chapter 4

351K 3.4K 311
                                    

Chapter 4

SYDNEY'S POV

Nagising ako dahil sa ang bigat ng nakapatong sa tiyan ko.

Pagmulat ko, mukha agad ni Andrei ang nakita mo.

Ang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa.

Nararamdaman ko na nga yung hininga nya.

Magkaharap kami at yung kamay niya nakapatong sa akin.

Kaya pala mabigat.

TEKA!

BAKIT NASA KWARTO KO SI ANDREI?!!

"AAAHHHHH!" sigaw ko.

Nagulat yata si Andrei sa sigaw ko dahil napaupo siya bigla.

"Bakit? Anong nanagyari?" tanong ni Andrei sa kin.

"Anong nangyari ka diyan? Bakit ka andito sa kwarto ko? Tsaka bakit dito ka natulog ha?" sunod sunod kong tanong sa kanya.

"Anong magagawa ko e nakatulog ako kakaintay magkakuryente."

Natahimik ako sa sinabi niya.

Inintay niya magkuryente?

Seryoso? Inintay niya talaga?

"Andrei, salamat." sabi ko sa kanya

Tumayo na siya sa kama.

"Magbihis ka, aalis tayo." sabi niya

"Saan tayo pupunta? Tsaka hindi ka ba papasok sa opisina?"

You are My Home (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon