Chapter 29 - #Call

2.5K 83 22
                                    

Kyona's POV

Pagkatapos ng klase dinala ako ni Jett sa starbucks. Pumayag naman ako dahil may pera pa naman ako. Mabuti nalang at medyo asensado na kami ngayon.

Pinagplaplanuhan nga namin ni Mama na bumili ng bahay kahit maliit lang para saming tatlo, pero naalala ko si Jett, hindi na kami magka-baranggay at hindi na siya makakatambay samin araw-araw.

Hindi ko alam kung saan pa rumaraket si Mama pero masaya ako para sa amin at nagtutulongan kami para kay Khrisa.

"Anong sayo? Libre na kita." tanong ni Jett.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Talaga lang ha? Ibang-iba kana, ha?" panunukso ko sa kaniya.

Natawa siya, "Ganyan talaga kapag nagmamahal at!" sabi niya sabay pakita ng cellphone niya sakin na may picture ng isang libro na...

"Wow, published na? Grabe, ah!" manghang sabi ko at pumalakpak.

Nagkibit balikat siya at ngumisi, "Syempre! I'm too inspired to write..." sagot niya at tinaas baa ang kaniyang kilay.

Ngumuso ako, "Ako nga eh, medyo tinatamad konte.. " sagot ko sa kaniya.

Paano ba naman? Ilang araw narin ako frustrated sa script na ginagawa ko. Buti nalang pinagtulongan namin ni Jett gawin ang idudugtong ko.

Buti nga at siya pa ang nagprepresinta dahil kung noon lang ito ay baka pinilit ko pa siyang tulongan ako at hihingian pa ako ng kapalit. Mabuti nalang talaga.

"Balang araw magiging inspired karin..." sabi niya sabay kindat.

Ngumiti nalang ako sa kaniya at tumango, "Balang araw..." sagot ko sa kaniya at saka niya ako tinitigan.

Nag-iwas ako ng tingin, "Kahit ano nalang i-order mo sakin, wala naman akong alam sa mga masarap dito," sabi ko sa kaniya para ibahin ang topic. Mukhang magtititigan nalang kami.

Napangiti siya at saka napakagat labi, "Sige, order na'ko." sagot niya at saka tumayo.

Saktong pag-alis ni Jett ay biglang tumunog ang cellphone ko kaya naman agad ko itong tinignan.

Mayroong text sakin si Migs.

Migs Reyes:

I'm here at Batanes with her. Anong gagawin ko, Kyona?

Nagulat ako sa tinext niya. What!? Really? Nasa Batanes sila ni Dreena!? How come? Paano niya nadala si Dreena doon? Kilala ko si Dreena at mahirap 'yun kumbinsihin.

I don't know what to reply. I mean, gusto ko naman talagang magkahiwalay si Kram at si Dreena dahil niloloko lang ni Kram si Dreena pero narealize 'kong kahit ganoon si Kram mahal niya parin si Dreena. Even though I can't fully understand, all people have different ways to show their love.

Ako:

Show her how much you love her.

Agad naman siyang nagreply.

Migs Reyes:

It's useless. She loves your ex-boyfriend so much.

Natigilan ako sa nireply niya. Hindi ko magawang mag-reply. Dreena loves him too? Ang akala ko hindi. Akala ko may nararamdaman pa siya kay Migs. And the whole plan para paghiwalayin sila ay walang kwenta dahil they both love each other! What am I thinking?

Nang ilapag ko ang cellphone ko sa lamesa ay napadako ang tingin ko sa isang lamesang pangdalawahan. Nasa bandang dulo ito ng starbucks. Nakapang-corporate attire ang lalake at pamilyar ang mukha niya sakin. Na para bang nakita ko na siya noon pa?

When They Believe The Lie (Completed)Where stories live. Discover now