Chapter 26 - #Worried

2.6K 98 27
                                    

Kyona's POV

Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Hindi parin tuloyang pumapasok sa ulo ko ang mga nangyayari.

Nakangiti siya sakin at napakagat labi. I feel so weird. Nakakapanibago ang Jett na kaharap ko ngayon.

Seryoso siyang tumingin sakin, "Nagalit ako sayo nung gabing 'yun dahil ayokong bumalik ka kay Kram. Doon ko talagang nalaman na gustong gusto na kita, Kyona." pag-amin niya.

Kumalabog ang puso ko sa sinabi niya. I really really felt weird. I'm not sorry for him o kung ano. Infact, nakaramdam ako ng konting saya. Nakaramdam ako ng pag-asa para sa puso ko.

"Alam 'kong nabigla ka. You didn't expect this and neither am I. Kyona, I can you treat you better. Hindi kita pipiliting sagutin ako ngayon, I'll give you time while I won't stop showing you that I can treat you better." seryoso ulit na sabi niya at saka siya bahagyang lumuhod.

Napasinghap ako. Narinig ko ang pagtili ng mga babae at ang pagkantyaw ng mga lalake na sagutin ko na agad si Jett.

"T-tumayo ka nga diyan, Jett!" nauutal na sabi ko at sinubukan siyang patayuin pero nagmatigas siya.

Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko habang ako naman ay nakatingin lang sa kaniya at sinusubukan parin na patayuin siya.

"Kyona Recess Penesa, will you accept my feelings for you? Handa akong maghintay sa'yo. Ikaw lang ang naiisip 'kong babaeng makakasundo ko sa pagsusulat, magiging kaagaw ko sa pagkain at naiisip 'kong magpapasaya sakin..." sabi niya and smile sweetly.

Napalunok ako. Nakakapagtaka ang puso ko. Yes, I can feel a little bit of confusion kasi may parte parin sakin ang umaasa kay Kram pero a big paet of my heart says, let go.

Let go of Kram. Find new happiness. Maging malaya ulit ang puso at tumanggap ng bagong magmamay-ari nito.

Ngumiti ako kay Jett at saka tumango, "Oo, Jett. Tinatanggap ko ang nararamdaman mo para sa akin." sagot ko sa kaniya.

Biglang nabuhayan ang mga mata niya sabay tayo. Ngumiti siya ng malapad sakin. Pakiramdam ko'y gusto niya akong yakapin pero nagpipigil siya.

Lumapit ako sa kaniya at ako na mismo ang yumakap sa kaniya. Bahagya siyang napaatras siguro'y di inaasahan ang pagyakap ko sa kaniya.

"Can you please help me forget Kram?" patanong na sabi ko.

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sakin. "I'll be honored." sagot niya.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong pakiramdam. Ngayon nalang...pakiramdam ko, pinalaya ko ang puso ko at hinayaan itong maghanap muli ng magiging amo.

Tama na. Tama na ang kabaliwan. Tama na ang katangahan.

Nung araw din na'yun. Halos manibago talaga ako sa kasweetan ni Jett sakin.

"Tapos ko na'yung plot ng movie ng department natin, ikaw?" tanong ni Jett sakin habang papauwi kami.

Ngumuso ako, "Hindi pa nga, eh. Ikaw kasi ba't sinabi mo pa kay Pia na sakin nalang magpagawa..." sagot ko.

Natawa siya, "Gusto mo ako nalang gumawa?" tanong niya at ngumiti sakin.

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at saka ngumiti, "Nakakapanibagong di mo ko inaaway..." sabi ko at natawa.

Natahimik siya kaya napatingin ako sa kaniya. Nakakagat siya sa kaniyang labi at ngumisi. "I just realize, ginawa ko lang pala 'yun para kainisan mo ko. Para nasa akin ang atensyon mo..." sagot niya sabay tingin sakin.

When They Believe The Lie (Completed)Where stories live. Discover now