Chapter 31 - #Threat

2.3K 93 13
                                    

Dreena's POV

In the end, I really end up sleeping alone in one room sa ibang hotel. Si Migs? Doon parin sa hotel na pinuntahan namin. He agreed with me. For the first time di na kami nag-away, well, sort of.

We talked na may halong pagtatalo pero the fact na pinagbigyan niya ako ay nakakapanibago.

Ang akala ko nga ay sesermonan niya nanaman ako dahil sa ginawa ko pero hindi naman. Kung oo man, aasarin ko talaga siyang TATAY. Parang TATAY, eh. Tsss...

But the thought of him worried about me touched my heart. I don't know what to feel. Alam kong wala nakong nararamdaman para sa kaniya, but little did I know I wasn't fully.

I'm not sure what I feel now. Bigla nalang akong naging confused sa nararamdaman ko.

Kinabukasan, sinundo nga ako ni Migs sa hotel na tinuloyan ko. Nag-breakfast muna kami bago dumiretsyo sa sinasabi niyang kompanya.

"How's your sleep?" biglang tanong niya habang di nakatingin sa akin.

Hindi rin ako tumingin sa kaniya, "Fine, you?" tanong ko sa kaniya.

Damn! Hindi talaga ako sanay na ganito na kami ka-pormal mag-usap. Like walang nangyari between the two of us.

Hindi na ito katulad nung high school na iniiwasan ko siya at siya naman ang lapit ng lapit. Hindi na katulad nung una naming pagkikita na magaspang na ang ugali niya sakin at ako naman tong palaban sa kaniya.

We're here talking things like parang walang nangyari. Na parang nung isang araw lang kaming nagkakilalang dalawa.

"So your secretary resign because?" tanong ko sa kaniya pagkatapos sumimsim sa coffee na inorder ko.

"She didn't resigned. I fired her..." sagot niya at ganoon din ang ginawa sa coffee niya.

"Oh? Bakit naman?" tanong ko sa kaniya at tumingin sa kaniya pagkatapos ibaba ang tasa ng kape.

Hinalo niya gamit ang kutsyarita ang kape niya at tumitig sakin, "Hindi ko kailangan ng secretary na palihim akong iniibig..." seryosong sagot niya.

Bigla akong napalunok. The way his eyes looked at me makes me want to ask him why are those eyes are looking at me like I am the most beautiful woman in the world?

"Wow, gwapo mo!" biro ko.

A curve formed his lips, "Now you realized..." pabulong na sabi niya at napakagat labi.

Halos mabilaukan ako kahit na wala naman akong kinakain o iniinom. Nagkibit balikat nalang ako sa kaniya.

Kung alam mo lang, Migs. I already know that kahit noong elementary pa. Kahit na wala ka pang muscles at abs. Kahit na nangungulangot ka pa sa klase noon. Kahit na sobrang dumi mo tignan pagkatapos mong maglaro sa mga kalaro mo. Still, you looked very attractive to my eyes.

You don't know that, because I didn't have the guts to tell it to you. I can't tell you how much I admire you since then.

Lumabas kami ng sasakyan ng makarating kami sa isang malaking building. Isang malaking A.F.C ang nalakalagay sa itaas. Ayala Food Corp.

Pumasok kami sa malaking glass door ng kompanya. Someone assist us to the elevator.

"Ano ba gagawin mo dito?" tanong ko sa kaniya. Nakasuot ako ng black dress and believe me I don't looked like a secretary. My outfit looks like I'm ought to go to a meeting.

"Meeting" tipid na sagot niya.

Sinipat ko siya. He's wearing a black coat like a real businessman and looking at him like this makes my heart happy.

I don't know but Miguel really did change....for the better of course!

The old him wasn't serious for something like this. Kumbaga, hindi ko siya inimagine na magiging ganito. Maybe he really is good, ha?

