Chapter 44 - #Care

1.8K 84 16
                                    

Kyona's POV

Nanatili kami sa ospital at nakabantay kay Faye. May mga nakabantay narin na mga guards samin sa labas ng private room.

May kausap na pulis si Migs at Kram. Kasama ko si Dreena sa isang couch doon habang si Jett ay nakaupo malapit kay Faye.

"Alam mo, sa tingin ko magagawa kang kalimutan ni Jett kaagad. Mukhang may something sila ni Faye, oh..." sabi ni Dreena sabay nguso sa dalawa.

Napatingin ako sa direksyon nila. Hindi pa nagigising si Faye at nakabantay lang sa kaniya si Jett. Close nga ang dalawa, mas close pa kaysa saming dalawa.

Ngumiti ako at nakaramdam ng saya, "I hope so, para lahat tayo masaya...he will never risked his life if she's not important to him," sagot ko at nakitang hinawakan ni Jett ang kamay ni Faye.

"Kawawa naman pala 'yung girl. Kinukulong siya ng Kuya niya sa headquarter niya, pero mas sosyal parin ang headquarters nila Migs. There's an underground villa, Kyona. It's so cool!" sumbong ni Dreena at bakas ang pagkamangha sa kaniyang boses.

Lihim akong napangiti. It's nice that the old Dreena is back. Hindi masyadong naglilihim sakin, and now she's now vocal at pala kwento.

Pinag-usapan namin ang pagkukunwari daw nung isang babae para pagselosin siya at magtapat na talaga kay Migs. Thank you for that girl, though. Knowing Dreena, she won't confess without something provoking her. And maybe jealousy provokes her.

"Ikaw din, selos lang din ang magiging dahilan para sagutin mo na siya..." panunukso ni Dreena.

Natawa ako at napailing, "Kahit magselos ako, di ko sasabihin sa kaniya. Hindi niya dapat pinapaselos ang babaeng nililigawan niya." sagot ko. "Baka magbago isip ko sa kaniya." dugtong ko at ngumuso.

Sakto naman at napatingin si Kram sa direksyon ko. Nakanguso siya at pinanliitan ako ng mata. Tumaas naman ang kilay ko. Problema niya? Tsss...

Kinontact ko na kanina si Mama na sabihin kay Tita Gloria na nakita ko na si Jett. Nasa hospital kami ngayon at kasama si Faye. Hindi sa gusto 'kong ipakita kay Tita Gloria na wala akong kasalanan, kundi nag-aalala din ako sa kalagayan ni Tita. Balita ko'y naglalasing daw siya kasama sila T'yo Belly at malungkot talaga siya. Naiintindihan ko naman si Tita kung nagalit siya sakin.

Umidlip kami ni Dreena sa couch na magkasandal ang ulo ko sa balikat niya habang siya ay nasa ulo ko. Naalimpungatan ako ng may tumapik sa balikat ko.

Nakita ko si Kram na katabi ko na. Siya ang tumapik sakin. Pagtingin ko sa paligid ay nakita ko si Tita Gloria na kausap na si Jett malapit kay Faye na gising na pala.

Gaaad? Umidlip lang ako saglit marami ng nangyari? Napatingin sakin si Tita Gloria at sa katabi ko. Hindi ko ma-explain ang ekspresyon ng mukha niya. Ang masasabi ko lang ay malamig ang mata niya.

Nagulat ako ng hawakan ni Kram ang kamay ko at saka siya tumayo at hinila ako palabas ng kwarto.

Sumenyas siya kay Migs bago kami tuloyang makalabas. Mabilis ang lakad niya na parang may hinahabol kami. Hindi na 'ko umimik dahil pakiramdam ko kailangan ko ng umalis doon dahil nandyan si Tita.

Nakarating kami sa parang garden ng hospital, pero mukha siyang rooftop pero may mas malaki pang building samin kaya semi rooftop.

Binitawan niya ang kamay ko at lumapit sa barandilya. Humilig siya doon kaya sumunod ako sa kaniya at humilig din.

"Now, I can finally solo you..." sabi niya at tipid na ngumiti.

Ngumuso ako sa kaniya at umirap. Bwesit na lalakeng to, oh. Konteng salita lang nakakakiliti na. Tsss, really Kyona? Nakakakiliti talaga?

When They Believe The Lie (Completed)Where stories live. Discover now