Chapter I

12.1K 465 48
                                    


Maputla ang mukha ni Rayden na tila wala ng dugong dumadaloy sa balat nito habang ang mga matang pulos itim ang makikita ay nanlilisik na nakatingin sa kanya.

***

Mabigat ang pakiramdam ni Jermielyn 'Jermie' Bangaoil nang ihakbang papasok ng Brington Academy ang mga paa na saglit pa'ng napahinto sa may little garden kung nasaan ang isang nakangiting picture ni Rayden. May mga kandila doon at mga bulaklak na nagkalat. Nakagat niya ang pang-ilalim na labi nang muling mapatingin sa litrato. Hindi pa rin siya makapaniwalang totoong wala na si Rayden sa mundong ito. Ang pag-ihip nang malamig na hanging biglang yumakap sa katawan niya ang nagtanggal ng lungkot na nararamdaman niya. Napatingin siya sa maliwanag na kalangitan. Nakapagtatakang napakataas nang sikat ng araw pero nakakaramdam siya ng kakaibang lamig. Isang malalim na buntong hininga na lamang ang binitawan niya bago muling nagpatuloy sa paglalakad papasok. Maingay ang karamihan sa mga kaklase niya nang makapasok siya sa loob ng classroom kaya kapansin-pansin ang barkada niyang Wantutri na tahimik sa may sulok.

Isang lingo na ang nakakalipas buhat nang matagpuan ang lumulutang na bangkay ni Rayden sa may ilog malapit sa pinagka-camping-an nila. At nang tanungin silang lahat ng mga pulis ay iisa lang ang naging sagot ng Wantutri, walang nangyaring laro bago ang insidenteng iyon. Pagkatapos nilang maghapunan ay pumasok na sila sa kanya-kanyang tent upang magpahinga.

Hindi niya maiwasang makonsensya sa isinagot niyang iyon pero sabi nga ni Mikee, mas magugulo lamang ang lahat kapag may nakaalam ng laro nila bago ang aksidente. Oo, naniniwala siyang isa lamang iyon aksidente dahil hindi naman talaga marunong maglangoy si Rayden. Aksidente lamang at wala ng iba pa.

"Hi girl!" nakangiting bati ni Milagros 'Miles' Liway. Sa kanilang lahat isa ito sa mga tila hindi apektado sa nangyari.

"Hey," tipid na tugon niya bago umupo sa may tabi ng pinakamagandang niyang kaklase na si Arianne Orillios na tahimik rin na kunwa'y nagbabasa ng hawak nitong pocketbook.

"Good morning guys, bakit parang ang tahimik ninyo?" bati nang bagong dating na si Aaron Santos na humalik sa katabing nobya na si Miles. "Hi baby!"

"May nami-miss yata eh," nakangising sagot ni Allaine Jean "AJ" Dualan.

"G*go! Sino naman makaka-miss sa panget na iyon!?" inis na sabi ni Mike Paul "Mikee" Bulgan. Ang escort ng classroom nila at MVP ng campus.

"Ano ka ba pare? Kahit paano naman nakaka-miss rin siya 'no. Kasi wala na tayong ma-bully dito sa campus. Hahaha," ani Angelo 'Gelo' Barcelona. Kanina lang ay tahimik rin ito kaya halatang pilit lang ang tawang binitawan.

"Anyway guys, bukas na pala ang libing ni Rayden."

Napalingon siya sa huling nagsalita na si Nero Panes. Isa sa pinakamalapit sa kanya na kababakasan nang kaseryosohan ang mukha.

"Pupunta ba tayo?"

Halos lahat sila ay sabay-sabay na napatingin sa maamong mukha ni Arianne. Bakit kasi ang ganda-ganda ng kaibigan niyang ito. Hindi niya tuloy maiwasan minsan na makaramdam ng insecurity dito, mabuti na lang at hindi ito maarte at natural lang na mabait hindi kagaya ng ibang kaklase niya na kung umasta ay parang pinakamagandang estudyante sa lahat.

"May lakad kami ng mga pinsan ko. Baka hindi ako makasama," ani AJ.

"Actually kami rin ng baby ko, may date bukas," si Aaron naman ang nagsalita.

Ikaw? Paano mo gustong mamatay? (Published under  ABS-CBN PUBLISHING)Where stories live. Discover now