Chapter XXIII- Warning! Nakakabitin!

3.8K 162 27
                                    



Medyo napaaga ang update ko.

Sana magustuhan ninyo ang pampabitin ko sa chapter na ito. Hahaha

Salamat sa lahat ng nagbabasa ng istoryang ito.

Kapit lang. Malapit na tayo sa katapusan. :)

Malapit na nating malaman ang buong katotohanan.

Enjoy! :)

***

***

***

***

***

***

***

***

***

***

***

"J-Jermie."

"S-Stephen!" Hind makapaniwala si Jermie nang makita si Stephen na gumagapang na palapit sa kanya. Halos matuyo na ang dugo sa mukha at mga braso nito habang sinisimulang kalasin ang mga tali sa kamay at katawan niya. "Buhay ka!"

"Syempre naman, isa yata ako sa mga bida sa kwentong ito kaya hindi ako kaagad mamamatay!" tugon ni Stephen na nagawa pang magbiro habang kinakalas ang mga tali sa kamay ni Jermie.

"Tama na! Ahhhh! Patayin mo na ako! H-hindi ko na ---"

"Stephen, bilisan mo baka hindi na natin abutang buhay si Ariane!" At nang tuluyan nang makawala sa mga tali ay bigla siyang napahinto sa planong puntahan kaagad si Ariane dahil tuluyan nang nawala ang mga sigaw ng dalaga.

"Jermie..." Halos pabulong na sabi ni Stephen na hinawakan ang kamay ni Jermie bago umiling. Tanging ingay na lang ng chainsaw ang naririnig nila na tila kumakatay sa katawan ni Ariane.

Nangangatal ang mga labing naiyak si Jermie bago nakuha an ibig sabihin ni Stephen. Magkasabay silang pumunta sa may pwesto ni Nero na nakalungayngay na ang ulo. Nakagat niya ang pang-ibabang labi upang hindi makasigaw nang biglang sumirit sa mukha niya ang malapot na dugo nang tanggalin ang kawayang nakatusok sa paa nito.

"Jermie... Jermie, ako nang bahala kay Nero. Pumunta ka sa may lamesa, maghanap ka ng kahit na anong bagay na pwede nating magamit na pang-selfdefense."

"P-pero si Ariane-"

"Sshhh..." bahagyang hinawakan ni Stephen ang batok ni Jermie habang ang isang kamay ay nakatakip sa bibig ng dalaga bago umiling. "Jermie, ayokong maging makasarili pero kailangan nating mabuhay."

Lalo naiyak si Jermie bago naisip na kailangan niyang patatagin ang sarili. Tama si Stephen, wala na siyang kahit na anong ingay na naririnig mula sa loob ng kwarto kung saan dinala si Ariane kung hindi ang mga tunog ng tila kinakatay na karne nito. Tumalima na siya sa sinabi ni Stephen at mabilis na pumunta sa may mahabang lamesa kung nasaan ang mga nilalangaw na katatwan nina Miles at Aaron kasama ang ilang mga gamit ng payaso. Maingat pero mabilis siyang naghanap ng mga bagay na pwede niyang gamitin na pamproteksyon. Mga kutsilyo, itak, balisong at kung anu-ano pa ang nakita niya. Pero may isang bagay na mas nangibabaw sa paningin niya. Ang baril sa dulo ng lamesa.

Dadamputin na sana niya ang baril nang muling mapalingon sa may kahon natila may kung anong guamgalaw. Hindi siya nagkamali sa hinala nang makita sa loob noon ang cellphone niyang nagba-vibrate.

"Hi Jermie! Good evening, naistorbo ba kita? Hindi kasi ako makatulog –"

"Dan, listen to me!" Kaagad niyang pintuol ang sinasabi ni Dan sa kabilang linya. "Kinidnap kami ng payaso at hindi ko alam kung nasaan kami. Isa lang ang alam ko, sisiguraduhin niyang patay kami. Dan tulungan mo kami..."

"Jermie, let's go!" tawag ni Stephen habang akay-akay na si Nero.

"Jermie, hahanapin ko kayo. Hahanapin kita bago -"

"Ahhh!!!"

Nabitawan ni Jermie ang hawak na cellphone nang biglang sumigaw si Nero, nakalabas na mula sa maliit na kwarto ang payaso at ang hawak nitong maingay na chainsaw na kaagad na lumapat at muntik nang pumutol sa paa ni Nero ang mga talim!

"Hayop ka!" bago pa tuluyang maputol ang paa ni Nero ay nagawang tumalon ni Stephen sa may likuran ng payaso ngunit kaagad itong naihagis ng payaso sa kung saan.

Bang!

Mabilis na nabaling ang tingin ng payaso kay Jermie na nagpaputok ng baril. Dumaplis lang ito sa may balikat ng payaso na kaagad na sumugod sa kanya at nagsimulang makipag-agawan ng baril. "Mamamatay ka! Papatayin ko kayong lahat! Papatayin ko kayong lahat na pumatay kay Rayden!"

"Hindi kami mamamatay tao! Ikaw! Ikaw lang ang mamamatay tao at wala ng iba!" naging mas matigas si Jermie habang hawak ang baril. Nagunti higit na mas malaki at mas malakas ang payaso na nagsimula nang kapain ang gatilyo ng baril.

Bang!

"Jermie!" sigaw nang nahihirapan nang si Nero nang muling pumutok ang baril na halos napapagitnaan ng katawan ni Jermie at ng payaso.

Nanlalaki naman ang mga mata ni Jermie na nakatitig sa kaharap na payaso habang hindi pa rin niya alam kung kanino tumama ang bala ng baril na pumutok. Paano ba niya malamaman? Kapag may naramdaman siyang sakit o kapag bigla na lamang siyalng tumumba kagaya ng mga napapanuod niya sa telebisyon at pelikula?

****

****

****

****

****

****

Sino ang mamamatay?

Sino ang mabubuhay?

Sino nga ba ang nagmamay-ari ng mukha sa likod ng maskara ng payaso?


Ikaw? Paano mo gustong mamatay? (Published under  ABS-CBN PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon