CHAPTER TWELVE (𝙸𝙸)

28K 1.2K 121
                                    

Patuloy lamang kami sa pagtakbo, mula rito'y tanaw ko ang mataas na gusali at may ilaw mula rito hanggang roon, ngunit ang iba'y hindi na makita dahil natatakpan ito ng makapal na usok. I'm almost covering my nose because the smoke is really thick, and it's hurting my nostrils. Alam kong hindi lamang ako ang nakakaramdam n'on.

Marami rin kaming kasabay sa pagtakbo. Ang iba'y nakapajama lamang, mga nakapantulog ngunit nabigla rin kung saan wala rin silang ibang magagawa kung hindi tumulong. Ang iba'y kusot kusot ang mga damit at gulo gulo ang buhok ngunit walang pakialam, basta makarating sa main base.

Dahil iyon ang dahilan kaya't kami ay narito.

"Aray..." I heard Chy whispered, as when I looked at her, I saw her stumbled on the ground. Napangiwi ako. Aray nga, at mukhang ang sakit ng pagkakabagsak nya!

Ngunit hindi iyon maiiwasan, lalo na't nandito kami sa nagkakagulong pangyayaring ito. Mabilis siyang tinulungan nila Lance upang makatayo at naglabas ng panyo upang ipantakip sa gasgas sa kanyang binti. She's wearing a short, that's why. Lahat naman kami ay hindi nakapagpalit. Ako nga'y hindi pa nakakaligo para sa sleep wash ko.

Nalipat ang atensyon ko sa madilim na daanan sa gilid, at pamilyar ito sa akin. Dito ako dumadaan kapag nagsho-shortcut ako kapag nagjojogging at magsisimulang magtraining gamit ang paborito kong sandata. Nagkaroon ako ng idea.

"Guys, follow me," Medyo may kalakasan kong boses, sapat na upang marinig nila. I looked at Chy and saw her with her brave expression. That's right. Those bruises are nothing than the lives that are losing every minute that passes by.

Imbis na dumeretso, kumanan ako at patakbong pumunta rito. After all, Ate Tracy told us to go to our locker room and change. Huminto ako saglit at humarap sa likod, kung saan nakitang nagsisi-sunuran ang aking mga kasama kaya itinuloy ko ang pagpasok.

It's too dark. Halos wala akong makita. Ang sinag ng buwan ay hindi sapat para makita ang aming dinaraanan bukod sa makipot ito at dikit-dikit ang pwesto, ay dahil na rin sa mga bubong na sumasangga sa sinag mula sa buwan. Para kaming bulag na nangangapa at nakikiramdam sa ayos namin.

"Ah teka!" Boses ni Farrah ang nangibabaw sa katahimikan sa aming banda- tahimik talaga, dahil iba ang daang ito papunta doon. Sino nga ba ang dadaan sa masikip na daan, hindi ba? Napahinto ako at bumaling sa likod kahit wala akong halos makita ngunit nakikiramdam ako.

It was as if we're blindfolded. Thankfully, my eyes are slowly adjusting to darkness and I know they are too.

Hindi nagtagal ay biglang nagkailaw, ngunit mula sa laruang flashlight lamang na dala ni Farrah. Nakatapat ito sa kanyang mukha na syang ginagawa ng mga bata upang makapanakot.

"Oh diba! Yieee! Nakita ko 'to sa park kanina kaya kinuha ko nung walang nagbabantay. Ang cute kasi ng design, hello kitty!" Natutuwa nitong sabi habang ako naman ay tumaas ang kilay ko. Magnanakaw na siya?

Mabilis nyang inabot ito sa kanyang nasa gilid, at sa kabila, at sa akin kasi ako daw ang leader. Psh. Nakatutok sa amin ang maliit na flashlight na iyon kaya't nakikita nya, at dahil nga medyo malayo ako sa kanilang banda ay pinaabot nya pa iyon sa akin.

How about Ashton? Nakita ko kasing hindi ito inabutan. At isa pa ay isa ito sa itinuring nilang leader noon. And Accel, since he's the current leader of them aside from me, but of course she wouldn't answer it. This is nonsense thought after all.

Tumingin ako kay Ashton na nasa gilid ko lamang ngunit may bakante pa rin sa aming pwesto. He's waiting for my command, I can feel his stares on mine. Naalis ang atenyon ko sa kanya nang marinig kong magsalita si Farrah.

Zombie Outbreak: The Apocalypse ✓Where stories live. Discover now