Chapter XXV - Flashback Part One

4.4K 193 77
                                    


Muling pinaikot ni Mike ang bote sa gitna naming magbabarakada. Lahat kami ay excited na nakatingin sa bote at naghihintay kung kanino hihinto ang nguso noon.

Mabilis na umikot ang bote ...

Nagpaikot-ikot...

Hanggang sa unti-unti nang bumagal at nagbadyang malapit ng huminto.

Malapit na malapit na...

Hanggang sa tuluyan na iyong huminto kasunod nang sabay-sabay naming pagtingin sa pinakapanget na asungot sa barakda namin. Si Rayden.

"Yahooo!!!! Sa wakas, tumapat na rin kay Rayden."

"Akala ko hindi ka na matatapatan eh."

"Si Rayden na lang pala ang hindi pa nakakasagot sa game na ito!"

Halos lahat kami ay nagkantyawan sa kanya habang si Rayden naman ay tila natulala sa bote.

"Game na Rayden," sabi ni Jermie. Sa Wanturi, siya ang pinakamaganda para sa akin. Ang pinakamagandang babaeng nakita ko sa balat ng lupa. "Ikaw? Paano mo gustong mamatay?"

Muling nabaling ang tingin ko kay Rayden na parang kinakabahan. Gusto ko tuloy matawa. Sasagot lang naman siya bakit kailangan pang kabahan? Unless na gusto na talaga niyang mamatay. Asa! Kung bakit ba kasi sumabit-sabit pa siya sa tropa namin. Nakakairita!

"M-malunod?"

"Tapos?" si Nero ang nagtanong. Ang lalaking madalas kong paselosan.

"Malunod. 'Yun lang," muling sagot ni Rayden. "H-hindi kasi ako marunong maglangoy."

"Ang korni!" inis na sabi ni Aaron. Ang pinakamayabang sa barkada namin.

"Dapat iba na lang kay Rayden," dagdag pa ni Miles. Bagay na bagay sila ni Aaron. Ewan ko ba kung bakit at paano ko nagagawang pakisamahan ang dalawnag 'yun. "Sige, ikaw ngayon ang mag-truth or dare!"

"H-ha?" si Rayde ulit na para bang natataranta.

"Pili ka na dali..." pangungulit ni Nero.

Hindi ko alam kung bakit bumaling sa akin ang mga tingin niya. At kagaya ng nakagawian ko na, nginitian ko siya ng matamis. Hindi ako suplada o mataray. Pero plastic ako. At alam kong walang sinoman sa barkada namin ang nakakaalam noon. Walang sino man sa Faubourg Academy, at kung meron man ay sinisigurado kong naidispatsa ko na noon pa.

"D-dare..." sa wakas ay nauutal na sagot ni Rayden. Nauutal-utal pa siya na tila lalong nagpapatawa sa akin na pilit kong pinipigilan.

"Dare?" ulit ni AJ habang may nakakalokong ngiti sa mga labi. Parang nagugustuhan ko na ang tumatakbo sa isip niya. Isa kasi siya sa sobrang trip na trip i-bully si Rayden. "I-kiss mo nga ngayon ang crush mo dito sa Wantutri."

"H-ha?" parang lalong kinabahan si Rayden. Hindi ko alam kung bingi ba o sadyang tanga lang talaga itong siya. Malinaw naman magsalita si AJ. Malinaw naming naintindihhan ang dare na nais nitong ipagawa sa kanya. Kailangan pa ba niya talaga ng translator?

"Wow, exciting!"

"G na rayden, don't be shy!"

"Kiss na!"

Ikaw? Paano mo gustong mamatay? (Published under  ABS-CBN PUBLISHING)Where stories live. Discover now