Chapter 41 - #Don'tLeave

2K 91 37
                                    

Kyona's POV

That night, ginulat ako ni Kirt dahil binisita niya ako sa bahay. Si Mama at Khrisa maagang umuwi sa hindi ko alam na kadahilanan.

Nagtataka nga ako kung bakit wala siyang imik tungkol kay Kram. Kung dati ay, magbibigay siya ng advice or kung ano, eh.

Hinimas ko ang likod ni Kirt habang umiiyak siya. Peste talagang, Montesor na'yun! Hindi na ba siya nadala sa pang-aaway ko sa kaniya noong umalis si Kirt at iwan siya? Pasalamat siya at nasa New York siya.

Niyakap ako ni Kirt, "Hindi ko alam kung anong gagawin ko, Kyona...alam kong may problema siya pero hindi niya sinasabi sakin. Tapos sa oras nato magkasama silang naglalasing ni Graisyl. May tiwala naman ako sa kanilang dalawa, pero hindi ko parin maiwasang magduda. Ayokong magduda, pero yun ang nararamdaman ko..." naiiyak na sumbong ni Kirt habang nandito siya sa loob ng bahay, sa salas.

Nandito rin si Mama at nakikinig sa mga daing ni Kirt. Iyak lang siya ng iyak at sinusumbong ang bigat na nararamdaman niya.

"Akala ko okay kaming dalawa yun pala hindi. Para kaming nagpapanggap na okay pero hindi naman pala talaga. Hindi ko alam kung ako ba ang may problema o siya. Kung ako ba ang nagkulang o siya?" dugtong niya.

Binigyan ni Mama ng tubig si Kirt. Awang-awa ang mukha ni Mama sa kaniya. Why, ma? Tinamaan kaba sa sinabi niya? Nagpapanggap kaming ayos, pero hindi dahil may tinatago pa siya.

Bahagya kong niyakap si Kirt, "Uminom ka muna, nak..." sabi ni Mama sabay abot ng tubig sakaniya. Tinanggap niya 'yun at ininom kahit punong puno ng luha ang mukha niya.

Hinihimas ko ang likod niya para tumahan na siya kahit alam 'kong wong move 'yun dahil baka maiyak lang siya. "Kirt, baka naman na-misunderstood mo lang si Dewlon. Baka naman may problema lang talaga sa kompanya niya. Diba? Sinabi mo sakin na kaya pala hindi siya nagparamdam sayo kasi may problema sa kompanya nila? Baka naman na-stress lang diba?" sabi ko.

Inis ako kay Dewlon sa ginawa niya kay Kirt pero some part of me salute him. He's a great guy, he might not be perfect but I know mahal na mahal niya si Kirt, that's why I like him para sa best friend ko.

Umiling siya, "Paano kung rason niya lang 'yun? Paano kung...paano kung iba ang pinagkakaabalahan niya?" tanong niya pabalik habang umiiyak parin.

Napabuntong hininga ako at napailing. You're only blinded Kirt. Blinded by pain at sa pagkamiss mo sa kaniya.

"So iniisip mo ba na hindi kana mahal ni Dewlon?" seryosong tanong ko. Mukha namang natigilan siya sa itinanong ko.

"Nararamdaman mo pa ba ang pagmamahal niya sayo? Saan na ang tiwala mo, Kirt sa taong mahal mo?" dugtong na tanong ko at sumulyap kay Mama na ngayo'y nakatungo at parang may iniisip.

Kirt needs to understand na importante ang magtiwala. Sumulyap ako kay Mama ulit, and she needs to learn how to behave herself. Damn it! Hindi ko na kayang insultuhin ang Mama ko sa isip ko!

Nang mag-umpisa na namang humagulhol si Kirt ay napatingin na ako sa kaniya. Seing her cry makes me want to cry too. Nakakahawa lalo na't pareho din kayo ng nararamdaman ngayon. Pain.

"H-hindi ko alam...hindi ko alam kung anong dapat kong isipin. Ayokong isipin na nawala na ang pagmamahal niya sakin kasi hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala si Dewlon sakin. Hindi ko kaya, Kyona..." pumipiyok pa siya habang nagsasalita.

Hush, Kirt. Kulang lang kayo ni Dewlon ng communication kaya ganyan.

Niyakap ko na siyanng mahigpit at hinimas ko ang buhok niya, "Kailangan niyo ng mag-usap ni Dewlon tungkol sa bagay nayan, Kirt. Hindi pwedeng mag-isip ka lang ng kung anu-ano at magdesisyon kung anong iisipin mo. Dapat magtiwala ka lang sa kaniya..." sabi ko sa kaniya bahagyang sumilip kay Mama.

When They Believe The Lie (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant