Chapter XVIII - Ang Paghihiganti dulot ng mga nasirang Pangarap

4.1K 182 29
                                    

"Jermie!"

Napalingon si Jermie sa bagong dating sa loob ng presinto na sina Mike, Nero at Ariane. Kaagad naman siyang niyakap ng mahigpit ni Ariane. Siya na ang kusang nagpakilala sa mga dumating na pulis kanina na kaklase at kaibigan niya ang bangkay na natagpuang walang ulo sa harap ng coffe shop, sumama na rin siya sa mga ito sa presinto. Alam niya kasing doon din naman papunta ang lahat. "Wala na si Miles... Pinatay na rin siya ng payaso."

Hinagod-hagod ni Ariane ang buhok niya habang pinupunasan ang sariling mga luha.

"Where is Aaron?" tanong niya nang sa wakas ay mahimasmasan. Inabot niya ang panyo mula sa kamay ni Ariane.

"Hindi namin siya makontak. Wala rin siya sa bahay nila," tugon ni Nero habang ang tingin ay na kay Dan. "Sino ka?"

"Guys, si Dan. Nakasama ko siya kanina sa coffeeshop habang naghihintay sa inyo," pakilala niya.

"Pare," inilahad naman ni Dan ang kamay pero hindi ito inabot ni Nero.

"Detective Dong."

Nabaling ang tingin nila kung nasaan ang tingin ni Mike.

"Jermie, I think I have to go. Tinatawagan na rin ako ng kuya ko. See you around and nice meeting you guys."

Hindi na nagawa pang sumagot ni Jermie dahil kaagaad nang nakaalis ang nagpaalam na si Dan.

Tahimik namang tumayo si Detetive Dong sa harapan ng limang teenager. "Parang may kulang sa inyo?"

"Si Aaron po, detective pero walang sinoman sa amin ang makakontak sa cellphone number niya," si Ariane ang sumagot.

"I see. Maaari ko ba kayong makausap isa-isa?"

"Anong bang bago do'n detective eh halos araw-araw na tayong magkasama sa school, makakatanggi pa ba kami?" sarkastikong sagot ni Mike.

Wala naman sa mood si Detective Dong na makipagtalo sinoman sa mga ito dahil alam nitong mas malaking problema ang haharapin mamaya kapag dumating na ang mga magulang ni Miles. "Uunahin ka na namin kausapin, Nero. Please follow me."

Saglit na hinawakan ni Nero ang kamay niya at pinisil iyon bago tumalima sa detetctive na kausap.

Naiwan naman silang tatlo sa may waiting area at naupo na.

"Ikukuha lang kita ng water," ani Ariane.

"Nope, ako na Ariane," sabi nmana ni Mike.

Wala sa loob ni Jermie na napasunod ang tingin sa papalayong si Mike. Nakasuot pa kasi ito ng pang-basketball na uniform at rubbershoes.

"Jermie, are you okey?"

"Y-yes. Nandito na kayo kaya okey na ako," tugon niya habang nakatuon ang tingin sa binti ni Mike na wala ng benda. Napalunok siya nang mapansing wala na rin iyong kahit na anong bakas ng sugat. Isa lang ang ibig sabhin, hindi ito ang payasong naka-enkwentro niya noon sa horror booth. Pero sino nga ba ang taong iyon? Sino ang payaso na iyon?

*****

"P*tang ina mo! Lumaban ka ng patas! Ipakita mo ang mukha mong g*go ka!" nanggigil na sigaw ni Aaron habang nakatali siya sa isang malaking krus at tanging boxer lang ang suot.

Huminto naman ang payaso sa ginagawang pagkatay sa kaharap na katawan ni Leo bago tumingin kay Aaron.

"G*go ka talaga! Mapapatay din kitang hayop ka!"

"Don't worry Aaron, bago mo pa magawa 'yun ay naunahan na kita!"

Napalunok siya sa narinig. Pagkatapos ng halos dalawang oras na pagkatay ng payaso sa dalawang kaibigan sa harap niya ay ngayon lang ito nagsalita. Malaki ang boses nito dahil sa suot na mascara at napakapamilyar.

Tumawa naman ng malakas ang payaso. Malakas na malakas. "Pero bago kita patayin tutuparin ko muna ang hiling mo."

Naramdaman niya ang panginging ng buong katawan nang makita ang inabot ng payaso. Isang pugot na ulong may mahabang buhok. "N-no... N-no!" Napahagulhol na siya nang makilala ang mukha na iyon. Ang pugot na ulo ni Miles! "Hayop ka! Hayop ka talaga!!!"

Napaismik naman ang payaso bago nagsimulang maglakad palapit sa kanya habang hawak-hawak sa buhok ang pugot na ulong nakaawang pa ang mga labing punung-puno ng dugo. "Ito ang gusto mo 'di ba?" ibinaba ng payaso ang boxer ng suot ni Aaron bago ipinasok sa duguaang bibig ng pugot na ulo ang pagkalalaki nito.

'Gusto ko, bago ako mamatay sa taga ay mapasarap muna ako ng baby ko.'

Pakiramdam niya ay naisuka na niya halos ng kinain niya sa buong araw nang maramdaman ang malagkit na dugong kumakapit sa pagkalalaki niya mula sa bibig ng ulo ni Miles.

"Masarap 'di ba? Masarap?!" anang payaso bago sa mukha naman ni Aaron idinikit ang hawak na ulo at pilit na pinapahalikan sa kanya.

"Tama na! Tigilan mo na ito! Ano bang kasalanman ko sa iyo. Ano bang kasalanan namin sa iyo!" naghahalo na ang suka, dugo, luha at pawis sa mukha niya habang pilit paring iniiwasan ang muka ni Miles.

"Marami!" biglang sigaw ng payaso bago inihagis sa kung saan ang pugot na ulong hawak. Gumulung-gulong iyon hanggang sa tumama sa pader. "Marami kayong kasalanan sa sa akin! Sinira ninyo ang buhay ko at ang pangarap ko! Sinira ninyong ang lahat!!!'

Nanlaki ang mga mata niyang nakatitig sa payasong patuloy sa pagwawala. Halos ibalibag na nito ang malaking lamesa kung nasaan nakalagay ang pira-pirasong katawan na kinatay na sina Leo at Dennis. Kilala na niya ang payaso. Nabobosesan na niya ito. Hindi siya maaariing magkamali. Pero bakit? Bakit at paanong nangyari na sinira ng barakada niya ang buhay ng payaso?

Hinihingal nang napahinto ang payaso sa pagawawala bago hinawakan ang malaking kutsilyong ginamit na pangkatay.Matalim ang mga matang tumingin ito kay Aaron at muling nagsimulang tumawa na parang baliw. "At ngayon. Sisiguraduhin kong mga buhay ninyo naman ang sisirain ko!"

****

****

****

****

****

****

May matitira pa kayang buhay sa Wantutri?

Sino nga ba ang sa kanila ang dapat pang mabuhay?

Sino ang dapat na mamatay?

Sino ang dapat na pagkatiwalaan?

Meron pa ba?


Ikaw? Paano mo gustong mamatay? (Published under  ABS-CBN PUBLISHING)Where stories live. Discover now