Chapter XV - Spotlight

4.6K 197 49
                                    

"Sige, may bibilhin lang ako dito sa bookstore saglit tapos didiretso na ako d'yan sa coffee shop," ani Jermie kay Nero na kausap sa hawak na cellphone.

"Susunod na lang ako d'yan then sabay na tayo pumunta ng coffee shop," suhestyon ni Nero.

"Okey, ikaw ang bahala. Nandito na ako sa may entrance, kitakits na lang. Bye." Hindi na siya tumanggi pa sa suhestyon ni Nero dahil nais niya itong ma-solo saglit bago makipagkita sa barkada sa coffeeshop. Pumasok na siya sa loob ng bookstore at kaagad namang nahanap ang pakay na librong bibilhin. Hindi siya sigurado kung nagkataon lang ba na makasabay niya sa pagdampot ng libro ang isang taong hindi niya napansing nakatabi na pala sa kanya. Pumatong tuloy ang kamay nito sa ibabaw ng kamay niyang nakahawak sa libro na kaagad niyang binawi.

"I'm sorry."

Hindi nakaligtas sa pansin niya ang gwapong mukha ng lalaking kaharap ngayon na sa tantiya ay hindi nalalayo ang edad sa kanya. "It's okey. You can have that book na. May iba pa naman sigurong stock."

"Nope, you should have it. Ikaw naman ang nauna sa book. Ako n alang ang maghahanap ng ibang stock," nakangiting tugon ng lalaki na tila ngumingiti rin ang singkiting mga mata.

"Thanks."

"You're welcome. By the way I'm Dan," inilahad nito ang kamay sa harap niya.

"I'm Jermie."

"I hope na hindi mo isiping dumidiskarte kaagad ako but do you think nagkita na tayo before?"

Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis sa tanong ni Dan. Mabuti na lang nga at inunahan na siya nito sa pagtanggi na dumidiskarte sa kanya dahil iyon talaga ang iisipin niya sa tanong nito. "I don't think so."

"Para kasing you look like someone I know. Parang nakita na kita kung saan o nakilala."

"You know what, I have to go. Salamat na lang ulit sa book na –"

"Alam ko na. Ikaw 'yung nasa picture sa table ni kuya!"

"Kuya?" takang ulit niya. Nawi-weird-uhan na siya sa mga sinasabi ni Dan kaya nagsisimula na siyang mainis at kabahan.

"Jermie, nandito ka lang pala. Halos maikot ko na itong bookstore eh."

Napalingon sila ni Dan kay Nero na naglalakad palapit sa kinatatayuan nila.

"Nandito na pala ang boyfriend mo. It was nice meeting you Jermie. I hope to see you soon again. Bye."

"Teka!" Hindi na nagpapigil pa si Dan na umalis sa harap niya bago pa nakalapit si Nero.

"Sino 'yun?" tanong ni Nero nang makita ang papalayong kausap ni Jermie kanina lang.

"Dan daw name niya. Nakasabay ko lang sa pagkuha nitong book."

"I see. Let's go?"

Napalunok siya bago tumalima kay Nero habang patuloy na gumugulo sa isipan ang sinabi ni Dan kanina. Anong picture ang sinasabi nito at sinong kuya ang tinutukoy nito.

******

"Yaya? Pwede mo ba akong ibili ng snacks sa convenient store?"

"Ariane, pasensya na pero madami-dami pa kasi itong lalabhan ko. Mga thirty minutes siguro matatapos ko na ito."

Ikaw? Paano mo gustong mamatay? (Published under  ABS-CBN PUBLISHING)Where stories live. Discover now