Chapter 34 - #MyKryptonite

2.2K 94 16
                                    


Kyona's POV

Isang malutong na sampal ang ibinigay ko kay Kram. Nakatagilid parin ang ulo niya tila hindi inaasahan ang ginawa ko.

Napaawang din ang bibig niya dahil sa lakas ng pagkakasampal ko. Shit! Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko dahil sa galit.

"Walang sa'yo, Kram! Hindi mo 'ko pagmamay-ari!" singhal ko sa kaniya.

Ikinuyom ko ang aking mga kamay to stop myself from hitting him. Bakit siya ganito!? Bakit niya to ginagawa!? Bakit niya pa 'ko ginugulo!?

"Wala ng sayo Kram simula nung pinakawalan na kita sa puso ko..." sabi ko at tinignan siya ng mariin.

Unti-unti siyang tumingin sakin. His eyes are full of sadness, maraming gustong sabihin ang mga mata niya.

"Kryps, please, let me explain..." malambing na sabi niya trying to hold my hand.

Nararamdaman ko na ang pangingilid ng luha ko and why is that ginagaya niya ang mata ko? Wag niyang sabihing naiiyak din siya!?

Fuck. How can he call me Kryps like parang lahat ng gusot na ito ay nangyari lang nung isang araw. Na parang isa lang ito sa mga problema namin nung kami pa.

"Fuck that Kryps! Damn your explanation!" singhal ko at tinalikuran na siya. Jett was standing and looking at me.

Naramdaman ko ang paghawak ni Kram sa braso ko kaya't muli akong napaharap sa kaniya.

"Kyona, please, let me fucking explain everything. Let's talk. Please hear me out..." pakiusap niya at ayan nanaman ang mga mata niya.

Tinabig ko ang kamay niya ngunit hindi man lang 'yun natinag. "I don't want to hear it, Kram!" angil ko.

Marahas akong hinila ni Jett at binigyan ng suntok si Kram sa mukha kaya naman nabitiwan ako ni Kram. Namilog ang mata ko sa ginawa ni Jett lalo na ng gantihan siya ng suntok ni Kram.

"Shit! Tama na!" sigaw ko at sinubukan silang pigilan ngunit gumanti muli ng suntok si Jett ngunit hindi niya natamaan si Kram kaya nang sumuntok si Kram ay sapol sa kaniyang mukha.

"Shit! Tama na nga sabi e!" malakas na sigaw ko at tinulak si Kram upang lumayo kay Jett.

Bahagya siyang nagulat sa ginawa ko. Sinamaan ko ng tingin si Kram pagkatapos bumaling kay Jett na ngayo'y napaupo sa sahig. Mayroon siyang pasa sa gilid ng labi niya.

"Umalis na tayo dito, Kyona. Wala kang mapapala sa lalakeng 'yan." sabi ni Jett at tumayo.

Kram smirked, "You shouldn't fight if you don't know how to fight. Writer ka talaga, galing gumawa ng storya!" singhal ni Kram kay Jett.

"Fuck you!" angil ni Jett at akmang tatayo sana ng harangan ko siya.

"Tumigil na nga kayo!" inis na sigaw ko sa kanilang dalawa ngunit biglang sumugod ulit si Jett kaya akmang susugod at tumayo at mabilis na naglakad para iwan sila.

Ngunit agad 'kong naramdaman ang pagtakbo ni Kram sabay hila sakin paharap ulit. Sinamaan ko siya ng tingin but when I looked at his eyes full of sincerity to talk to me makes my heart melt.

"Leave her alone, Andremayo!" umalingawngaw ang sigaw ni Jett at lumapit samin.

"Kyona, please, I'm begging you let's talk. Let's fucking talk privately. Ginawa ko naman ang gusto mo diba? I broke up with Dreena just so you can forgive me. Just so you can talk to me properly without shutting me up." pagod na sabi niya.

Pinanlisikan ko siya ng mata, "Sa tingin mo ba mapapatawad pa kita sa lahat ng ginawa mong pag-mamanipula ng buhay ko?! You're so selfish, Kram! Fucking selfish kaya sayo na'yang explanation mo! Kahit balibaliktarin mo ang lahat, mali ang ginawa mo sakin!" galit na sigaw ko sa kaniya.

When They Believe The Lie (Completed)Where stories live. Discover now