Chapter IX - Text Message

5.4K 229 28
                                    


"May alam ka bang kaaway ng kabarkada mo, pare?"

Humithit buga muna ng hawak na sigarilyo si Aaron bago sumagot sa tanong ng kasama sa fratertiny. "Wala nga pare eh. Alam kong tibo 'yun pero mabait si AJ. Kung may makakaaway man 'yun sa loob ng school namin, kaming Wantutri ang unang-unang makakaalam."

"Don't worry pare, kami nang bahalang maghanap sa tarantadong 'yun. Sisiguraduhin naming todas kung sino man ang may kagagawan nito sa tropa mo," sagot ni Dennis, isa sa mga kasamahan niya sa grupo.

"Thank you, pards. Kayo lang talaga alam kong pwedeng malapitan sa mga ganitong bagay. Kung iaasa ko pa sa mga pulis ito baka mabaon lang sa hukay ni AJ ang nangyari sa kanya."

"Walang anuman pards. Basta sa ganitong mga problema mo alam mong hinding-hindi ka namin tatalikuran. Ano pa at binuo natin ang grupong ito."

Napangiti siya sa sinabing iyon ni Leo, ang kasama niyang bumuo ng grupo noong nasa 7th grade pa lang sila. Mula sa tatlong miyembro ay hindi na ngayon mabilang kung ilan na ang na-recruit nila bilang mga kasama na halos linggo-linggo ay nakikipag-away. Tatahi-tahimik at ngingiti-ngiti lang siguro siya kapag kasama ang Wantutri nabarkada pero kapag ang fraternity na niya ang kasama sa oras ng bakbakan ay lumalabas ang madilim na bahagi ng pagkatao niya. "Sige, pards. Una na ako. Dadaanan ko pa yung girlfriend ko bago dumiretso ng school."

"Sige, basta balitaan ka na lang namin pards. Ingat ka."

Nakangiti siyang tumango bago lumabas ng abandonadong bahay na tambayan ng grupo bago sumakay ng kotse. Napangisi na lamang siya nang makita ang ilang missed calls sa cellphone niya na inaasahan na niya mula kay Miles. Ngunit bago pa niya ma-dial ang number ni Miles ay napansin niya ang bagong mensahe sa cellphone na hawak. Isang message mula sa number ni AJ. Saglit pa siyang nagdalawang isip bago tuluyan iyon binuksan upang basahin.

"Ikaw, Aaron? Handa ka na bang mamatay?"

***

"Next week, ipapahanap na kita ng bagong school na lilipatan mo Milagros."

"But dad, I told you, wala namang dahilan para umalis pa ako ng Faubourg Acamdemy!" matigas na sagot ni Miles. Kakatapos lang nila panuorin sa telebisyon ang balita nang pagkamatay ni AJ.

"Where are you going?"

"Mom, may pasok ako. Don't tell me, hindi ninyo na ako papapasukin dahil lang sa balitang 'yan. C'mon!"

"Ayaw lang namin na patuloy na sirain ng barkada mo ang buhay mo. Ang future mo..."

"Ang future na gusto ninyo ni daddy para sa akin, mommy. Hindi ang future na gusto ko!" At bago pa muling nakapagsalita ang mommy at daddy niya ay binitbit na niya ang bag at nagsimulang maglakad palabas ng pabahay.

"Ma'am, aalis na po tayo?"

"Umalis ka mag-isa mo!" singhal niya sa driver nila na nagtanong sa kanya at dumiretsong lumabas ng gate habang dina-dial ang number ni Aaron. "Nasaan ka?"

"Malapit na, kinausap ko pa kasi ang tropa para ipahanap ang gumawa no'n kay AJ. Hintayin mo na lang ako sa may guard house. Hindi ka ba ihahatid sa school ng driver ninyo?"

"Hindi ba obvious kaya ako nagpapasundo sa iyo!?" inis na sagot niya.

"Hey, baby. Relax, hindi ako ang kaaway mo, okey? Kaya h'wag mo sa akin ibunton ang inis mo."

Ikaw? Paano mo gustong mamatay? (Published under  ABS-CBN PUBLISHING)Where stories live. Discover now