Chapter III

7.7K 317 17
                                    



"Ate Jermie, pwede na ba akong pumunta do'n?"

Napatingin si Jermie sa nag-uumpukan na mga bata kung saan nakaturo ang hintuturo ng five years old niyang pinsan na si Popoy. Napakunot noo pa siya nang makitang kumaway sa kanya ang payasong nagma-magic doon. "Sige, pero h'wag kang malikot doon ha."

Kaagad namang tumango ang bata at tumakbo papunta sa mga nagtatawanang mga bata.

"Jermie, buti nakarating kayo ni Popoy dito sa birthday party ni Lexie," bati ni tita Miranda, ang mommy ni Lexie na kaklase ni Popoy sa nursery.

"Hindi na nga po sana makakapunta si Popoy kasi may pasok sina tita Karen, eh dahil Sabado naman po ngayon ako na ang nagprisinta na sumama kasi nagmamaktol na ang makulit na bata kagabi pa raw," tugon niya. Pinuntahan siya sa bahay ni tita Karen upang pakisuyuan ang katulong nila na samahan ang makulit na pinsan sa birthday party na iyon. Dahil wala naman siyang lakad ay siya na ang nagprisinta. "Heto nga po pala ang regalo namin kay Lexie."

"Naku, salamat. Talagang nag-abala pa kayo. Kumain ka na d'yan at mukhang nag-eenjoy na si Popoy sa magic na ginagawa ng clown," ani tita Miranda. "Naku, ayan na ang mga teachers sa school nina Lexie. Jermie, Ikaw na munang bahala d'yan basta't h'wag kang mahihiya at ituring mo na bahay mo ito."

Ngiti na lang ang naitugon niya sa ginang na tinungo na ang mga bagong dating na bisita. Napakalaki ng garden kung saan dinaraos ang birthday party ng kaklase ng pinsan niya. Tumuloy na siya sa may mahabang lamesa kung nasaan ang napakaraming pagkain. Kumuha lang siya siya ng carbonara bago pumwesto ng upo kung saan nakikita niya ng maayos ang pinsan kasama ang ilan pang bata na masayang nanunuod sa nagma-magic na payaso.

Napangiti siya nang matapos ang isang magic at magpalakpakan ang mga bata. Kasabay halos ng pagsubo niya ng pasta ay ang pagtabi ng payaso ng mga kagamitan. Hindi ito nagsasalita at sumesenyas na tila kailangan ng isang volunteer mula sa kaharap na mga bata. Aktibo namang nagtaas ng kamay ang pinsan niya na lalong nagpangiti sa kanya. Manang-mana talaga sa kanya ang pinsan niya pagdating sa pabibohan. Pero bigla siyang napahinto sa pagnguya nang makita ang kakaibang kahon na kinuha ng payaso. Lalo na ng mula sa loob ay inilabas niyo ang isang tila makatotohanang kutsilyo. Inilapat pa nito sa mga labi ang hintuturo na tila nais patahimikin ang lahat. Bumaling rin ang mga tingin nito sa kanya at sinenyasan na tumahimik kagaya ng ginawa sa mga kaharap na mga bata.

"Okey lang ba 'yun?" Napatingin siya sa paligid. Lahat ay abala sa kanya-kanyang pagkain at pakikipagkwentuhan sa mga kasama. Muli niyang ibinalik ang mga tingin sa mga bata. Namilog ang mga mata niya at nanginig ang buong katawan nang makitang ang dulo ng kutsilyo ay nakatutok na ngayon sa ulo ng excited na si Popoy. Nagtaas ng mukha ang payaso at gumuhit sa malaki at mapula nitong bibig ang isang nakakalokong ngiti.

"No!!!" sigaw niya ng malakas ngunit huli na dahil tuluyan nang bumaon ang kutsilyo sa ulo ni Popoy na kaagad na tumirik ang mga mata.

Tumilabsik ang malapot na dugo sa makulay na mukha ng clown at sa mukha ng mga bata. Binunot pa nito ang kutsilyo at muling sinaksak sa ulo ni Popoy ng paulit-ulit habang sinusundan ng pag-arteng tila tumatawa ng walang boses.

Nagsimulang umiyak ang mga bata at ang iba ay nagtakbuhan sa kanya-kanyang magulang.

Nabitawan naman na niya ang plato at tinidor na hawak habang naluluhang tila napako na sa kinauupuan. Ilang saglit pa bago huminto sa ginagawa ang payaso at nilubayan na ang ulo ni Poypoy na tadtad na ng maraming saksak. Kaagad na bumagsak ang katawan ng bata sa damuhan at nagsimulang kumalat ang malapot na dugo doon.

Parang nag-slow motion ang lahat kay Jermie ng dahan-dahan ay lumingon muli sa kanya ang mukha ng payaso. Nakaguhit na naman ang nakakalokong mga ngiti sa mapula at malaki nitong labi. Binunot nito ang kutsilyong nakasaksak sa ulo ni Popoy bago inilapit sa mga labi at dinilaan ang dugong naandoon. Nagsimulang gumalaw ang mga labi nito na tila may binubuong salita.

Naguguluhan na siya at nakapako pa rin sa kinauupuan ang sarili. Ni mga daliri ay hindi niya magawang igalaw. Pinipilit niyang intindihan ang mga salitang binibigkas ng mga labi ng payaso na walang baso. Napalunok siya nang sa wakas ay mabasa iyo.

"Ikaw? Paano mo gustong mamatay?"

At bago pa niya nagawang umalis sa kinauupuan ay bigla nang inihagis ng payaso ang hawak na kutsilyo na kaagad na bumaon ang buong talim sa kanang mata niya!

***

***

***

***

***

***

***

Please don't forget to hit VOTE and leave some COMMENTS. :) 😊

And also, please do watch my short movie trailer for this story! :) 😊

Thank you so much! 💋 💋 💋

Love you all! 😘 😚 😍

Ikaw? Paano mo gustong mamatay? (Published under  ABS-CBN PUBLISHING)Where stories live. Discover now