Chapter IV (S.P.G.)

7.7K 329 51
                                    


WARNING! STRICTLY STRONG PARENTAL GUIDANCE

NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS OR SENSITIVE MINDS.

THIS CHAPTER CONTAINS GRAPHIC BLOODY SCENES, ADULT LANGUAGES AND SITUATION INTENDED FOR MATURE READERS ONLY.

***

***

***

Malalim at mabilis ang paghinga ni Jermie nang makabangon mula sa pagkakahiga sa kama. Sinapo-sapo pa niya ang kanang mata upang makasigurado na walang kutsilyo ang nakabaon doon. Napapitlag siya at muntik nang mapasigaw dahil sa malakas na pagtunog ng alarm clock na katabi. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang malaking mukha ng payaso na disenyo ng alarm clock na niregalo sa kanya ni Rayden noong Cristmas party. Hindi na niya napigilan ang sarili at kagaad iyong dinampot bago malakasa inihagis sa kung saan na kaagad nagpatigil ng ingay nito.

"Oh my God" bulong niya bago inihilmaos ang mga palad sa mukha niya. Ano ba itong mga napapaginipan niya? Mas'yado lang ba talaga siyang naging apektado sa pagkawala ni Rayden?!

***

Nanlalabo ang paningin ni Gelo nang imulat ang mga mata. Masakit sa ilong ang amoy na umaalingasaw sa lugar na kinalulunan niya. Isa iyong lugar na tila maliit na bodega. Matagal bago niya napagtantong tila may kakaiba sa pwesto niya. Nakatali ang mga paa niya at nakabitin siya nang patiwarik!

Pilit niyang iginalaw ang sairili nang maramdamang may kung anong kumukulbit sa ulunan niya. "Holy sh*t!" nanlaki ang mga mata niya nang makitang ang kumukulbit sa may ulo niya ay mga pares ng kamay na nakalagay sa timbang nasa may ulunan niya na tila handaing sumalok ng dugo niya. Ngunit ang mas nagpahindik sa kanya ay ang mapagtantong sa kanya ang mga putol na brasong iyon! "Ahhhhh!!!!!"

"Shhh..."

"S-sinong nandyan?!" malakas na tanong niya sa nanginginig na boses nang may makitang tao na na pumasok sa loob. Ilang saglit bago ito tamaan ng tanging liwanag sa buong paligid na nagmumula sa lampara. Isang taong hindi kalakihan, naka-wig ng kulot na buhok na kulay berde, nakasuot ng makulay na damit at ng nakangiting maskara ng isang payaso. Hirap man ay napalunok siya nang mapadako ang tingin sa hawak nitong isang matalim na itak. "S-sino ka?! B-bakit mo ginawa sa akin ito!? P-pakawalan mo ako dito!"

Mula sa bulsa ay may inilbas itong yukot na papel na dahan-dahang binuklat at iniharap sa kanya. May nakasulat doon gamit ang pulang tinta na iniisip niyang galling sa dugo niya.

'I am clown fairy and I am here to make your wish come true...'

"W-wish?! Anong wish ang sinasabi mong p*tang-ina ka!? Pakawalan mo ako dito!!!" tapang-tapangan niyang sigaw. Muli siyang natahimik nang may inilalabas ulit ang payaso na papel mula sa bulsa. Nangatal na ang mga labi niya nang mabasa ang mga nakasulat doon.

'Tutuparin ko ang wish mo kung paano mo gustong mamatay...'

"F*ck you!!!" Hindi na niya napigilan ang maiyak. Wala na siyang mga braso at sigurado siyang sinoman ang psychotic na payasong kaharap niya ngayon ay papatayin siya ng walang awa anumang oras.

'Simulan na nating ang larong tapyasan, Gelo!' Ang nakasulat sa huling papel na inilabas ng payaso bago naglakad palapit sa kanya.

