Chapter 46 - #Fight

1.8K 79 9
                                    

Kyona's POV

"Wala na bang mas romantic pa dito?" sarkastikong sabi ko kay Kram ng dalhin niya ako sa park kung saan kami nagkita noon pagkatapos naming maglandian sa gitna ng W.U.

Sumakay kami sa kotsye niya. That was the first time I ride his car. Super saya lang sa pakiramdam. While driving, hindi niya binitiwan ang kamay ko. He's driving with his one hand, at kung kailangan niya mang gamitin ang isa pang kamay niyang nakahawak sa kamay ko, dinadala niya ang kamay ko sa kambyo. Ayaw talagang bitiwan.

Hawak-hawak parin ni Kram ang kamay ko. Bumitiw lang ata siya nung lumabas na kami ng sasakyan niya.

Natawa siya, "It is, baby kryps. Dito tayo nagkita so this is a special place..." sagot niya. Tumigil kami sa dalawang duyan sa park.

Umupo na siya sa isa kaya naman akmang lalapit nako sa isa ng hilahin niya ako paupo sa mga binti niya.

Nagulat ako sa ginawa niya. Lalo na ng binitiwan niya ang kamay ko upang yakapin niya ako mula sa likod. His arms are perfectly fit around my waist. His hands are resting in my tummy.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Napangiti ako sa nakakakilig niyang mga tactics. Kandungin ba naman ako sa swing at nakayakap sa likod ko? Can you imagine it?

He placed his chin in my shoulder near my neck kaya nakaramdam ako ng kakaibang kuryente sa katawan.

"I'm sorry if I got mad at you. I thought you're going to end TOTGA happily. I changed the script you've made cause I want us to be together no matter what." sabi niya.

Ngumiti ako, "Pwede kanang maging writer..." biro ko.

He chuckled, "Really? Don't you know I'm your biggest fan? Ubos ko na ata lahat ng story mo. I kept on reading it. Bumili pa ako ng libro, I asked Dreena if she can get me an autographed from you." sabi niya.

Nanlaki ang mata ko, "What? Nagbabasa ka ng stories ko?" di makapaniwalang tanong ko. And he asked Dreena? Isang beses lang naman akong hiningian ni Dreena ng autographed.

Tumawa lang siya. "So it was you! Haaaay! Do you even comment?" tanong ko.

"Yup! But, I guess you have lots of fans para mapansin ako. Nalaman ko lang kay Dreena. She's also reading your works so she told me about it. Simula nun, lagi na'kong nakatutok sa cellphone." sagot niya.

Naalala ko tuloy yung nakita ko siya sa 7Eleven. He was busy scrolling his phone. Baka binabasa niya ang story ko?

Ngumiti ako ng malapad sa naalala. So it was because of mex my story kaya siya nakangiti noon. I really thought girlfriend niya.

Naramdaman ko ang paghigpit niya sa pagkakayakap, "Thank you for giving me a chance, baby kryps. Thank you so much..." masayang bulong niya sa tenga ko.

Nakaramdam ako ng kiliti mula sa tenga ko pababa sa puso ko kaya naman ang puso ko naghumerentado na. Naramdaman ko rin ang mga paru-paro sa tiyan ko.

Ngumiti ako, "A chance that you should never break, understand?" mariing sabi ko at bahagyang tumingin sa kaniya sa gilid.

"I won't break up with you again, baby kryps. I know it for sure, that's why I want you to go with me to meet my whole family..." seryosong sabi niya.

Natigilan ako sa sinabi niya. Ang ngiti ko'y naging hilaw. It's not that I don't like to meet his whole family. Hindi ko lang ma-imagine na magkikita kami ulit ng Mom niya. Ang Mom niyang alam kong ayaw sa akin.

Mas ibinaon ni Kram ang ulo niya sa leeg ko kaya naramdaman ko ang paghinga niya. It send shiver down my spine. He's just so close, I can tremble, but not in fear.

When They Believe The Lie (Completed)Where stories live. Discover now