"Thought you're taking computer engineering? Anong koneksyon mo sa Ayala Food Corporation?" tanong ko.

"They invited my dad to a meeting. Since Dad can't take care of it, ako na muna ang sumalo. And, I didn't know you know some things about me..." sabi niya habang diretsyo lang ang lakad.

Bigla naman akong namula, "Syempre alam ko, Miguel." sagot ko sa kaniya a matter of factly.

He smirked. Pumasok kami sa elevator kasama ang mga guards na kanina pa namin kasama.

I know about the Reyes Manufacturing, Inc,. They manufactured the most popular firearms here in the country or even worldwide, but our company refuse to negotiate with them and pick other manufacturer.

Hindi lang firearms ang meron sila Migs. They have a winery and I know hindi pa umabot 'yun worldwide.

They refused to negotiate with the Reyes because they don't want to be connected to some illegal business and that's why it's really weird that my mother is now letting me with Miguel.

Binati kami ng isang lalakeng naka-corporate attire ng makarating kami sa tamang palapag. I greeted him back but Migs didn't.

Psh. Suplado?

Nang makarating kami sa isang pintuan na double door na alam kong meeting room 'yun dahil marami din ang nagsisipasukang mga sopistikadong mga tao.

"Sasama paba ako sayo sa loob?" tanong ko sa kaniya.

"Of course, di ba sinabi sayo ng Mom mo na pinayagan ka niyang pumunta dito because you're her proxy?" patanong na sagot niya.

Nanlaki ang mata ko, "Really? So that's why..." bulong ko at nag-iwas ng tingin.

Damn. So much for overthinking that maybe the Reyes and Guzman family are now okay, pero kung iisipin. I can go here alone without Migs, so paanong?

My mother is hard headed at siya 'yung tipong paninindigan niya ang isang bagay na dati niya ng ginagawa. She doesn't care about someone's feelings. She only thinks about how to make our company go up.

Papasok na sana kami ng may isang lalake akong nakilala. He's wearing a corporate attire to. I wonder why he's here?

Nginitian ko siya ng tumingin siya sakin. "Aeron Tuason?" patanong na sabi ko sa kaniya.

Ngumiti siya at ang chinito niyang mata ay mas dumepina. Lumapit siya sakin ngunit bigla 'kong naramdaman ang pagdausdos ng kamay ni Migs sa bewang ko kaya napalapit ako sa kaniya.

Bahagyang nagulat ang mata ni Aeron at napatingin sa akin na may halong panunukso.

"How're you, Dreena?" tanong ni Aeron sakin.

Aeron Tuason is then son of the security agency na pinagkukuhanan namin and I think we have the same reason why we're here in Batanes.

And I can definetely smile to him comfortably kung wala lang ang kamay ni Migs sa bewang ko. Damn it.

"Fine..." sagot ko sa kaniya.

Ngumiti siya at muling sumulyap sa kamay ni Migs, "So? You're in relationship with a Reyes, hah?" tanong niya sabay tingin kay Migs.

"Why? What's wrong with that?" mariing tanong ni Migs kay Aeron.

Aeron smiled at him even though he was slightly surprise about how Migs reacted, "Nothing, man. So let's go inside?" tanong ni Aeron at saka tinuro ang pintuan at saka pumasok.

Siniko ko si Migs. "What was that?" tanong ko sa kaniya.

Inalis ni Migs ang kamay niya sa bewang ko ngunit sa kamay ko naman ito lumipat. Nanlaki ang mata ko. Hinila niya ako papasok sa meeting room.

Marami ng nakatingin saming dalawa and even Aeron was looking at us na ngayon ay nakaupo na sa isang swivel chair kasama ang iba pang mga sopistikadong tao sa isang mahabang lamesa.

Some familiar mens are familiar to me and some of them we're obviously talking about us and looking at pur hands.

Pinaupo niya ako sa isang swivel chair at umupo narin siya sa tabi ko. Ang katabi kong lalake na hula ko'y nasa early 50's na ay humilig sakin.

