Chapter 22 - #Downfall

2.8K 108 13
                                    


Dreena's POV

(Flashback)

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa ngayon. Nang maghiwalay ang labi namin ay inipit niya ang buhok ko sa tenga ko at hinimas ang pisnge ko. Tinitigan niya ako ng puno ng pagmamahal.

Nakatitig lang siya sakin habang idinikit niya ang mga noo namin. "Dreena, I love you...mahal kita..." seryosong sabi niya at hinalikan ang tungki ng ilong ko.

Sobrang bigat ng bawat paghinga ko. Ano ba, Dreena!? You're so impulsive! You forgot about your inhibitions and refrainment!

Nag-iwas ako ng tingin at lumayo sa kaniya. Ngayon ko lang to naramdaman. Ang mahirapan sa paghinga, ang maguluhan kong anong pipiliin ko. Yung tama o yung gusto ko?

Napailing ako, "H-hindi to dapat mangyari. M-mali ito..." nauutal na sabi ko at napahawak sa bakal ng railings at tumalikod sa kaniya.

Hinawakan niya ang kamay ko at pinaharap sa kaniya. Nang magtama ang mga mata namin ay gulong gulo ang kaniyang mga mata.

"Y-yung halik ba? Sorry, I'm sorry Dreena, nadala lang ako sa emosyon ko at--"

Umiling ako, "Hindi! Maling lumapit pa ako sa'yo. Hindi na dapat kita sinamahan dito!" sabi ko at humakbang na paalis pero pinigilan niya ako.

Ayoko man siyang tignan ay napapasilip ako sa mga mata niya. Gulong-gulo at parang konte nalang at magagalit na siya kaya naman sumikip ang puso ko.

"Bakit bawal, Dreena? Sabihin mo naman sa'kin, oh! Alam kong bata pa tayo pero at least sabihin mo naman sakin kung pareho tayo ng nararamdaman..." mariin ngunit mahinahon na sabi niya na parang nagmamakaawa.

What have you done now, Dreena! Inexpect mo bang kapag tumugon ka sa halik niya ay iisipin niyang wala kang gusto din sa kaniya? Damn it!

This is what I get when I tried to escape my inhibitions. Now what will I tell him? That I'm already engaged to Kram and I'm trying my freakin best to develop any special feelings towards Kram but I just can't.

"Bawal! Bawal na halikan mo ko dahil hindi naman kita boyfriend! Maling tumugon ako sa halik mo! Mali dahil wala akong planong magka-boyfriend!" sabi ko at marahang inalis ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

Nakatakas ako sa kaniya hanggang sa malapit na akong sa pintuan ngunit may pahabol siyang sinabi habang binubuksan ko ang pinto.

"ALAM MONG KAYA KITANG HINTAYIN, DIBA?" pasigaw na tanong niya.

Napatigil ako at sumilip sa kaniya sa likod. Hindi ko na siya sinagot at tuloyan ng lumabas ng pintuan. At kahit ganoon na ang nangyari ay nakangiti parin akong lumabas.

But it's wrong to give him false hope, well it's not really a false hope because I do like him, but there are just things that needed to be follow.

Still, I can't tell him straight that I don't like him because it's not the truth. Because maybe, my lips can lie but my eyes won't lie.

Sino nga ba naman ang matinong babae na sasabihin sa lalakeng gustong gusto niya na may gusto din sayo na wala siyang gusto dito? Wala!

Kaya sana...sana mahintay mo nga talaga ako Migs. Dahil para sakin, kung hindi man para sa kaniya, si Migs ang great love ko.

At kung mahal niya parin ako pagdating ng araw na malaya nako? I will be the one to win him back.

Pagkauwi ko ay sinalubong kaagad ako ni Mommy na parang nagpipigil ng galit. "Where have you been, Dreena?" tanong niya while pursing her lips. Halatang nanggigigil sa galit.

When They Believe The Lie (Completed)Where stories live. Discover now