Chapter XXVII Erotomania

4.5K 175 27
                                    

"Napakawalang hiya mo!" Nanginginig sa galit na sigaw ni Stephen nang marinig ang kwento ni Ariane kung paano nito pinatay si Rayden at kung paano ito naging kasabawat ni Coach Arthur sa pagpatay sa Wantutri. "Binaliktad mo ang totoong kwento para makaligtas ka sa paghihiganti ni Coach! Hindi dapat ang barakada mo ang namatay! Ikaw Ariane! Ikaw!"

"Ariane... Ariane, paano mo nagawa ito?" Halos hindi na maintidihan ni Jermie ang sariling boses dahil sa pangangatal niya. Mula sa kotse ay halos kaladkarin na sila ni Ariane pabalik ng maliit na bahay. Iniwanan na nila ang bangkay ni Nero na basag ang bungo sa loob ng kotse. Walang tali ang mga paa o kamay nila pero wala pa rin sa isip nila ang manlaban dahil sa hawak na baril ni Ariane na nakatutuok sa kanila at anumang oras ay maaaring pumutok. "P-paano mo nagawang patyin si Nero!?"

Ngumisi naman si Ariane. Humitit buga muna ito ng hawak na sigarilyo bago iyon inapakan upang mamatay ang sindi. "Hindi mo alam? Siguradong kang hindi mo alam, Jermie? Sobrang tanga at manhid mo naman para hindi mo malaman."

Napalunok si Jermie sa pasigaw na tanong na sagot ni Ariane. Ibang-iba ang Ariane na kaharap niya ngayon. Ang Ariane na kilala at kaibigan niya ay hindi nagyoyosi o nagmumura... Hindi pumapatay ng tao!

"Kung may gusto ka kay Jermie bakit kailangan mo pang patayin ang barakada mo? Bakit kailangan mo pa silang idamay!?"

Nanlaki ang mga mata ni Jermie sa narinig mula sa katabing si Stephen.

"Totoo 'di ba? Totoong baliw na baliw ka kay Jermie!" muling sigaw ni Stepehn.

Lalong napangiti si Ariane bago napailing. "Akalain mo 'yun!? May utak ka rin palang kutong-lupa ka!?"

Muling napalunok si Jermie. Malinaw niyang naririnig ang sinasabi ng dalawa ngunit bakit parang hindi iyon malinaw na tinatanggap ng utak niya. Bakit parang ang hirap intindihin!? "A-akala ko, si Nero ang gusto mo?"

Napaismik si Ariane bago bahagyan lumapit sa nakaupong sina Jermie at Stpehen. "Minsan hindi ko alam kung sadyang manhid ka lang o nagtatanga-tangahan ka lang. Kung si Nero ang gusto ko, hindi dapat siya ang pinatay ko... Ikaw."

Muli siyang napalunok bago binalot ng kilabot ang buong katawan niya lalo na nang luambas sa mga labi ni Ariane ang salitang 'Ikaw'. Hindi siya makapaniwalang nalinlang siya nang maganda at maamong mukha ni Ariane. Nalinlang siya ng mapagpanggap na kaibigan.

Unti-unting bumakas ang lungkot sa mukha ni Ariane na halos maiiyak na. "Tell me, Jermie... Panget ba ako? Bobo ba ako? Mahirap ba talaga akong mahalin?"

Hindi na niya napigilan ang luhang mamuo sa mga sa mga mata niya. At sa kabila nang nanginginig na mga labi ay nagawa niya pa iyong ibuka. "Paano mo sila nagawang patayin para lang sa sarili mo!?"

Muling napaismik si Ariane bago tumayo at ikinasa ang baril. "Wala naman talaga sa plano ko 'yun, pero anong gagawin ko!? Ayokong mamatay Jermie. Ayokong mamatay at ayokong mawala ka sa akin! Ginawa ko ito hindi lang para sa sarili ko kung hindi para sa ating dalawa! Kung hindi ko sinabi kay Coach Arthur na ang barkada ang pumatay kay Rayden, kung hindi ko siya tinulungan... Papatayin niya akon at papatayin ka niya. Hindi lang ang sarili ko ang niligtas ko Jermie, pati ikaw."

"Pero wala ka nang ligtas Ariane. Mabuhay man kami o hindi malalaman ng lahat na ikaw ang may pakana ng lahat ng ito. Malalaman nilang ikaw ang psychotic killer!" sigaw ni Stephen.

"At sinong may sabi?!" Sinundan ng malakas na tawa ni Ariane ang sinabi. Malakas na tawa. Malakasn na malakas na halos mabaliw na ito sa kakatawa. Bago biglang huminto at lumapit kay Stephen na napaatras. "nakikita mo ito?" Inilabas ni Ariane ang balisong mula sa bulsa. Saglit na itinutuok sa mukha ni Stephen. Nagpaikot-ikot sa pisngi nito na tila anumang oras ay nais iyong butasin. Hanggang sa... "Ahhh!!"

Ikaw? Paano mo gustong mamatay? (Published under  ABS-CBN PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon