CHAPTER THIRTY-NINE (𝙸𝙸)

18.6K 942 73
                                    


"Leave them," Hearing his voice makes me want to vomit. It's terrifying and if I were to ask, I don't want to hear him talking to me anytime soon.

Mabilis akong dinampot ng dalawang armadong lalaki habang si Farrah naman ay hinila ng mga ito pabalik sa loob ng malaking hospital na aming nasa harapan.

Sumulyap ako kay Ashton na natitigilan ngayon. Ngumiti ako ng maliit bago ako hinila ng mga nakasundalong mahigpit ang pagakkahawak sa akin. They can't move, because those guns from these people are being aimed to them. Nang makalapit sa pinto-dahil sa pagkakaladkad sa akin ng mga armadong lalaking ito, ay humarap ako sa likod gamit ang aking balikat at nakita kong doon lamang sila nagsimulang maggalawan. Hanggang doon lamang ang aking nakita dahil halos itulak ako ng mga ito papasok at sinarado ang pintuan.


But what they did is wrong. I am talking about these people who's holding us. Hindi nila itinali si Ashton. Mas mapapadali ang lahat.

Napapikit ako sa liwanag. Sobrang linis ng kapaligiran na magdadalawang isip ka kung ito ba ang pinamumugaran ng mga demonyo may kagagawan ng lahat ng ito o mga anghel mismo ang nakatira rito. Maski alikabok yata'y sobrang mahirap paniwalaan kung mayroon ba dahil sa kintab ng bawat madadaanan namin.



Kung wala lang ako sa ganitong sitwasyon ay paniguradong ako'y mamamangha.


The Mad Scientist stopped and turned around to look at us while spreading his arms like he owns the whole place. He is grinning so widely and mockingly looking at us as if he knows that we aren't expecting the place to be this. . . clean.


"Welcome to my humble sanctuary," He said so proudly as if he will get any expression to us. Dahil hindi kami nagreact ay sumama ang mukha nito na ikinakaba ko, akala ko'y uutusan nito ang mga armado nitong lalaki upang saktan kami ngunit hindi niya iyon ginawa.

Bagkus, humarap sya sa lalaking nakahawak kay Farrah, "Stupido, give me your gun," utos nya at sa totoo lang, parang iba itong tao. Malayong-malayo sa puro malademonyong ngiti kanina dahil ngayon ay sobrang seryoso nito. . . nakakatakot.

Sa gilid ng mata ay nakita kong ibinigay ng armadong lalaki si Farrah sa isa, at kahit nagtataka-at may bakas ng takot sa mukha ay lumapit ito habang binubunot ang baril na nasa gun holster na nakasabit sa kanyang balakang. He extended his hand to give his handgun but then, as soon as the Mad Scientist got it, he quickly aimed it to that guard's head and pulled the trigger without second thoughts.

Before he looked at his guards. "No one will touch these two maidens, or you'll face the same fate with this stupid dog," Wika nito at hinagis ang baril sa isang sundalong natataranta sa gilid, at kahit saan ako tumingin ay bakas na bakas ang takot sa mukha nito.

Muli itong tumalikod at naglakad. Tanging malinis na espasyo lamang ang aming makikita habang may napakalaking estatwang nasa gitna na sa tingin ko'y si Albert Einstein na gawa sa glass mismo at kumikintab.


Sa likod nito ay may may nakita akong pintuan na sa tingin ko'y nag iisang daanan kung saan kami pupunta. Ngunit nang makapasok kami ay doon ako nagkamali.

Isa itong pinto na may napakaraming kuwarto. Kumunot ang noo ko.


"Every room has special zombies inside, and once you've chosen a wrong room, well, you'll be dead. Ain't it cool?" Tumawa ang baliw na scientist bago binuksan ang daang aming nasa harapan. Napairap ako. Malamang, iyon rin ang bubuksan ng kung sinong papasok rito.



Pagpasok namin ay may lumapit na kung anong nakaputing roba rito at may inabot rito na hindi nahagip ng aking mga mata. Nang humarap ito sa amin ay nakita ko kung ano ito. Hindi ko alam kung may ano sa kulay dilaw na likido ngunit nagpumiglas ako. Ayokong may kung anong iturok sa akin. Ayoko.

Zombie Outbreak: The Apocalypse ✓Where stories live. Discover now