Chapter 24 - #Command

2.4K 101 24
                                    


Kyona's POV

Physically present. Mentally absent. Yan ako ngayon sa klase ni Prof. Tupaz about sa Social Science. Ugh, ano ba naman ang pakialam ko sa mga philosophers diba?

Nangalumbaba ako sa mesa at tumingin sa labas ng bintana. Malapit na ang foundation day ng school kaya napupuno na ng bandaritas ang buong campus.

Pakiramdam ko tinakasan na ako ng kaluluwa ko, eh. Ang lamya-lamya ko ngayon na parang mas pipiliin ko pang humiga sa kama buong maghapon pero kung gagawin ko naman 'yun, maiisip ko lang 'yung mga nangyari nung nakaraan.

"Kyona! Kyona! My god!" tawag sakin ng isang babaeng di ko kilala.

Kumunot ang noo ko, "B-bakit?" tanong ko. Nagulat ako sa itsyura niya. Mukhang kanina niya pa ako hinahanap gayong di ko naman sya kilala.

Hindi niya ko sinagot dahil hinihingal pa siya pero ng mahimasmasan siya ay tumayo siya ng maayos at ngumiti sakin.

"Ako nga pala si Pia Quinto, from Civil Engineering. Kailangan ko ang tulong mo..." sabi niya at nilahad ang kamay niya sa harap ko.

Bahagya akong ngumiti at tinanggap ang kamay niya, "Bakit mo ko kailangan? Tsyaka bakit mo ko kilala?" tanong ko sa kaniya, naguguluhan parin.

"Reader mo kaya ako! Miss author, pwede mo bang tulongan ang department ko? Please??" pakiusap niya sabay beautiful eyes.

Nanlaki ang mata ko, "Talaga?! Teka, ano naman matutulong ko sa department mo? Wag mo lang ako tanungin sa mathematics, nako!" natatawang sabi ko sa kaniya.

Finally. A reason to smile and be inspired today. Para na akong zombie dito sa hallway eh.

Aminin ko man kasi sa hindi, simula nung nagkasagutan kami ni Jett, boring na'yung buhay ko. Pakiramdam ko may nawalang parte sa buhay ko, eh. Masyado kasing dumikit ang lalakeng 'yun sa buhay ko.

"Mayroon kasi kaming gagawing movie para sa department namin. Nirecommend ka ni Jett sakin dahil ako 'yung inassign na gagawa ng plot sa amin. Eh, wala naman akong alam sa mga ganyan, kaya humihingi ako ng tulong sa'yo," pakiusap niya.

Napahawak siya sa kamay ko at tumingin sakin. Halatang desperada na siyang makahanap ng gagawa ng plot sa movie nila.

Napakamot ako sa batok, "Kailan na ba 'yan? Sa foundation ba?" tanong ko.

Gusto kong tanggihan dahil wala talaga ako sa mood magsulat ngayon pero iniisip ko naman ang sarili ko. Kung tatanggapin ko edi magiging productive na ang buhay ko tsyaka makalimutan ko muna pansamantala ang nangyayari sa buhay ko.

Saka ko na iisipin ang revenge revenge na sinasabi ko kay Kram. Kailangan ko pa ng kakampi. Ayaw naman kasi ni Migs, eh! Haaay!

"Last day ng foundation day ipapalabas and so we really need to have a plot na," pa-cute na sabi niya. Aba't nag-conyo na?

Ngumuso ako, "Ilang araw ibibigay niyo sakin para magawa ko 'yun?" tanong ko at humalukipkip.

Nag-isip pa siya bago tumingin sakin ng nakanguso, "two weeks?" patanong na sagot niya.

Nanlaki ang mata ko, "What!? Dalawang linggo lang? Omygod!" gulat na sagot ko.

Ngumuso siya at ayan nanaman ang mga mata niyang wagas magpa-cute, "Sige na, Miss author! Magaganda ang stories mo kaya for sure easy lang sayo to. Please?" pakiusap niya.

Napabuntong hininga ako. Well, kailangan ko rin ito para ma-divert ang atensyon ko sa iba at para maging busy naman ako kahit paano.

Tumango nalang ako na ikinagalak niya, "Talaga! Yehey! Thank you, Kyona! I will do everything para mas maparami ang fans club mo sa facebook!" nakangising sabi niya.

When They Believe The Lie (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя