Chapter 48 - #Right&Wrong

1.6K 66 50
                                    

Kyona's POV

Tulala ako habang nasa park kami ngayon ni Kram. Ito na ata ang signature place naming dalawa. Lagi nalang sa park ang eksena.

Hindi katulad kanina ay hindi na magkahawak ang aming kamay. Nakaupo kami sa bench at tahimik lang kami. Tila nag-iisip din. Naghihintay kung sino ang unang magsasalita.

Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong isipin. Si Jasmine ba, na nagsasabi nga ba ng totoo? Si Mama ba, na nagsinungaling sakin na wala talagang namamagitan sa kanila ni Tito Tony? o isipin kung ano na ang mangyayari samin ni Kram kung totoo nga ang sinabi ni Jasmine.

Bakit? Bakit kailangang mangyari samin to? Bakit kailangang umabot sa puntong hindi nga talaga kami pwede dahil...dahil magkadugo kaming dalawa at galing sa iisang ama.

Napakagat labi ako para pigilang umiyak. Ngunit hindi ko na kayang kimkimin. Masyado ng masikip sa puso na sobrang sakit na.

Naramdaman kong hinawakan ni Kram ang kamay ko. "Don't believe the lie, Kyona. Nagsisinungaling lang si Mommy. I know it for sure..." confident na sabi niya ngunit bakas sa boses niya ang lungkot.

Tumingin ako sa kaniya. Both our eyes are now bloodshot. Ako na umiiyak na, siya na pinipigilang umiyak.

Hinawakan ko ang mukha niya at naiyak. There's no resemblance of him in my face so I'm sure that he's not...he's not related to me! Hindi ko siya magiging kapatid!

"I don't believe her..." sagot ko at hinimas ang pisnge niya. He closed his eyes and feel my hand on his cheek.

"...but, I'm scared, Kram. Natatakot ako na baka tama siya. Na baka nagsasabi siya ng totoo--"

Dumilat siya at mabilis na umiling. Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa pisnge niya at bahagyang hinimas.

"No, Kyona, my mom is a big fat liar! She has a mental disorder and she doesn't know what she's saying..." naiiyak na sabi ni Kram.

Natigilan naman ako sa sinabi ni Kram. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng konteng saya sa sinabi niya. But, then again, nalulungkot parin ako.

I'm sure, Jasmine Andremayo isn't lying when she said that Tito Tony's first love was my mother. And my mother lied to me. Sinabi niyang magkaibigan lang sila.

Pinalis ko ang konteng luha na papalabas sa mata niya. "Umuwi ka muna sa inyo. Kakausapin ko si Mama, then we'll see each other tomorrow..." sabi ko sa kaniya.

Umiling siya, "No, I don't want to leave you. I don't want you to believe that lie kahit anong mangyari, kahit sino man ang magsabing totoo 'yun! No, don't believe them..." nagmamakaawang sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.

"I don't want to lose you again, Kyona. So please promise me na kahit anong mangyari at kahit ano man ang totoo, lalaban tayong dalawa, ipangako mo sakin..." bulong niya.

Tumango-tango ako at niyakap siya pabalik. I don't know if I can even fight if I know it's all wrong. I was determined before because I know it wasn't wrong to love someone I truly love.

But if Jasmine is really telling the truth, loving my half brother romantically is a mortal sin! It's incest!

Matapos akong ihatid ni Kram sa bahay ay umuwi na siya. Pinilit ko siyang umiwi dahil kailangan niya ring makipag-usap sa pamilya niya na alam 'kong magulo na simula ngayon.

Mabibigat ang hakbang ko papasok ng bahay. Hinahanda ang sarili para sa sagot na makukuha ko kay Mama.

Pagkapasok ko ng bahay ay naroon kaagad si Mama sa salas. Nang makita niya ako ay napatayo siya. Ngayon ay nagsimula nanamang tumulo ang luha sa mga mata ko.

When They Believe The Lie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon