Chapter X - Ang Payaso

5.5K 224 27
                                    

Tahimik na lumabas ng principal's office si Jermie kung saan siya kinausap ng mga pulis at ni Detective Dong tungkol sa pagkamatay ni AJ.

"Are you okey?"

Napatingin siya sa nag-aalalang mukha ni Coach Arthur. "Yes, coach. Pwede na po ba akong bumalik sa classroom?"

"Sige, pwede ka nang bumalik sa classroom ninyo. Hintayin ninyo na lang ako do'n."

Tahimik siyang tumalima sa sinabing iyon ng class adviser nila. Lahat silang magka-kaklase ay in-interview ng mga pulis at ng isang detective na nagpakilalang si Detective Dong pero ramdam niyang ang interview sa kanilang magba-barkada ang pinakamatagal sa lahat. Hindi niya alam kung bakit sa tono ng pagsasalita at pagtatanong ni Detective Dong ay tila nais nitong sabihin niyang may kinalaman siya o sila ng barkada sa pagkamatay ni AJ. Pati na rin sa pagkawala ni Gelo na noon lang niya nalaman na lalong nagpakaba sa kanya. Mas lalo siyang kinabahan nang pati ang pagkalunod ni Rayden ay ungkatin nito. Pero kagaya noong gabi na malunod ito ay wala siyang kahit na anong binaggit tungkol sa naging laro nila ng barkada.

"Jermie!"

Nalingunan niya si Stephen na tumawag sa pangalan niya.

"Nabalitaan ko 'yung nangyari kay AJ. Condolence."

Isang pilit na ngiti lang ang itinugon niya dito bago nagpatuloy sa paglalakad.

"Jermie, may gusto sana akong sabihin sa iyo..."

"If this is about the stage play again, wala ako sa mood."

"Pero -"

"Stephen, h'wag muna ngayon please. Saka na muna tayo mag-kwentuhan about sa stage play ninyo. Wala talaga ako sa mood. Sorry," aniya bago muling nagpatuloy sa paglalakad.

Naiwan naman sa kinatatayuan si Stephen na nakahatid tanaw sa papalayong si Jemie. "This is not just about the stage play. This is bout your friends..."

"Kaibigan ka rin ba nila? Kasama ka rin ba sa Wantutri?"

Nalingunan ni Stephen ang isang lalaking hindi katangkaran at hindi rin kalakihan ang katawan. Nakasuot ito nga itim na jacket at may hawak na maliit na notebook. "H-hindi po ako kasama sa Wantutri. Nasa Section One po ako."

"I see. Ako nga pala si Detective Dong, ang may hawak sa kaso ni Dualan," pakilala nang detective sa sarili bago napatingin a keychain na nakalawit sa may bulsa ng kausap.

"Kilala ko na po."

Muling nabaling ang tingin ni Detective sa mukha ni Stephen nang marinig ang naging tugon nito.

"Noong araw po na nalunod si Rayden. Kasama po ako sa mga in-interview ninyo."

"Ah oo. Natatandaan na kita, ikaw 'yung isa sa pinakamalapit kay Rayden Montalbo," hindi nakaligtas sa pansin nito ang pasimpleng pagtago ni Stephen ng keychain sa loob ng bulsa.

"Opo, ako nga po. Sige po detective, mauna na po ako," paalam ni Stephen bago mabilis na iniwanan ang kausap.

Sinundan naman saglit ng tingin ng detective si Stephen bago muling nagpatuloy sa paglalakas palabas ng campus.

Samantalang kagaya ng inaasahan ni Jermie ay magkakasama ang Wantutri sa sulok nang makapasok si Jermie sa loob ng classroom.

"Anong tinanong nila sa iyo?" kaagad na tanong ni Mike nang makaupo si Jermie.

Ikaw? Paano mo gustong mamatay? (Published under  ABS-CBN PUBLISHING)Where stories live. Discover now