Chapter 38 - #WrongWay

2K 93 16
                                    

Kyona's POV

After he said those words biglang lumabas sa opisina si Jett kaya napatingin kaming dalawa ni Kram sa kaniya.

He looked so shock while looking at us. Dumapo ang tingin niya sa kamay 'kong hawak ni Kram.

Inagaw ko ang kamay ko kay Kram and then face Jett intently. "You lied to me, Jetthro Ramirez!" singhal ko sa kaniya habang nakahalukipkip.

Umangat ang labi niya and then it formed a smirk. Napatingin muna siya sa likod ko bago nagsalita.

"So you've finally believed him, ha? What's next? Believe him that he'll never leave you again? How stupid..." mariin na sabi ni Jett at sinamaan muna ng tingin si Kram bago niya kami tinalikuran at naglakad palayo.

Natigilan ako sa sinabi niya. Para akong nagising sa isang panaginip. Parang akong inuntog sa pader na ang lahat ng ito ay panandalian nanaman.

Napakagat labi ako dahil kani-kanina lang habang hinahalikan ni Kram ang kamay ko ay nalulusaw nanaman ang puso ko. Isang araw pa lang ng panunuyo niya, nanghihina na'ko.

I can't be so easy. Kasi kung lagi niya akong makukuha sa mabilis na paraan, alam 'kong mabilis niya rin akong iiwan. I don't fucking like that.

But, I don't have plans to take him back in my life. Ayoko na kasi. Tama si Jett, eh. Hindi dapat ako maniwala sa kaniya na hindi niya ako basta-basta iiwan ulit hangga't wala siyang pruweba.

Naniwala lang naman ako sa kaniya ngayon dahil sa bibig na mismo nanggaling ni Jett ang katotohanan.

Naramdaman ko ang paghawak ni Kram sa balikat ko at kasabay nun ang pagharap niya sa akin.

"Kyona, don't make him mess me up to you. I'm sincere and I'm not lying that I want you back, that I still love you, that I won't leave you again..." malambing na sabi niya at muling hinawakan ang kamay ko ngunit tinabig ko siya. I don't want him to kiss it again.

Napatingin ako sa kaniya. His eyes are fucking sincere and it makes my heart melt again.

Nag-iwas ako ng tingin, "Are you really sure about that, Kram? Na hindi mo na'ko iiwan, ulit? Kasi kung naniwala man ako sa'yo ngayon, tungkol kay Jett, hindi ibig sabihin nun, maniniwala na ako sa lahat ng sasabihin mo," matigas na sabi ko.

"At isa pa, mahal na mahal mo ang mommy mo, you can't let her down diba? Kaya mo ko iniwan just because your mother said so! You can't even fight for me kaya bakit pa 'ko maniniwala sa'yo?" asik ko at ito nanaman ako humahapdi nanaman ang mga mata ko kaya napatingala ako.

Huminga ako ng malalim at buong tapang siyang tinignan na ngayon ay nakatingin sakin na para bang pagod na siya kaka-explain sa'kin, but he's still trying to.

Bumuntong hininga siya, "I'm still a kid to fight for you back then, Kyona. I was afraid that my mom would die out of frustration just because of me! Walang kapantay na sakit ang iwan ka, when you're the person that I want to be with during those times that my mother was ill. My father seeing some woman. My family was a wreck!" pagod na pagod na sabi niya at lumapit sakin.

The way he said those words parang sinasaksak ang puso ko. His voice was hurt. His voice is frustrated. My heart is starting to melt again!

I can't imagine the pain he felt years ago. May sakit ang mom niya and he's dad has a mistress--and oh fuck! May kabit ang dad niya? Halos manginig ako sa nalaman at sa narealize. No...no way...it can't be right?

"Hindi lang ako nawalan ng girlfriend. Nawalan din ako ng best friend, Kyona. Kaya malaki ang nawala sa buhay ko dahil malaki ang parte mo. I want you to move on, but I kept messing it up, because I can't afford to see you move on. Because, it fucking hurts so bad..." halos pabulong na sabi niya. Kamuntik na siyang pumiyok.

When They Believe The Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon