Chapter 32 - #Mine

2.3K 111 41
                                    

Kyona's POV

"S-sigurado kaba sa sinasabi mo, Gian?" seryosong tanong ko sa kaniya.

Tumango siya, "At doon ko din narealize na mahal ka--"

Hindi ko na siya pinagpatuloy sa sinasabi niya. Ayokong marinig to sa kaniya. Ayoko ng umasa!

Umiling ako, "Paanong hanggang ngayon? I know about it pero noong fourth year pa 'yun at imposible naman na hindi mo nabalitaan na sila ni Dreena, matagal na..." pero hindi na ngayon.

"Alam kong sila. But, Kram isn't that possessive when it comes to her. Sayo lang..." sabi niya like he's convincing me to something I don't want to hear.

Umiling ako at tumayo na. "Bakit mo to sinasabi sakin? Kung totoo man ang sinasabi mo, I better make Kram stop this shit," naiinis na sabi ko at umalis na roon.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang kaninang gusto kong taguan, ngayon ay hinahanap ko na. So ironic!

Pumunta ako sa building namin. Tinext ko narin si Jett kung asan siya. I really really need to talk to him.

Habang papunta ako sa building namin ay nakita ko si Pia na palapit sakin.

"Thank god, Kyona! Mabuti nalang at nakita na kita. I have to tell you something..." sabi niya.

Kahit gustuhin ko mang umirap, ginawa ko lahat para hindi. Bakit naman kasi ako maiinis kay Pia kung alam 'kong nabiktima lang naman siya ni Kram.

"Tell me what?" tanong ko sa kaniya at tumingin sa gilid ng labi niya. That's the part kung saan hinalikan ni Kram. I don't know if he kissed her more nung umalis nako.

Napailing ako. Hindi ko ata kayang halikan ang isang taong marami ng nahalikan. I just don't like the feeling of that.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko, "I told my boyfriend na ikaw ang nagsulat ng script namin. You know, I don't keep secret sa boyfriend ko." nakangusong sabi ni Pia.

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Boyfriend? At sino naman ang tinutukoy niyang boyfriend?

"Boyfriend? Sino?" tanong ko. May kutob na ako kung sino pero tinanong ko parin.

Parang kanina lang ng sinabi ni Kram sakin na hindi niya girlfriend si Pia, na ginagamit niya lang si Pia para malaman kung ako nga ba ang ghost writer.

Ngumiti siya ng malapad halatang kinikilig siya, "Uy secret lang natin to, ah? Soon to be palang naman kaya secret muna. Magiging kami na ni Kram Andremayo. You know him naman diba?" tanong niya sakin.

This time napairap na ako at kumunot ang noo niya sa ginawa ko, "You really think seryoso siya sayo? I know him, Pia. He's a playboy..." inis na sabi ko sa kaniya.

Binitiwan niya ang kamay ko. She looks pissed sa sinabi ko. Nang makita niya ang folder na hawak ko ay kinuha niya yun.

"Ito na yung part two ng script diba? Kukunin ko na to. Kung may part three you can just text me or iabot mo nalang sakin..." seryosong sabi niya.

Bumuntong hininga siya, "Ano naman ngayon kung playboy siya. He's a person too and he's capable of changing..." sabi niya at nagkibit balikat at saka umalis.

Literal na nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Changing? Dream on! Iiyak ka din Pia. Kram is not capable of changing his talent to hurt girls who love him.

Nawalan nako ng gana nung hapon. Gusto ko ng umuwi dahil sa uwian ay makikita ko na si Jett. Saang lupalop ba nagpunta ang isang 'yun?

Hindi siya ma-contact. Hindi siya mahanap sa school. At kahit nga si Kram ay hindi ko pa nakakasalubong.

When They Believe The Lie (Completed)Where stories live. Discover now