"Where's your mother, hija? You're her proxy?" tanong niya.

Tumango ako sa kaniya at tipid na ngumiti, "Yes..." sagot ko.

Kinakabahan ako ngayon. Ngayon ko lamang nalaman ang tungkol sa pagiging proxy ko kay mommy. Ngayon lang naman kasi sinabi ni Migs.

Tumingin ako kay Migs na ngayon ay kausap narin ang matandang lalakeng nasa tabi niya. Napansin ko rin ang mga pagngiwi ng ibang lalake kay Migs.

Maybe they don't trust Migs, ha? The Reyes are still have trust issues to other companies pagdating sa business. Now that they're going up again, people are trying to bring them down.

Napatingin ako kay Migs na seryosong sinisipat ang nakalapag na yellow folder sa harap namin.

Napansin 'kong lahat kami ay mayroon noon. Kaya binuksan ko narin 'yun.

Agad kong nakita ang mga design ng isang building na hula ko'y isang malaking hotel.

Ilang minuto pa ng mag-umpisa na ang meeting. I don't know what's going on. Wala akong alam sa business namin kundi ang pagtulong ko sa pag-dedesign ng mga furniture na pwedeng gawin ng mga carpenters at sculptors namin.

Wala akong interest sa business but Mom wants me too, but when I was in Canada nag-model ako. Sinuway ko siya that's why dinala niya ako dito sa Pilipinas. Isang irregular student ng Business Ad.

They're now talking about security agencies and stuff kaya si Migs na ngayon ang kinakausap at si Aeron.

"How can we trust the Reyes?" tanong ng isang lalakeng kasali sa board na mukhang kapanalig ng mga Tuason.

Nakita kong umigting ang panga ni Migs at saka sumulyap sakin. I gave him a confident look saying he can do it. And fuck, I don't know why did I do that.

Nagsalita si Migs ng maayos defending their company. At halos manganga ako sa galing niya. I really can't believe that he's like this...

"I'm not saying that our company did something wrong, but I assure you that our products aren't illegal. And I really don't know why some of you are still doubting us when in fact the TSA Corp. has been publicized that all of their firearms are used by some illegal activities," sagot ni Migs sa matanda kung  kaya't napanganga sila kahit si Aeron.

Alam 'kong pinatatamaan ni Migs ang kompanya nila Aeron. Aeron is not really a friend. There's a rumor na may gusto siya sakin noon but I don't have time for such things kaya di ko sineryoso. Wala naman akong pakialaman.

Sobrang gaan sa pakiramdam ng makuha ni Migs ang loob ng board matapang niyang ipaglaban ang kompanya nila.

I felt sorry for Aeron. Mukhang wala naman siyang pakialam sa kompanya nila at tanging ang matanda ang namomoblema dahil di nila nakuha ang boto ng board.

Pagkalabas namin ng meeting room ay agad kaming dinumog ng ibang board members. Nang makaluwag ay nagulat ako ng lumapit sa amin si Aeron with a michiveous smile.

"Matapang kana pala ngayon, Reyes" bigla nitong sabi with a hard tone.

Nagulat ako sa tono ng kaniyang pananalita. Halata ang inis sa mukha niya.

"Matagal nakong matapang, Tuason." malamig na sagot ni Migs. 

So magkakilala na talaga sila ni Migs? Wow, what a small world.

Aeron smirked, "Oh, really? If I was serious about this stupid meeting I could have win their votes because honestly speaking your speech a while ago is pathetic," pangungutya ni Aeron.

Kumunot ang noo ko. I don't want to be rude but I think if they kept on talking baka saan pa ito mapunta. Knowing boys...

"Excuse me, Migs, we need to go..." sabi ko at hinawakan ang braso ni Migs.

"You just don't know how to put your insults into words that's why you lose..." banat ni Miguel.

