay silang magbabarkada ang dahilan kung paano nagsimula ang madugong larong ito.

"Jermie..." Muling inabot ni Dan ang kamay niya. "Kuung may kasalanan man ang barakda mo, alam mong wala kang kasalanan." Kumilos ang isang kamay nitong lumapit sa pisngi niya at pinunasan ang mga luhang lumalandas sa pisngi niya. "Labas ka sa kasalanan ng barkada mo kaya h'wag mong sisisihin ang sarili mo."

Gumuhit ang pilit na ngiti s amga labi niya.

"Kaya cheer up. H'wag mo nang paulit-ulit na isipin ang nakaraan. Ang isipin mo 'yung ngayon at bukas... Kasama ako."

Isang malalim na buntong hininga ang binitawan niya bago nagawang pisilin ang kamay ni Dan na nakahawak sa mga kamay niya. "Thank you... Dan. Thank you kasi sinamahan mo ako hanggang sa finish line ng larong ito..."

*****

*****

*****

*****

*****

*****

Muli ay nagpapasalamat ako sa halos kalahating taon nang pakikipaglaro sa kwentong ito.

Sana ay hindi kayong magsawang magbasa ng mga kwento ko dahil ako?

Hinding-hindi ako magsasawa at mapapagod magsulat para sa inyo. :)

I love you and God bless you all. ^_^

Ikaw? Paano mo gustong mamatay? (Published under  ABS-CBN PUBLISHING)Where stories live. Discover now