Chapter 25 - #Better

2.8K 114 39
                                    


Dreena's POV

I don't know why I'm walking inside the cafè infront of our school. I don't know what's getting into me kung bakit sinunod ko ang gusto niyang mangyari.

Well, maybe I'm just guilty dahil sa pagbangga ko sa sasakyan niya, pero I can really pay him money. At kung ano man ang maaring pag-usapan namin ay igigiit kong may pera akong pambayad sa kaniya when obviously he has money too.

Pagkapasok ko sa cafè ay nakuha ko kaagad ang atensyon ng lahat. There's a lot of customer at puro 'yun estudyante.

Hinanap ko kaagad si Migs pero wala siya. Sinipat ko ang relo ko at nasa tamang oras naman ako.

Wala pa ba siya? Ugh! Am I the one to wait? Pupuntahan ko na sana ang bakanteng lamesa ng may maramdaman akong tao sa likod ko. At mas lalo ko siyang naramdaman ng humilig ito sa tenga ko.

"You came..." bulong nito with his husky manly voice.

Bumigat ang paghinga ko. Bigla akong nakuryente sa presensya niya, boses pa lang alam ko nang siya. Kung lilingunin ko siya ay baka maghalikan na kami kaya nanatili ako sa'king posisyon.

"Let's get this over with." sagot ko sa kaniya at naglakad na papunta sa isang lamesang pang-apat na tao.

Nang makaupo ako ay tinignan ko siya ng seryoso waiting for him to sit down pero nakatayo parin siya at nakakunot ang noo.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Why are you still standing?" tanong ko sa kaniya.

Tinignan niya ang paligid, "It's just the two of us, why pick this table?" tanong niya pertaining sa table na pinili kong pang-apatan.

"Well, because, table for two are only for people who's dating and obviously we're not so this is our table," sagot ko sa kaniya with authorization.

Umangat ang labi niya sabay upo sa harap ko at saka humalukipkip. Tinignan niya ako ng seryoso, "Your idea is so primitive..." malamig na sabi niya at saka sumenyas sa waiter.

Napaawang ang bibig ko. I can't believe him! "What? I'm just saying a fact!" singhal ko.

Ugh. I don't know where my composure went. Napipikon ako sa lalakeng to at hindi ko alam kung bakit.

Bahagyang tumaas ang kilay niya. For Pete's sake, I don't know this guy anymore. Where's the Miguel who smiles a lot?

"Well, I'm just saying. So, let's talk about your payment, Miss Guzman." seryosong sabi niya at humilig sa lamesa.

Kumunot ang noo ko. Why is he talking like, we don't know each other. That we only met when I bumped into his car? Ugh.

Tinaasan ko siya ng kilay, "How much?" tanong ko sa kaniya.

Napangisi siya sa sinagot ko. That I said something funny to him. "As I said, Miss Guzman, I don't need your family's money." mariing sagot niya.

Pinanliitan ko siya ng mata, "What's your problem about my family's money? It's still money. Our money can pay you." matapang na sagot ko.

Ano pa ba ang gusto niya? I really can't get his point. What's the payment does he want?

"I want your money. Your own earnings..." sagot niya and I can sense the amusement in his tone.

Nanlaki ang mata ko, "What? Are you playing with me?" iritadong tanong ko sa kaniya.

Humalukipkip siya, "No, I just want you to pay me right. Obviously, ikaw ang bumangga, ikaw ang magbabayad. Not your family, but you." sagot niya.

When They Believe The Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon