Chapter 33 - #Protected

2.2K 90 21
                                    

Dreena's POV

Kung pwede ko lang i-steady 'yung mata ko sa isang lugar ginawa ko na dahil kanina pa 'ko pasili-silip kay Migs na seryosong nakatingin sa kalsada habang nagmamaneho.

Bakas parin sa mga mukha niya ang pagkainis. Dahil parin ba to kay Aeron? Sa sinabi ni Aeron kanina?

Isa pa din 'yung si Aeron, eh. Kung pwede ko lang alisin 'yung mga sinabi ni Aeron sa isip ko ginawa ko na.

Alam kong tumango ako kay Migs na hindi ako maniniwala sa mga sinabi ni Aeron kanina, pero parang isang sirang plaka sa isip ko ang mga sinabi niya.

May tiwala ako kay Migs kaysa kay Aeron, but that doesn't mean na I really do trust Migs. Hindi ko parin naman nakakalimutan na kaya kami nandito sa Batanes dahil gusto niya 'kong pahirapan for his revenge.

Aaminin 'kong binabagabag ako sa sinabi ni Aeron na mag-ingat kay Migs. I know na hindi naman ako sasaktan ni Migs physically. Maybe mentally, he can definetely win there. But, I hope he won't.

Ano nga ba ang pakay ni Migs? It's like all of the sudden naging okay lang kay Mommy na sumama ako sa kaniya at kausap niya pa si Daddy sa phone.

Parang kailan lang ng marinig ko sila Mom at Dad na nagtatalo sa phone because of the Reyes. Di kaya tinanggap na nila Mommy ang offer ng mga Reyes?

Ano ba talaga ang plano ni Migs? I really don't know why he wants this. Being near to me.

Dapat kasi kinamumuhian niya ako. It's not like I don't want us okay, like ngayon, pero kasi...

Sobrang nakapagtataka. Mahal pa ba niya ako? Arghh! I'm so fucking confused.

Biglang tumunog ang cellphone ni Migs. He connected the phone sa sasakyan kaya ng sagutin niya ito ay narinig ko rin ang nasa kabilang linya.

"Nasan kayo?" tanong ng isang babae sa kabilang linya. Mariin ang kaniyang boses.

Napatingin si Migs sakin at muling bumalik ang tingin sa kalsada, "Pabalik ng hotel, bakit?" sagot niya.

"You should come over here, Miguel. We have something to talk to." sabi ng babae at hindi parin nawawala ang seryosong tunog sa boses niya.

Sino ba ang babaeng 'yan? Is she one of his girls? Ang akala ko ba walang flirting?

Ugh! Damn, Dreena. Talking isn't flirting, please...

Kumunot ang noo ni Migs, "Why? You can tell me now..." sagot ni Migs at biglang may kinalikot sa phone upang siya nalang ang makarinig sa usapan nila.

Biglang nagbago ang mukha niya at napatingin sakin.

"Are you sure about that Nadja?" seryosong tanong niya sa kabilang linya.

Napataas ang kilay ko. Nadja? Nadja is real? Shit! Naalala ko 'yung nangyari sa sasakyan nung isang araw. He's talking to Nadja, while me pretending na kausap si Cole, si Cole na hindi nag-eexist. Damn it!

Hindi ko alam pero talagang nakaramdam ako ng kahihiyan para sa sarili ko. Why would I thought na baka pareho kaming gumagawa ng storya na may kausap kami? So pathetic of me!

Halos mapamura ako ng biglang may sumabog sa gilid ni Migs. At pati siya ay napamura narin siya at biglang binilisan ang pagmaneho.

"What was that?" tanong ko at nilingon ang sa likod namin.

Mayroong isang SUV sa likod and I was fucking shocked when another shot again pero this time sa bandang gilid ko na kaya halos mapayuko ako.

It's definetely a gun shot!

When They Believe The Lie (Completed)Where stories live. Discover now