CHAPTER FORTY-EIGHT

4.4K 121 62
                                    

[DAMON'S POV]

"Bakit hindi pa rin ako nagiging demonyo, Kurt? Tama naman lahat ng ginagawa ko ah?" Tanong ko sa nilalang na itunuring ko ng parang kapatid.

"Ang sabi kasi, mahalin. Hindi pakasalan. Akala mo ba magagawa mo ulit mahalin si Julia in just a snap? Hind tanga ang itim na anino para hindi hilingin sa'yo iyon kung posible!"

Bigla akong natuliro. Anong gagawin ko? Pwede kong ibigay ang kasal kay Julia pero hindi ang puso ko. Hindi ko pwedeng gawin yon dahil hindi ko naman kaya. It knows where it belongs.

"You still have three more days Master. Malapit na ang eighteenth birthday ni Kathy." Paalala ni Kurt sakin.

"K-Kailan?"

"Two days from now."

Exactly the same date as my wedding.

Tadhana.

Bakit ka ganyan? Nahirapan bigla akong huminga. Nanikip yata ang dibdib ko. Alam mo yung pakiramdam ng para ka na ring mamatay? Hindi ko maipaliwanag pero sobrang sakit. Masakit dito.

Napahawak ako bigla sa dibdib ko.

"M-master? Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong sakin ni Kurt.
"I guess ... this is the end. Kailangan kong panindigan 'to whether I like it or not." Saglit akong napatigil. "Hindi ko na rin naman maiiligtas si Kathy mula sa impyerno. Dahil kahit kailan ... kahit kailan hindi ko magagawang mahalin muli si Julia."

Nang muli kong balingan si Kurt ay nanlaki ang mga mata ko. Unti-until kasing naagnas ang kanyang kamay. Malapit na iyon sa siko. I can see his bones. Kulay itim iyon. "A-anong nangyayari sa'yo?"

Bahagya siyang ngumiti. "Wala 'to Master. Hindi naman masamang humanga sa'yo di ba? Kung may magagawa lang sana ako para sa'yo ... g-ginawa ko na. Kaso, mukhang nagawa ko na rin lahat. I guess, this is my end as well."

Naupos ang kanyang kanang braso. Walang natira kundi ang kulay itim na buto na nilalakbayan ng samu't saring insekto na sa talang buhay ko ay hindi ko pa nakita.

"K-Kurt? Anong nangyayari?"

"Gusto kitang pasalamatan. Kahit pano, naramdaman kong may silbi ako. Salamat Damon. Salamat master." Pagkasabi niya noon ay naglaho siya at tinangay ng hangin.

"Ito ba?! Ito ba ang gusto mo?! HA?!" Sigaw ko sa kawalan. Alam kong naririnig ako ng itim na anino. Alam kong sa mga oras na ito ay nagdidiwang na siya. Alam kong masaya siya sa mga nangyayari sa amin. Sa akin. Kay Julia. Kay Kathy at kay Kurt.

Pero hindi ko masasabing nanalo na siya. I still have my heart. I still have a life. Buhay pa ako. Tao at humihinga. Kahit na ba ang kapalit ng lahat ng 'to ay walang iba kundi ang nag-iisang babaeng minahal ko.

"Damn this life! Damn it!"

Halos magwala ako sa loob ng Library room. Itinapon ko lahat ng pwede kong itapon. Kulang na lang pati sarili ko itapon ko na. Nasaan ba kasi ang langit? May Diyos ba talaga? Bakit hinahayaan niyang magkaganito kami? Bakit hinahayaan niyang maghari ang itim na anino sa buhay namin?

Nahihirapan na ko.

"Kathy ..."

I broke down. Hindi naman masamang umiyak di ba? Kahit ngayon lang. Kahit isang beses lang. Hindi ko na kasi mapigilan ang sarili ko. Hindi ko na talaga kaya. Sasamantalahin ko na ang pagkakataong ito. Yung walang tao sa palagid ko. Yung ako lang mag-isa. Tiyak, walang makakarinig sakin. No one will know how weak I am ...

I don't believe that love is sacrifice. Ginawa ko na kasi lahat ng sakripisyo. Ginawa na namin. Pero walang nangyari. Heto nga oh, nakalugmok ako dito sa isang kwartong punung-puno ng libro. Walang magawa. Walang magawa kundi ang umiyak at maghintay sa kamatayan ng babaeng mahal ko. Bullshit di ba? Isang malaking bullshit ang lahat.

The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon