Chapter II

9.1K 353 35
                                    

"Uy girl, anong nangyari sa iyo?"

Napalingon si Nero nang marinig ang tanong na iyon ni Miles sa katabi niyang si Jermie. Nasa canteen silang magbabarkada at sabay-sabay na nagtatanghalian.

"Huh? Oo naman," kaagad na sagot ni Jermie habang patuloy sa pagkain ng kanin at adobo.

"Are you sure, Jermilyn?"

Nabaling ang tingin niya sa nag-aalalang mukha ni Ariane. Ang sweet talaga nitong magsalita. Para bang bawat salitang binibitawan nito ay may halong concern at lambing. Halos lahat yata ng mga kaklase niya maliban kay Aaron ay may gusto sa dalaga. Bukod kasi sa malambing ito ay sadyang maganda talaga.

"Oo naman, Ariane. Bakit naman ako hindi agiging okey?" kunway balik taong ni Jermie.

"Magtu-two weeks ka na kasing ganyan," si Gelo ang sumagot habang nilalaro ang hawak na sigarilyong walang sindi.

"What do you mean ganito?"

"Tulala," sa wakas ay singit niya. Hindi niya alam kung naiinis ba siya sa pagmamaang-maangan na ginagawa ni Jermie. Isa ito sa pinakamalapit sa kanya sa barkada pero kahit gaano pa sila kalapit sa isa't-isa ay hindi nito ugaling mag-open ng mga sariling problema. Hindi niya tuloy maiwasang mag-alala na ayaw naman niyang ipakita dito.

"Tulala? Hindi naman ah."

"Okey," tipid na sagot niya bago suubo ng ptotato chip. Wala siyang ideya sa kung ano man ang gumugulo sa isip nito. Siguro nga meron pero ayaw niyang isipin na tama ang hinala niya.

"Baka naman may nami-miss," nakangising sabi ni AJ.

"Hulaan ko, ang panget na si Rayden?" dugtong ni Miles na sinamahan ng maarteng pagtawa.

"Bakit ko naman mami-miss 'yun? Baliw kayo 'no?" tanggi ni Jermie.

"Deny ka pa, hindi pa M.U. na kayo no'n?" si Aaron naman ang nag-asar.

"Tumigil na nga kayo. H'wag ninyo nang pa-usapan ang wala dito," saway ni Jermie. Halata sa mukha niong naiinis na dahil sa pambu-bullt ng barkada.

"Guys, tigilan ninyo na si Jermie," segunda niya. Hindi niya alam kung maiinis ba siya o matatawa. Mula noon hanggang ngayong patay na si Rayden ay si Jermie pa rin ang tagapagtanggol nito mula sa Wantutri.

"Oh guys, what's up?"

Napalingon silang lahat sa bagong dating na si Mike na nakasuot ng jersey shirt at halatang galing sa practice ng basketball dahil may pawis pa ito sa may noo na pinupansan ng hawak na towel. Pawisan man ito ay hindi maipagkakailang hindi naman iyon nakabawas sa kagwapuhan nito. Naba-bad trip tuloy siya.

"Oh, bakit yukot na yukot ang mukha ni Jermie?" pansin ni Mike.

"Inaasar na naman kasi nila si Rayden, wala na nga dito," inis na sagot ni Jermie.

"Hahaha! Nakita ninyo ba ang hitsura niya sa kabaong? P*tsa! Kahit patay na ang panget pa rin talaga!"

"Mike, isa ka pa!" sa wakas ay saway na rin ni Ariane na hindi na nagugustuhan ang pang-aasar sa namayapang kaklse.

"Saan ka pupunta?"

Napalingon siya kay Gelo na nagtanong nang bigla siyang tumayo. "Sa C.R. lang," tipid na sagot niya bago naglakad palabas ng canteen at diretso sa C.R. Hindi na rin niya gusto ang takbo ng tuksuhan ng barkada pero ayaw naman niyang ipagtanggol si Rayden dahil hindi naman sla close kaya mananahimik na lang siya kaysa makigulo pa.

Malamig ang pakiramdam nang pumasok siya sa loob ng C.R. Napansin niya kaagad ang isang estudyanteng nakaharap sa isa sa limang urinal. Basang-basa kasi ito na animo'y naglangoy sa swimming pool ng campus. Pamilyar ito sa kanya kahit nakatalikod ngunit wala na siyang panahon pa na usisain kung sino ito dahil malapit ng matapos ang lunch break nila. Nailang na rin tuloy siyang doon umihi kaya tumuloy na lamang sa loob ng isa sa mga cubicle.

Hindi niya alam kung sobrang naiihi lang ba siya kaya mabilis siyang natapos sa pakay na gawin sa harap ng toilet bowl. Inayos na niya kaagad ang sinturon at pantalon nang biglang kumurap-kurap ang ilaw sa loob.

"Sh*t!" hindi na niya napigilan ang mapamura nang maabutan pa rin ang weirdong estudyante na nakataharap pa rin sa urinal na tila ba hindi man lang kumilos kahit kaunti. Napalunok siya nang mapansin basasang-basa na rin ang kinatatayuan nitong tiles na sahig. Saglit niyang inilibot ang paningin sa buong C.R. Nakabukas ang lahat ng pinto sa bawat cubicle, palatandaan na silang dalawa lamang ang magkasama ngayon sa loob.

Kinakabhang dahan-dahan siyang naglakad sa basang estudyante. Hindi niya alam kung bakit kailangan lapitan at kulbitin pa niya ito kahit pwede naman siyang lumampas at lumabas na lamang. Siguro nga ay nais niya lang makasigurado na hindi ito ang estudyanteng tumatakbo sa isipan niya ngayon. Hindi ito ang estudyanteng kilala niya.

"H-hey you... Are you okey – Oh my God!" muntik na siyang madulas sa basang sahig nang humarap sa kanya ang kinulbit na estudyante.

Kaya pala ito pamilyar sa kanya dahil kilala niya talaga ito. Ang kaklase niya na kanina lang ay paksa ng barkada ngayon ay kaharap na niya!

Si Rayden na basang-basa ang buhok at ang suot na uniform habang tila wala ng dugo ang dumdaloy sa mukha nitong kulu-kulubot na. Pulos puti rin ang mga mata nitong lalong nagpakilabot sa kanya. Tuluyan na siyang natumba at napaupo sa sahig nang iangat ni Rayden ang mga kamay upang abutin siya. 'Nero...'

"Uy!"

"P*tang ina!"

"Hey relax 'tol, Ako lang ito!"

Kinusut-kusot niya ang mga mata. At nang malingunan si Gelo ay kaagad na ibinalik ang mga tingin kay... Kay Rayden na ngayon ay wala na sa kinatatayuan nitong urinal kanina. Wala ring kabakas-bakas ng pagkabasa ang sahig na kinatumbahan niya.

"N-Nakita mo ba 'yung..." aniyang hindi maituloy ang sinasabi. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo at dinukot ang panyo sa bulsa upang ipampunas sa pinagpapawisan ng noo.

"'Yung alin? Sino?"

Ramdam niya pa ring ang panginginig sa bong katawan habanag muling inililibot ang paningin sa buong C.R. Walang bakas na naiwan ang multong kanina lang ay kaharap niya.

"Sino bang adik? Ako o ikaw?" ani Gelo lalong natawa nang biglang mamilog ang mga mata niya nang pumwesto na ito sa isa sa mga urinal. "Okey ka lang ba talaga 'tol?"

"O-oo. Sige, una na ako," paalam niya bago iniwanan si Gelo sa urinal kung saan nakapwesto ang nakita niyang Rayden kanina...

***

***

***

***

***

***

***

***

Nagsimula na ang kanyang pagpaparamdam...

Magsisimula na rin kaya ang madugong patayan?

***

***

***

***

***

***

Please don't forget to hit VOTE button and leave some comments. :)

Thank you so much! :* :* :*

Ikaw? Paano mo gustong mamatay? (Published under  ABS-CBN PUBLISHING)Where stories live. Discover now