Chapter XII - Next Target

5.5K 243 42
                                    

"Hindi ba kasama 'yan sa Wantutri?"?

"Oo, kaya h'wag tayong maglalapit sa mga 'yan."

"Ano ba 'yung Wnatutri?"

"Hindi mo ba alam, sila 'yung pinapatay ng gumagalang psychotic killer dito sa school. Ang narinig ko nga, 'yung katawan no'ng adik na kaibigan nila hindi pa nakikita. Baka ginawa ng abo 'yun no'ng pyscho killer."

Hindi na napigilan ni Jermie ang sarili at susugurin na dapat ang lamesa kung saan nagtsi-tsismisan ang mga estudyante na para bang hindi nila naririnig. Pero bago pa siya makapaglakad papunta doon ay nahawakan na siya sa braso ni Nero.

"Jermie no. Baka lalo tayong pag-initan sa principal's office. Bumalik na tayo sa classroom," ani Nero na kasama niyang bumili ng sandwich sa canteen.

Saglit niyang tiningnan ng masama ng tatlong babaeng estudyante na nagtsi-tsismisan bago tumalima kay Nero at naglakad kasabay nito pabalik ng classroom. Mula nang mailibing si AJ ay naramdaman niya ang pag-iwas sa kanilang magbabarkada ng mga kaklase at ilang mga estudyante ng academy. Noong una ay wala siyang pakialam pero sa mga ganoong sitwasyon na halos iparinig na sa kanila ang tsismisan ay hindi niya maiwasang makaramdam ng inis.

"Here's your sandwich Ariane," inabot ni Nero ang biniling sandwich para sa kaklase nang makapasok sa classroom at makaupo sa pwesto ng Wantutri.

"Oh bakit parang bad trip si Jermie?" pansin ni Mike.

"As usual, mga tsismosang estudyante," sagot ni Nero.

"H'wag mo na silang isipin Jermie. Wala naman tayong kasalanan sa mga nangyayaring ito," ani Aaron.

"Right, wala tayong kasalanan. Kasalanan 'to ng mga lasinggerong sina AJ at Gelo. Kaya pati mga pangalan natin, nasisira."

"Miles, kung wala kang sasabihin mabuti pwede bang h'wag ka nalang magsalita. Baka sa iyo ko pa maibunton ang inis ko eh," hindi na niya napaigilang sagot sa sinabi ni Miles. Kung umarte kasi ito ay para bang walang pakialam sa mga barkadang namatay.

"Whatever!"

"Nand'yan na si ma'am!"

Nagkanya-kanya silang ayos ng upo nang maringi ang sinabing iyon ng isang kaklase.

"Parang ang aga naman ni ma'am?" takang bulong niya.

"Baka may ia-announce," pabulong na sagot rin ni Nero.

"Good afternoon class," bati ni Ma'am Liza nang makatayo sa harap ng mga estudyante. "Alam kong hindi naging madali ang taon na ito para sa ating lahat dahil bukod sa ilang buwan na lang ang ilalagi ninyo dito sa Fabourg Academy ay naging sunud-sunod pa ang mga trahedya, but class, kailangan na nating mag-move on. Kaya gusto ko sana na kagaya ng last year ay gawin nating masaya ang Foundation week para na rin sa last school year ninyo dito."

Napabuntong hininga siya sa narinig. Alam niya kasi kung ano ang nakatoka sa grupo nila, ang horror booth na isa sa pinakamabentang booth sa Foundation week na isine-celebrate nila ng isang linggo.

"Okey ba class? Kaya ba nating gawing the best ang mga booth natin this year? Mas the best compare sa last year?"

"Yes ma'am!" Halos sabay-sabay na tugon ng ilang estudyanteng kaharap ng guro.

"Thank you class, I'm looking forward for your cooperation," anang muli ng guro bago nagsimulang maglabas ng mga gamit. "Nakalimutan ko pala sa faculty ang mga cartolina para sa lesson natin today. Babalik lang ako saglit para kuhanin 'yun pero paki-prepare na ang inyong mga assignment. Mike, Jermlilyn, Nero, Ariane, Milgaros at Aaron. Pwede bang sumunod muna kayo sa akin para tulungang kunin ang mga cartolina?"

Ikaw? Paano mo gustong mamatay? (Published under  ABS-CBN PUBLISHING)Where stories live. Discover now