CHAPTER TEN

51.1K 2.2K 448
                                    

Sa wakas, may natulungan din kami.

Ngunit nang mabaling ang tingin ko kay Ash na nandoon pa rin sa dati nitong pwesto at nanatili sa ganoong ayos at tsaka napanguso. Well, may kailangan pa pala akong ayusin.

"Ae, saan na tayo pupunta?" Narinig kong biglaang tanong ni Shirley na nakapagpabaling ng atensyon ko sa kanya. Sya na kasi ngayon ang nagmamaneho at talagang pinagpilitan pa nyang makipagpalit kay Travis dahil sabi nito'y mukhang pagod na ito.

Noong una'y ayaw pa ni Travis at sinasabing hindi pa sya pagod ngunit dahil napilit nami'y pumayag rin naman. Actually, halata naman sa kanyang pagod na sya. Ngayon nga'y nagpapamasahe pa kay Zoe ang loko. Sumakit yata ang likod dahil sa pagmamaneho.

Si Shirley ay isa sa varsity ng paaralan namin noon na siyang tinitilian at pinagkakaguluhan sa school na parang artista, dahil bukod sa galing nitong mag basketball ay may itsura din ito.

Ngunit ngayo'y isa na lamang ordinaryong binata dahil wala ng titili sa kanya hindi tulad noon. Well, meron namang hahabol sakanya. 'Yun nga lang, hahabulin siya para kainin. I mentally palmed myself after realizing what I just thought. Okay, Ae. Kailan ka pa naging corny?

Tsaka ko lang naalala na hindi nga pala nila alam ang plano namin. Maingat akong naglakad sa harapan at umupo sa sahig ng bus. Syempre, baka ma-out of balance ako. Isa pa, medyo nanghihina parin kasi ako dahil sa pagod at gutom.

Pumalakpak ako ng tatlong beses para kuhanin ang atensyon nila, ang iba'y gustong gusto pang pumikit pero yung iba sobrang pagod na talaga kaya hindi siguro narinig ang pagpalakpak ko. Hindi naman ako nainis dahil naiintindihan ko naman sila. After all, hindi biro ang diranas namin kanina.

Nakita ko namang may mga tumayo kahit hirap na hirap talaga sila. Napanguso ako. Hindi naman nila iyon kailangang gawin, e.

"Guys, okay lang kahit 'wag na kayong tumayo. All I need is your ear and attention, so just sit down and relax,"

Agad naman nila akong sinunod at bumalik na sila sa pagkaka-upo. Halatang-halata ang pagod sa kanila pero dahil sa aking ginawa ay pinilit pa ng mga itong tumayo.

What they have done just touched my heart. Bihira nalang kasi ang mga taong makakaappreciate ng ginagawa mo. Muli ay napaisip ako. Malamang, dahil kaunti nalang ang mga tao ngayon. Zombies ang marami. Napabuntong hininga nalang ako sa aking naisip at napagdesisyunang tumayo bago nagsalita.

"We're planning to go to SM before we saw your group," Pagkasabi ko noon ay katahimikan kaagad ang bumungad sa akin. Naghintay pa ako ng ilang minuto kung may balak na magsalita dahil base sa kanilang mukha ay tutol ang mga ito. I bit my lower lip. "Any comments?"

Muli ay katahimikan ang namuno. I was about to give up at waiting for their protest but Lorraine stood up. Nakuha nya ang aking atensyon at lihim akong napangiti dahil sa wakas, may balak 'ring magsalita sa kanila.

I mean, all of us have the right to speak whatever in our mind, right? Especially now that I'm open to every suggestion. This plan isn't only for me, but for us. We have to get their approval first and think of the easier things that could be done and as much as possible, we must avoid any danger ahead.

"Isn't it dangerous? Kasi Ae, malayo ang SM dito. Isa pa, malaki 'yon. Ibig sabihin madaming tao. Or... zombies? Paano kung mapahamak tayo?" Napangiti ako sa kanyang tinanong. As expected from Lorraine.

"Lorraine's right. Paano kung mapahamak tayo?"

"Pagkatapos nyo kaming iligtas, kayo rin ang magdadala samin sa peligro?"

"Gusto nyo bang lahat tayo ay mamatay?!"

"What kind of plan was that? Do you even think about our safety first? Or you just... you just planned and..."

Zombie Outbreak: The Apocalypse ✓Where stories live. Discover now