Chapter XXVIII - Bloody Finale

4.6K 184 25
                                    


Hindi alam ni Jermie kung panandalian ba siyang nawalan ng malay, naramdaman na lang niyang may biglang humila sa kanya mula sa pagkakalublob sa tubig ng ilog. Sunud-sunod at malalim na paghinga ang binitawan niya bago niya nagawang lingunin ang nagmamay-ari ng mga kamay na nagligtas sa buhay niya mula kay Kamatayan.

"Jermie... Jermie, are you okey?!"

Ilang saglit pa bago tuluyang bumalik ang panlilinaw ng paningin niya at makilala ang bayani niya. "Dan!" Hindi siya makapaniwala bago ito niyakap ng mahigpit. Ngunit kaagad na bumalik sa isipan niya ang kanina lang ay ang baliw na nais siyang patayin. Nalingunan niya si Ariane na nakahandusay sa may hindi kalayuan sa kanila at muling nababalot ng malapot na dugo ang mukha at ulo. Sa tabi nito ay may malaking duguang bato na may sabit pa ng mga hibla ng buhok ni Ariane.

"Ligtas ka na Jermie..."

Hindi na niya na napigilan ang sarili na maiyak. Kanina lang, akala niya ay mamamatay na siya kung saan namatay ang taong pinagsimulan ng madugong larong ito.

"Jermie..." Sinalubong niya ang mga tingin ni Dan na ang mga kamay ay nakahawak sa magkabila niyang pisngi. "Ligtas ka na..."

Isang malalim na buntong hininga ang binitawan niya. Tama si Dan, ligtas na siya. Buhay siya...

"Let's go, parating na sina kuya..."

"Kuya?" takang ulit niya.

"Mahabang kwento, mamaya ko na lang ipapaliwanag," ani Dan na inalalayan na siyang tumayo.

Hindi na niya nagawa pang muling magtanong bago sinubukang tumayo. Pero labis pa rin ang panginginig ng mga tuhod niya kaya muli siyang natumba at naiyak. "A-akala ko... Akala ko mamamatay na ako... Akala ko mamamatay na ako kagaya ng mga akibigan ko."

"Shhh..." Muling ikinulong ni Dan ang mga pisngi ni Jermie sa sariling mga palad. "Remember kung anong sinabi ko sa iyo kanina? Darating ako... Darating ako bago pa may masamang mangyari sa iyo, di ba? Nandito na akoa.. Buhay ka... Ligtas ka na Jermie... Ligtas ka na."

Muli siyang yumakap kay Dan at humaguhol. Ang bigat. Ang bigat-bigat ng pakiramdam niya. Labis siyang natutuwa at buhay siya pero hindi pa rin siya lubos na masaya. Siya na lang... Siya na lang ang buhay sa barkada.

"Jermie, listen to me. We have to go now. Kailangan na nating madala sa ospital si Stephen."

"B-buhay si Stephen?!" Tila kahit paano ay nabuhayan siya ng loob sa narinig.

"Oo, buhay siya at kailangan na niyang madala sa ospital. Let's go."

Mahigpit siyang kumapit sa mga braso ni Dan upang maitayo ang sarili.

"H'wag kang mag-alala. Parating na sina kuya at alam kong mai- Ahhhh!!!"

Muli siyang natumba nang biglang matumba ang kinakapitan niyang si Dan. May bumaong maliit na palakol sa may balikat nito.

Nalingunan niya si Ariane na hinihingal at kaagad na muling kinuha ang palakol sa pagkakabaon sa balikat ni Dan at akmang itataga sa kanya. Mabilis siyang gumulong upang makaiwas dito kaya napasubsob si Ariane sa putikan kasunod ang pagkabitaw ng maliit napalkol.

'If you want to survive to a real-life horror movie, you have to kill the killer not just once or twice or even thrice! Kill him as much as you can!'

Hindi niya alam kung saan siya nakadampot ng malaking bato at kung paanong sa isang iglap lang ay nakaibabaw na siya kay Ariane. "Para ito sa pagpatay mo sa mga kaibigan ko!!!! Ahhhh!" malakas niyang inahampas ang bato sa mukha ni Ariane na hindi na nagawa pang umilag. "Para ito kay Nero at sa pagsira mo sa buhay ko!" muli niyang inihampas ng malakas ang bato. "At ito ay para kay Rayden at sa lahat ng taong pinatay ng kabaliwan mo!" Ilang beses pa niyang pinaghahampas ng hawak na malaking bato ang mukha ni Ariane na ngayon ay wala ng bakas na ganda at labas na ang utak.

"J-jermie... Jermie... Tama na..."

Hinihingal na napahinto si Jemrie nang yakapin na siya ni Dan bago binitawan ang batong nababalot ng malapot na dugo. Nanginginig ang kamay niyang tumugon sa yakap ni Dan bago nabaling ang tingin kay Ariane na durog na durog na ang ulo.

"Tapos na... Totong tapos na ang larong ito..."


Ikaw? Paano mo gustong mamatay? (Published under  ABS-CBN PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon