Chapter V - Nightmares

7.5K 261 28
                                    

Naghihikab na pumasok sa may gate ng campus si Jermie. Pgkatapos niyang bangungutin ay hindi na ulit siya halos nakatulog buong gabi.

"Good morning Jermie!"

Napaptilag siya sa biglang pagbati ni Stephen. Ang isa pang medyo weirdo na estudyante na bestfriend ni Rayden. Pero kahit bestfriend ito ng namayapang estudyante ay iba ito kay Rayden. Mahilig ito sa horror movie at hindi pinagsisiksikan ang sarili sa Wantutri. Siya lang rin ang madalas nitong kausapin sa barkada kaya hindi ito trip na bully-hin nina Mike.

"Why so jumpy?"

"Ikaw kasi, bigla ka na lang sumusulpot d'yan!" natatawang sagot niya na nagpatuloy sa paglalakad. Sinabayan naman siya ni Stephen.

"I-invite sana kita manuod ng stage play namin later," anito na may inilabas na papel kung saan nakasulat ang detalye ng tungkol sa stage play. Ito kasi ang direktor ng drama club ng campus kung saan kasama rin dati si Rayden.

"Friday the 13th? Malayo pa ang Halloween ah," takang sabi niya nang mabasa ang nakasulat sa papel na hawak.

"Gano'n talaga. Napansin ko kasi na mas maraming estudyante ang nanunuod ng play namin kapag horror ang theme. Sana makadaan ka mamaya."

"Sige, subukan kong dumaan after class," nakangiting sagot niya. Hindi sila magaka-section ni Stephen kaya lalo siyang natawa nang lampasan nila ang classroom nito upang masabayan pa siya sa paglalakad hanggang classroom nila.

"Sige, hope to see you later Jermie."

Nakangiti naman siyang tumango. Papasok n asana siya sa loob nang mapansin ang keychain na nakalawit mula sa may bulsa ni Stephen. "Stepehen, wait! 'Yung keychain? 'Di ba... 'Di ba kay Rayden 'yan?"

Nabaling rin ang tingin ni Stephen sa keychain na payaso na kaagad na itinago sa loob ng bulsa. "Hindi 'no! I mean, oo pala. Dati. Pero binigay na niya sa akin ko noon pa. Sige Jermie, see you later. Bye!"

Hindi na niya nagawang tumugon pa dahil mabilis itong tumalikod at naglakad patungo sa may kabilang classroom. Pumasok na lang rin siya at umupo kung saan nakapwesto ang barkada.

"Good morning!" bati ni Ariane na may matamis na ngiti sa mga labi.

Napangiti na rin siya. Kung bakit naman kasi ang ganda ng kaibigan niya na ito lalo na kapag nakangiti. "Good morning Arianne!" binaling niya ang mga tingin sa ibang barkada. "Good morning guys!"

"Good morning!" si Nero ang sumagot na naghihikab.

"Puyat ka?" takang tanong ni Ariane. "Tingnan mo, nagkaka-eyebags ka tuloy."

Hindi niya maiwasan na mapatingin nang lumapit si Ariane kay Nero upang tingnan ang mga mata nito.

"Hmm... Araine, ako rin puyat," biglang sabi ni Mike na kunwa'y naghihikab rin. Matagal na itong nanliligaw kay Arianne.

"Mag-aral ka munang umarte Mike. Hindi kasi convincing," natatawang tugo ni Ariane bago bumalik sa sariling upuan.

"Kahit gwapo ka panget ka pa rin umarte," natatawang sabi ni Miles.

Napakamot ulo naman si Mike sa kantyaw ng barkada.

"Pero seriously, bakit parang puyat ka Nero?" ulit na tanong ni Ariane.

Ikaw? Paano mo gustong mamatay? (Published under  ABS-CBN PUBLISHING)Where stories live. Discover now