Chapter VI - Who's next?

6.3K 260 62
                                    


"Congrats Stephen, ang ganda ng stage play ninyo!" masayang bati ni Jermie. Katatapos lang ng stage play na pinanunod nila at magkakasabay silang apat nina Nero, Ariane at Stephen na lumabas ng auditorium.

"Thank you Jermie. Sana makanuod ulit kayo sa next show namin," masayang tugon ni Stephen.

"Ayan ang hindi namin masisigurado –"

"Siyempre naman," ani Jermie na pumutol sa sinasabi ni Nero. Alam kasi niyang aalaskahin na naman ng kaibigan si Stephen.

"Thank you rin pala, Ariane. First time kasi kitang nakita na nanuod ng stage play ng drama club ng campus."

"From now on, lagi na akong manunuod ng mga stage play ninyo. Ang gagaling ninyo pala," nakangiting tugon ni Arianne.

"Nandito pala ang mga paborito kong estudyante," nakangiting sabi ni coach Arthur na lumapit sa apat na estudyanteng magkakausap. "Congrats pala Stephen para sa successful na show ng club ninyo."

"Salamat coach!"

"Nanunod ka pala coach?" takang tanong ni Jermie. Kaunti lang kasi ang tao sa loob ng auditorium kanina kaya nakakapagaka kung hindi niya ito nakita kanina.

"Oo, alam mo namang palagi akong nanunuod ng stage play ng club nina Stephen."

Nabakasan niya ang lungkot sa boses ng guro, naalala na naman siguro nito si Rayden na miyembro rin ng drama club.

"Hindi ko alam na mahilig pala kayo sa stage play. Bakit ba hindi ko kayo napansin sa loob kanina? Kung hindi ko pa kayo nakitang nagkukumpulan dito ay hindi ko na talaga kayo mapapansin hanggang sa makauwi ako. Oo nga pala Ariane," ani choach Arthur na humarap sa magandang estudyante. "Bakit hindi ka mag-audition sa drama club? Ang mga ganyang ganda ng isang estudyante ay dapat na ipinagmamalaki at naiilawan ng malalaking spotlight para nasisilayan ng karamihan. Hindi ba Stephen?"

"Oo nga. Pati ikaw Jermie. Alam kong mahiyain ka, pero hindi ba nagsusulat ka sa wattpad? Bakit hindi ka mag-join sa club namin. Pati na rin ikaw.... Nero," sabi pa ni Stephen na may pag-aalinlangan sa pagbanggit ng pangalan ni Nero na hindi man lang lumingon at nanatiling nakatuon ang mga tingin sa hawak na cellphone.

Napangiti naman si Jermie nang marinig ang pag-anyaya na iyon ni Stephen kahit pa nauna nang yayain ni Coach Arthur si Ariane. Hindi niya tuloy alam kung matutuwa ba siya o maiinis nang maisip na si Ariane ay pang-entablado at siya ay pang-back stage lamang. "Let's see. Medyo busy na rin kasi sa finals pero susubukan ko kapag may extra time ako."

"Guys, medyo dumudilim na. I think we should go home now," anyaya ni Nero.

"Sige po coach, mauna na po kaming umuwi at baka abutan pa kami ng gabi dito," paalam naman ni Jermie nang mapansin na malapit na ngang lumubog ang araw. "Congrats ulit Stephen, bye!" Sabay-sabay na silang tatlo na naglakad patungo sa may gate ng campus.

"Teka, may problema tayo," sabi n Nero nang makarating sila sa may waiting shed kung saan rin nakaparada ang motor ng mga estudynate.

Nakuha naman kaagad ni Jermie ang tinutukoy ni Nero. Madalas kasi kapag uwian ay apat silang magkakasabay nina Mike, Nero at Ariane. Sa motor ni Mike nakaangkas si Ariane samantalang siya ay sa motor naman ni Nero. "Since mas malayo ang bahay ni Ariane, siya na lang ang ihatid mo Nero. Maghihintay na lang ako ng taxi dito."

"Pero ayaw mo nang nagta-taxi mag-isa 'di ba?"

Natahimik siya sa tanong ni Nero na iyon. Natandaan pa pala nitong ayaw niya nang nagta-taxi lalo na kapag nag-iisa dahil sa mga nangyayari ngayong krimen na laging sangkot ang mga taxi driver at pawang mga nag-iisang babae na pasahero ang madalas na biktima.

Ikaw? Paano mo gustong mamatay? (Published under  ABS-CBN PUBLISHING)Where stories live. Discover now