Chapter 37 - #Unfair

1.9K 86 10
                                    

Dreena's POV

Biglang kumalam ang tiyan ko ng makita ang ibang tauhan (more like agents) dito sa HQ na may mga dalang baril na kumakain sa isang mahabang lamesa.

Magulo sila pero nagkakasiyahan. Yung iba naman seryoso ang pinag-uusapan ngunit ng makita kami ni Mateo na dumaan sa kanila ay tumahimik sila saglit at binati kami.

"Ginagalang ka pala dito," sabi ko habang papasok kami sa kusina, as usual walang bintana.

Buti nakakapasok dito 'yung oxygen ano? Tsyaka air-condioned naman lahat ng sulok dito. Pati siguro banyo, naka-aircon.

"Yeah, pero mas ginagalang dito si Migs at si Nadja." sagot niya at lumapit na sa ref.

Natigilan naman ako sa sinabi niya. Ginagalang silang dalawa? Why? Sila ba ang hari at reyna dito?

"So, anong gusto mong kainin? Wag mong sabihing wala kang gana, dahil kung wala kang gana, ibig sabihin nagseselos ka..." sabi niya habang nakatalikod sa bukas na ref.

Nginiwian ko siya, "Dami mong alam. Pasta nalang," sagot ko sa kaniya at umupo sa stool chair sa mataas na lamesa na di gaano mahaba.

"Itallian style or--"

"No, I want Filipino style. Yung simpleng tomato sauce lang tsyaka--"

"I know babe, I know..." sabi niya at kinindatan ako. Tumalikod na sakin.

Napaawang ang bibig ko sa ginawa niya. What the heck did he just called me? Babe!? Halos tumindig ang balahibo ko.

"Don't call me babe. You're creepy," mariing sabi ko at humalukipkip.

Nilingon niya ako na may hindi makapaniwalang mukha, "Creepy? Me? Ang sakit, babe! Sa gwapo 'kong to creepy sa'yo? I can't believe you..." sabi niya at umiling-iling. He still got that smile plastered in his lips.

This guy is despicably creepy, indeed.

"Kahit harsh ka sakin, gagawan patin kita ng pasta mo," sabi niya at bahagyang ngumuso.

Naka-poker face lang ako. Okay. Bakla ba siya? Hindi sa mukha siyang bakla, ah? Kasi, kanina nung nakita ko siya, gwapong gwapo ako sa kaniya, eh. Nakaka-starstruck 'yung dating niya but now that he's acting like childish, he looks like an idiot gay.

"Kahit na alam 'kong nilalait mo 'ko sa isip mo, sasarapan ko parin 'tong pasta. But, I won't tell you what's between M and N," sabi niya na nagpawala ng pokerface ko.

Oh, shoot! Nakalimutan ko na kaya pala ako pumayag sumama sa baklang to kasi gusto 'kong malaman kung ano talaga si Migs at Nadja.

I lean on the table and looked at him seriously, "What's with them? Bakit di mo sasabihin eh 'yun ang dahilan kung bakit ako sumama sa'yo dito?" inis na tanong ko.

Nagkibit balikat siya habang nasa harap siya ng sink doing his cooking whatsoever. I reminded myself to learn how to cook, but I only learn how to cook hotdog, ham, fried chicken, fried egg, sunnyside up and bacon.

Para sakin, upgrading na'yun. Langhiya kasing Miguel Juan, lait-laitin daw ba ako na walang alam sa bahay? At kawawa daw magiging asawa ko? Tsss...

"I think you're too hungry kaya nalimutan mo..." sagot niya habang nagchochop ng hula ko'y sibuyas. Kailangan pala 'yun sa spagetti?

"I already remembered it, so spill, Mateo," maawtoridad na sabi ko.

Humarap siya sakin at ngumiti. "I have so many things to tell you about them but maybe telling it to you one by one will be more exciting..." sabi niya sabay kindat.

When They Believe The Lie (Completed)Where stories live. Discover now