Chapter XXII - Ariane's Sacrifice

3.9K 174 30
                                    

Nanlaki ang mga mata ni Jermie nang makita ang boteng muling huminto sa tapat ni Ariane.

Muli na namang naiyak si Ariane nang maitaas ang mga tingin sa bote.

"K-kung sino ka man... T-tama na please... M-maawa ka sa amin... Maawa ka na kay Nero!" iyak ni Jermie.

"Ariane... Choose now." Seryosong utos ng payaso.

Malakas namang hagulhol ang isinagot ni Ariane.

Samantalang si Jermie ay ipinikit ang mga mata dahil alam na niyang siya ang pipiliin ni Ariane sa pagkakataong ito.

"Ang sabi ko pumili ka na!" sigaw ng payaso kasunod ang pagsabunot sa buhok ni Ariane.

"Si Nero!" pahagulhol na sagot naman ni Ariane. "I'm sorry... I'm sorry Nero..."

Hindi makapaniwala si Jermie na muling tumingin kay Ariane. Sa kabila ng takot na nararamdaman niya ay hindi niya maintindihan kung bakit paulit-ulit nitong pinipili si Nero at hindi siya?

"Tsk. Tsk. Tsk. Tingnan mo nga naman, napakaswerte mo talaga ni Nero," napapailing na sabi ng payaso. Kinuha nito mula sa mahabang lamesa ang dalawang manipis at mahabang kawayan na patulis ang dulo. "Handa ka na ba sa susunod na tanong?" muli itong lumapit kay Nero at halos idikit na ang mga labi sa tainga ng duguang binata. "Bakit ninyo pinatay si Rayden? Bakit pinagtulungan ninyo siyang patayin? Ano bang naging kasalanan niya sa inyo?"

Napalunok si Jermie sa narinig na tanong ng payaso. Hindi nila pinatay si Rayden. At walang pumatay kay Rayden. Kung meron man ay sigurado siyang wala sa kanila. Wala sa barkada nila. "Hindi kami mamamatay tao kagaya mo! Wala! Wala sa aming mamamatay tao!"

"Ahhhh!!!"

Marahas na sinabunutan ng payaso ang buhok ni Nero. "Inuulit ko ang tanong ko, bakit ninyo pinatay si rayden!? Bakit ninyo siya nilunod sa ilog? Bakit ninyo siya pinatay!?"

"H'wag mo kaming itulad sa iyo siraulo ka! Walang mamamatay tao sa amin!" malakas na sagot ni Nero.

Isang napakalalim na buntong hininga ang binitawan ng payaso. "Hindi ka talaga aamin?"

"Hindi! Dahil wala naman akong dapat na aminin. Wala sa amin ang pumatay kay Rayden. Ikaw! Ikaw ang pumatay sa kanya. Ikaw wala – Ahhhh!!!" Sumirit ang dugo sa paa ni Nero nang itusok ng payaso ang mahabang kawayan. Tumirik naman ang mga mata ni Nero sa sakit nang muling itusok ng payaso ang isa pang kawayan sa kabilang paa nito.

"Tama na 'yan! Tigilan mo na si Nero! Ako na lang! Ako na lang ang patayin mo! Sa akin naman nagsimula ang lahat! Ako lang ang dahilan kung bakit gustong sumama ni Rayden sa Wantutri. Kaya ako na lang please! Ako na lang!!!"

*****

Napahinto ang payaso sa ginagawa at napatingin kay Ariane. "Gusto mong ikaw na ang unahin kong patayin?"

"Oo, ako na lang! Ako lang naman ang dahilan kung bakit siya sumama sa barkada namin. Dahil may gusto siya sa akin, kaya ako ang may kasalanan. H'wag mo nang idamay ang barkada ko! Ako na lang h'wag na sila! Ako na lang, please!" iyak ni Ariane.

Hindi makapaniwala si Jermie sa narinig at napatingin kay Ariane. Hindi siya makapaniwalang handang ialay ni Ariane ang sariling buhay para sa barkada... Para kay Nero.

"Sige sige... Dahil mabait ako, pagbibigyan kita Ariane sa kahilingan mo."

"N-no! N-no please! Tama na, tigilan mo na kami!" sigaw ni Jermie nang makitang tumayo ang payaso at lumapit kay Ariane.

"Natatandaan mo dati, ang sabi mo, gusto mong mamatay na para kang nasa isang horror movie? Ano ngang favorite horror movie mo? The Texas Chainsaw Massacre?" Lumapit ang payaso sa lamesa at kinuha ang isang chainsaw bago sInimulan nitong buhatin ang upuan ni Ariane patungo sa isang kwarto.

"Ahhhhhh!!!" Halos naghalo ang mga sigaw ni Ariane at ingay ng chainsaw mula sa loob ng kwarto.

"Tama na! Please! Tigilan mo na si Ariane!!! Tama na!!!" tumumba na si Jermie mula sa kinatataliang upuan pero patuloy pa rin siya sa pagmamakaawa kahit parang hindi siya naririnig ng payaso dahil sa ingay ng chainsaw. Wala na siyang pakialam kung naghahalo na ang sipon, laway at pawis sa mukha niya habang patuloy sa pagsigaw. Pakiramdam niya kasi ay mabibingi na siya sa naririnig na magkahalong sigaw ni Ariane at ingay ng chainsaw mula sa loob ng kwarto.

"J-Jermie..."

Tila nabuhayan siya ng loob kahit kaunti nang malingunan ang tumawag sa pangalan niya.

*****

*****

*****

*****

*****

*****

Hanggang saan mo nga ba kayang magsakripisyo para sa isang kaibigan?

Kaya mo bang ialay at isakripisyo maging ang sarili mo?

Handa ka bang mamatay para lang mabuhay siya?

Ikaw? Paano mo gustong mamatay? (Published under  ABS-CBN PUBLISHING)Where stories live. Discover now