Hinila ko ang braso niya, "Let's go, Miguel." maawtoridad na sabi ko sabay sulyap kay Aeron na ngayon ay nakatingin na sa akin.

"Be careful with him, Dreena. You don't know what his up to..." seryosong sabi ni Aeron at saka umalis.

Umirap ako habang sinusundan siya ng tingin. As if, I will hear his advice. I know what I'm doing and I know it's right to trust Miguel's capability in this field.

Naramdaman ko ang kamay ni Migs na humawak sa likod ko kaya naman kakaibang kiliti ang naramdaman ko.

"Don't believe that asshole, Dreena." malambot na pagkakasabi ni Migs na halos lumambot narin ang tuhod ko.

Tumango ako at tipid ng ngumiti, "Tara na..." sagot ko sa kaniya.

Kyona's POV

Lutang ako habang nagdidiscuss ang professor namin. Hindi parin maalis sa isip ko ang bigong mukha ni Kram kanina nang lumabas siya sa room.

Yung mga blockmates ko ay nag-umpisa ng magbulong-bulongan lalo na'yung mga babae. I can't blame them because Kram is a MVP Player of Wadeford. Marami silang laro but I refused to watched. Ayoko siyang makitang naglalaro habang hindi na 14 ang nasa kaniyang jersey kundi 22.

22. It might their special day, yun ang una kong naisip. Yun ang araw na naging sila, habang nung sumapit ang araw nayun ay naging tanga ako na walang alam na sila na pala.

Hanggang ngayon kahit tanggap ko na sumasakit parin ang puso ko habang binabalikan ang mga araw nayun. The way he pushed me away after making me feel that he still loves me and now he will broke up with her that easily because he wants my forgiveness. I can't believe him!

Hindi ko alam na posible palang makaramdam ako ng iba't-ibang feeling nang sabay. Pinaghalong saya at pinaghalong galit.

Yes, finally, I'm happy that he'll break up with her. Not because I want him from myself, it's because gusto kong mapunta si Dreena sa tamang taong magmamahal sa kaniya.

And then, I feel mad. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko maipaliwanag.

The moment I looked at his eyes, his eyes were telling me that he misses me. Yung mga mata niyang mukhang nasasaktan. Nagagalit ako doon. Nagagalit ako dahil hindi ko siya maintindihan.

Bakit ganoon nalang kadaling iwan si Dreena when all this years sila at tinatago nila ito sakin? They don't want me hurt kaya nila tinago.

Sa totoo lang, hindi naman ako magpapakatanga ng ganoon ka tagal, eh. I wouldn't hope for him. Oo at nasaktan ako dahil iniwan niya ako, pero, babae rin naman ako. I can easily fall for someone else.

But, how can I do that? Paano ko siya kakalimutan 'kong lagi niya namang pinaparamdam na nandyan siya para saki? Pinipigilan niya pa nga ang mga lalakeng may gusto sakin noon.

How can I forget him kung kahit sinabi niyang hindi niya nako mahal, pakiramdam ko mahal niya parin ako. And now he will make me feel the same way again.

Pagkatapos ng klase namin ay lumabas na kaagad ako. Hahanapin ko nalang muna si Kirt dahil alam kong kasama niya siguro sila Ysabel o kaya naman si Mixx or even Heero.

Ayoko naman makipagkita kat Jett dahil may parte sa puso ko na ayaw ko siyang makausap muna. Wala siyang kasalanan pero nadamay pa siya.

Sa huli hindi ko nanaman nakita ang bruhilda. Wala na, nilamon na ata 'yun ng pagbabanda kasama si Heero, Ysabel at Mixx. Tsyaka yata yung Nikke ba 'yun?

Kumain ako ng mag-isa sa garden ng school. Kung kakain naman kasi ako sa canteen makikita lang ako ni Jett o kaya naman ni Pia o baka naman ni Kram.

Ayoko muna. Ayoko munang makipag-usap sa kanilang lahat.

"Mukhang nag-iisa ka ha?"

Nagulat ako sa isamg lalakeng biglang umupo sa tabi ko. Nagulat ako ng makitang si Gian 'yun. Ang matagal ko ng di nakakausap, well minsan nalang pero di na tulad noong dati.

Gian, siya yung team mates ni Kram noon nung high school. Well, ganoon parin ngayon pero hula ko'y tatlo lang sila ang nakapasok sa college team.

"Gian, ikaw pala..." masayang sabi ko.

Ngumiti siya, "Good thing di mo pa ko nakalimutan, snobber kana minsan, eh..." sagot niya.

Ngumuso ako, "Uy hindi naman ah!" depensa ko.

Tumawa siya, "Sorry kung di na tayo nagpapansinan. Gusto talaga kitang maging kaibigan noon paman, Kyona." biglang sabi ni Gian.

Bahagya akong nagulat sa biglang pag-iiba niya ng topic.

Sinubukan kong tumawa para maibsan ang awkwardness, "Ayos lang, Gian. Pwede nama tayong maging magkaibigam, infact, nung nilibre mo ko noon ng noodles magkaibigan na tayo..." biro ko.

Natawa siya, "Naalala mo pa? Tagal na nun, ah?" tanong niya.

Ngumiti ako sa kaniya, "Hindi ko makakalimutan ang mga taong nanlilibre sakin, Gian." sagot ko at tumawa.

Ngumiti siya at nag-iwas ng tingin. "Since it was years ago, sasabihin ko nalang kung bakit iniwasan na kita noon. Yes, iniwasan kita, for your information." sabi niya at sinubukang tumawa.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, "Iniiwasan? Bakit mo naman ako iniiwasan?" tanong ko sa kaniya.

Napakagat labi siya, "Kram is my friend. Siya ang leader namin at respetado namin siya. I didn't know that he'll end up punishing me for crushing on you." pag-amin niya.

Nanlaki ang mata ko. Not because of him crushing on me, kundi ang pag-pa-punish ni Kram sa kaniya ng dahil may crush siya sakin.

"But it was before, Kyona. Don't worry!" nahihiyang sabi niya.

Tumango ako, "Bakit niya naman ginawa 'yun?" tanong ko sa kaniya at nag-iwas ng tingin.

"Doon ko napagtanto na talagang ex ka nga niya." sagot ni Gian kaya napatingin ako sa kaniya.

"Do you really think magagawa kong gumawa ng fake story? Believe me, Gian. I won't chased for someone without something provoking me." mapaet na sabi ko.

"Sorry, hindi naman kasi klinaklaro ni Kram. Nalaman ko lang na halos gumawa siya ng gang para bantayan ang mga lalakeng may gusto sayo. Kada classroom meron siyang tagabantay pagkatapos ay babantaan niya kung sino man..." sabi niya.

Napasinghap ako at napatakip ng bibig. "What the hell?" gulat na sabi ko.

Oo at alam kong pinipigilan ni Kram ang mga nanliligaw sakin noon. To the fact na iniisip ko noon na sobrang panget ko kaya walang nanliligaw sakin at kaya din akong iniwan ni Kram dahil di ako maganda.

"Hanggang ngayon, Kyona. The only guy who didn't move by his threat was  Jetthro Ramirez. Your suitor..." sabi pa ni Gian kaya mas lalo akong nagulat.

What the fuck!? Hanggang ngayon? How come hanggang ngayon? Pinagbantaan niya rin ba si Jett? At bakit hindi man lang ito sinabi ni Jett sakin?

And damn it! Kahit na naiinis ako at nagagalit meron paring parte sa puso ko na masaya. Na sa mga narinig ko ngayon kay Gian ay ikinagagalak pa ng walanghiya 'kong puso.

When They Believe The Lie (Completed)Where stories live. Discover now