Pinilit niyang iiwas ang katawan sa payaso ngunit ngayon lang niya nararmdaman na parang nanghihina na ang katawan niya dahil sa mga dugong patuloy na inilalabas ng putol niyang mga braso. Mahigpit n hinawakn ng payaso ang kanang tainga niya bago walang salitang tinapyas gamit ang matalim na itak. "Ahhh!!!"

Saglit na lumayo ang payaso at umarteng tumatawa habang pinaglalaruan ang hawak na tinapyas na tainga at nang magsawa ay itinapon iyon sa baldeng malapit nang mangalahati ang laman na dugo. Muli nitong hinawakan ang isa pang tainga ni Gelo. Ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi kaagad nito tinapayas ang tainga niya. Dahan-dahan nitong hiniwa ang tainga ng binata.

"Ahhhh!!!" muling sigaw niya habang ramdam na ramdam ang dahan-dahang pagputol ng payaso sa taingan niya. Malalim ang paghingal niya nang sa wakas ay maramdamang humiwalay na ang tainga mula sa ulo niya. Naramdaman na niya lalo ang panginginig ng buong katawan nang dumako ang hinlalaki at hintuturo nitong pumisil ng ilong niya. "N-no!!!" Huli na dahil sinimulan na ring tapyasin ng payaso ang tungki ng ilong niya. Mas mabagal kung saan ramdam niya ang mas matinding sakit na halos nagpatirik ng mga mata niya. Naghahalo na ang luha, sipon, laway at dugo sa mukha niya nang tuluyan nang matapyas ang ilong niya.

'Ikaw, Gelo? Paano mo gustong mamatay?'

'Ako? Gusto kong mamatay sa tapyas.'

'Gusto ko una nilang tatapyasin sa akin 'yung mga braso ko, tapos 'yung mga paa ko. Tapos siyempre pati 'yung ilong ko gusto ko matatapyas rin bago nila lalaslasin 'yung leeg ko na parang dinuguan!'

Nagsisimula nang umikot at manlabo ang paningin niya pero parang malinaw pa rin niyang naririnig sa loob ng isipan ang pag-uusap nilang iyon ng barkada noon. Sino ba ang baliw na payasong ito?! Isa ba ito sa Wantutri!? Isa ba itong multo ni Rayden?

"T-Tama na, aahhhh!!!" muli niyang naramdaman ang matinding sakit at pilit na pagpipimiglas nang ipitin ng plais ang dila niya para hilahin palabas. Unti-unti na siyang nahirapang huminga nang mabilis na putulin ng itak ang dila niya. Naramdaman niya ang pangangatal ng mga labi at panlalamig ng buong katawan. Nahihirapan na rin siyang panatiling dilat ang mga mata dahil sa mga dugong pumapasok doon mula sa ilong at bibig niya. Bakit ba kasi hindi pa siya kaagad patayin ng payaso kagaya ng mga nangyayari sa mga horror movie?! Putol na ang mga braso, tainga, dila at tapyas na ilong niya. Batid niyang anumang oras ay mauubusan na siya ng dugo. Tuluyan na siyang napapikit nang maramdaman ang talim sa may leeg niya. Sa wakas! Tuluyan na siyang papatayin ng payaso.

"Paalam Gelo."

At bago pa sumambulat sa mukha ng payaso ang dugo mula leeg niya at mangisay-ngisay ang katawan niya ay nagawa pa niyang imulat ang mga mata niya dahil sa boses na narinig. Hindi nga siya nagkamali nang makita niyang wala na ang maskcara na tumatakip sa mukha ng taong kanina pa nagpapahirap sa kanya. Paano iyon nangyari? Paanong ito ang mukha na nasa likod ng maskara? Bakit nais siya nitong patayin!? Bakit!?

***

***

***

***


***

***

***

Please don't forget to hit the VOTE button and leave some comments...

Thank you so much! :) :*

Ikaw? Paano mo gustong mamatay? (Published under  ABS-CBN PUBLISHING)Where stories live. Discover now