Chapter 50 - #Stay

1.8K 72 8
                                    


Kyona's POV

Tumawa ng malakas si Jasmine tila hindi naniniwala sa sinabi ni Mama.

At kahit ako ay nagulat ngunit pag-asa parin ang bumalot sa puso ko. Kahit masakit malamang di ka pala anak ng kinalakihan mong ina at ama, kailangan kong tanggapin kaagad.

That could be the only answer for all the problem we have right now. Kung sana ay maninwala si Jasmine para hindi na siya magkaganito pa.

"Maniwala ka, Jasmine. Pagkatapos nun ay iniwan ko na si Tony. Hindi niya nako hinanap dahil nabuo na si Kram galing sayo..." naiiyak na sabi ni Mama sabay tingin sakin. "I'm sorry, Kyona. I'm sorry..." dugtong niya.

Tumulo ang mga luha ko. Tumulo kahit hindi ko naman alam kung ano ang dapat maramdaman.

Hindi ko pa kailanman nakikilala ang totoo 'kong ina. It was Tita Ryona Solidad. Ang tanging kapatid ni Mama na namayapa na. Hindi ko alam kung iiyak ba ako sa kamatayan ng ina o ang maiyak dahil delikado ang buhay namin ngayon.

Marahas na lumapit si Jasmine kay Mama at malakas na sinampal. Nanlaki ang mata ko. Tang*ina!

"Akala mo ba maloloko niyo ko ulit ni Tony? Nang ipakilala ni Kram si Kyona kay Tony ay bumalik siya sayo! At dahil wala na'yang asawa mo, binalikan mo! Pineperahan mo pa ang asawa ko!" sigaw niya kay Mama.

"Nababaliw kana, Jasmine! Tinutulongan ako ni Ton--"

"Bullshit, Kara!" asik ni Jasmine at saka may sinenyas sa isang tauhan sa loob ng kwarto.

"Napapagod nako, tapusin na natin to," bulalas niya at yung sinenyasan ni Jasmine ay binigyan siya ng baril.

Binalot kaagad ng takot at kaba ang puso ko. Takot na baka patayin niya si Mama. Hindi ko kaya! No! No!

Kram? Nasaan kana? Alam mo kayang nandito ako ngayon sa sitwasyong ito? Alam mo kayang hawak ako ngayon ng Mommy mo?

If only I can tell you, one last time, that I love you so much. Gagawin ko. Kahit anong paraan para iparamdam sayo sa huling pagkakataon.

I want to run away with you too. I want to be with you sa lugar na walang hahadlang pa. But, I'm not that selfish to leave my mother and sister. Kaming tatlo nalang ang magpamilya.

I love you so much, Kramiel John Andremayo. Mapabatang puso hanggang sa nagtanda, ikaw parin ang nagmamay-ari sakin.

It was so slow. Itinutok ni Jasmine ang baril kay Mama."No! Please! Pakiusap po wag!" I pleaded and begged with tears.

She was about to pull the trigger when the door opened. Lumuwa doon ang isang di gaanong mataas na lalakeng mukhang inchik, nakasuot ng itim na longsleeve, matanda na ngunit bumabalot ang authoridad sa kaniya. Kasama niya ang iba pang mga lalake.

"What are you doing!" the man spatted.

Natigil si Jasmine at hinarap ang lalake. "I'm making peace, Cheng." sagot ni Jasmine.

Umiling-iling ang lalake, "It's too early to do that, don't you think? Killing them right away will end their suffer. Kill them slowly..." utos nung Cheng.

Napapikit ako ng mariin. When I thought he was good for stopping Jasmine from shooting my mother, but it end up that he's even more evil than Jasmine.

"Mga hayop kayo!" singhal ko. "Mga wala kayong puso!" dugtong ko.

Tumango si Jasmine kay Cheng. "I like that idea, Cheng. Where did you put Dreena?" tanong ni Jasmine.

Nanlaki ang mata ko. Si D-dreena? Nandito din si Dreena!? Shit! Alam na kaya ito ni Migs? Alam kaya nilang nandito kaming tatlo? At sino pa ang hawak nila?

When They Believe The Lie (Completed)Where stories live. Discover now