Chapter 21 - #Kiss

2.8K 114 23
                                    

Dreena's POV

(FLASHBACK)

After Migs birthday, naging medyo okay na ulit kami. Like, pinapansin ko na siya tapos hindi ko na siya masyado sinusupladahan tapos hindi ko na siya minsan tinataboy, pero minsan lang...

"Ano ba, Migs? Kaya kong kumain mag-isa." sabi ko sa kaniya at sinubukang makadaan sa daanan pero hinarangan niya ako.

Pinanlisikan ko siya ng mata habang siya ay nginitian lamang ako. Damn that smile! Umiwas nalang ako ng tingin dahil nakakapanghina ang mga ngiti niya sa akin and this is so dangerous! Araw-araw ganito lagi ang nararamdaman ko.

"Hindi masaya kung walang kasamang kumain, babes." sabi niya sabay wiggle wiggle ng kilay niya.

For girls who doesn't have a thing for him will cringe seeing him like this but, I'm so crazily thinking he's cute. I wanted to give in, but I can't.

Kung bakit kasi hindi ko mahagilap si Kyona? Where would that girl be? Akala ko ba tutukan niya na ang pag-aaral niya para makapasa siya at makasama sa Bohol field trip. Nagpapaturo pa nga sila sakin ni Migs.

"I have many friends, so I won't be alone. And please, don't call me babes. I'm not your babes..." sabi ko at sinubukang dumaan ulit ngunit hinawakan niya ang kamay ko kaya kumalabog ang puso ko.

"Please? Wala akong kasama. Masarap kasi kumain sa rooftop ngayon dahil presko. Tara na!" pamimilit niya at saka ako hinawakan sa kamay at hinila.

Tumakbo siya kaya naman napatakbo ako. "Dahan dahan naman, Migs!" singhal ko sa kaniya dahil kahit nasa hagdan na kami ay tumatakbo parin siya.

"Ouch!" bulalas ko ng matapilok ako.

Tumigil siya at nilingon ako. Bakas sa mukha niya ang pag-alala. Ngumiwi ako at hinimas ang paa ko.

"S-sorry, babes!" natatarantang sabi niya at nagulat ako ng kargahin niya ako na pang-bridal style.

Hinampas ko siya sa braso, "Hoy ano ba! Bat mo ko binuhat?" tanong ko at napakagat labi. Halos kumapit ang isa kong kamay sa leeg niya.

Halos magwala ang puso ko habang malapit ako sa kaniya. Malapit ang mukha ko sa mukha niya at halos rinig ko ang tibok ng puso niya. Bakit mo ba ko ginaganito, Miguel?

"Obvious ba? Syempre para di na sumakit paa mo," sagot niya.

Binuksan niya na ang pintuan papasok sa rooftop. Naramdaman ko kaagad ang preskong hangin. Kahit alas once pa lang ng umaga ay hindi gaano masakit ang sikat ng araw.

"Nandito na tayo!" masayang sabi niya at naglakad kami sa isang lamesa na mukhang pinaghandaan.

Lamesa na hula ko ay ang nakatambak na maliit na cabinet dito sa rooftop at sinapinan lang ng maganda at nilagyan pa ng isang can na may mga bulaklak na halatang pinitas lang sa school garden.

Pinigilan ko ang matawa lalo na nung inupo niya ako sa upuan. Upuan lang ata ang maayos-ayos.

Umupo din siya sa kabila at ngumiti sa akin. Nakakatawa talaga ang mga trip ni Migs, ano? Siguro kung magiging kami ay walang araw na hindi ako tatawa.

Na kung magtatampo ako, susuyuin niya ako. Na kung magseselos ako, iiwan niya yung pinagseselosan ko tapos hindi niya na papansinin--

"Ah, babes? May dumi ba ako sa mukha... tanong niya at naghilamos ng mukha pagkatapos pinasadahan niya ang buhok niya at kinindatan ako. "...o gwapong-gwapo ka lang sakin?" tanong niya.

Nawala ang pag-i-imagine ko at nginiwian siya, "Presko.." bulong ko at lihim na napangiti.

"Oo, presko nga naman talaga kaya kumain na tayo!" masiglang sabi niya.

When They Believe The Lie (Completed)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα