CHAPTER THIRTY-ONE (𝙸𝙸)

21.3K 993 130
                                    

Pagkalabas ko pa lamang ay mabilis na sumabog ang aking buhok dulot ng malakas na hanging punong puno ng polusyon. Inipon ko ang buhok ko sa isang bahagi at medyo napangiwi dahil halos magkandabuhol buhol ito dulot ng kahabaan. I should've cut it. Huminga ako ng malalim at humarap kay Ashton. Mula sa peripheral vision ko ay nakita kong nagsisilabasan na rin ang iba.

"Hawakan mo 'tong baril ko. Sandali lang 'to, promise," saad ko rito. Naguguluhang kinuha nito ang baril sa akin. Of course, he wouldn't understand, it's a girly thing, after all. Kidding.

Inipon ko ang buhok ko at ipinaikot para ito'y maipusod. This is what I am good for, naiipony ko ang buhok ko kahit walang pamony kaya lang, masakit sa anit, sa totoo lang.

Pagkayari ko nito ay inabot ko ang baril sakanya at walang seremonyang tumalikod, paharap sa building mismo. Muli ay tiningala ko ito.

There's a big and bold TAN LAB_RATO_Y with missing letters. Para bang nagkatanggalan iyon sa tagal na walang nag aayos, idagdag pa ang malalakas na hangin at siguro'y. . . sana mali ang iniisip ko.

There's blood in every corner. Mula sa itaas, sa pader, hanggang sa may mga letters. Mga tuyong dugo na siyang nagpa-creepy nitong laboratory mismo. Punong puno rin ito ng mga dumi, at napapikit ako ng muling umihip ang hangin. Dapat nagdala ako ng shades para hindi ako mapuwing.

"Let's check inside," Bulong ng katabi ko- si Ate Allison. Hindi ko napansin na nakarating na pala siya sa aking tabi. Tumango ako at sumulyap sa mga nasa likod. Everyone's ready.

"Be careful, okay?" sabi ko sa kanila gamit ang medyo malakas na bulong. Nagsitanguan sila. Naglakad na kami papalapit.

Just like a typical horror movie, naglalakad rin kami papunta sa lugar na siyang aming pupuntahan habang may katakot-takot na kapaligiran. Bawat hakbang, lumilikha ng maliit na tunog, at tanging ito lamang ang maririnig sa kapaligiran dahil nakapatay na ang aming sinakyan.

Naiwan si Travis at ang isang tao sa bawat sasakyan, magsisilbing look out kung may paparating bang zombies sa amin, o in case of emergency, pwede niyang ipasok kaagad ang sasakyan sa loob para kami'y masundo. In case na masyadong marami ang kalaban at hindi namin kaya. Nathan asked to stay too, after all, he's the one who's monitoring us through the laptop. Sya ang magsasabi sa amin kung may papalapit bang zombies o ano.

Dere-deretso kaming naglakad ngunit pinatigil ako ni Accel- na nasa gilid ko rin pala, sa pamamagitan ng pagharang ng kanyang kamay sa aking daraanan. Naguguluhang tumingin ako rito ngunit natigilan ng may marinig akong tunog sa loob, parang. . . scratches? Parang mga gustong kumawala, kasabay ng mga ungol.

"Stop," We all halted when we heard Nathan's voice. "Fuck, get out, there are hordes of zombies being locked inside that laboratory!" Natataranta nitong sabi gamit ang earpiece namin na dahilan upang magkatinginan kaming lahat.

Ngunit kung hindi kami magpapatuloy. . . ay wala kaming mahahanap na lead.

I sighed as I signaled them to go back. Some followed my lead, but some of them chose to stay. Nagkatinginan kami nila Farrah at tumango sa isa't isa.

Hinawakan ko ng mariin ang baril na aking bitbit at dahan-dahang naglakad kasunod ni Ashton. He's leading us. Papalapit si Ashton sa mga pinto ng walang ingay. Nahigit ko ang hininga ko habang pinapanood siya.

Everyone's tensed. I mean, it's our first time to reencounter something like this, after those years of being locked inside our haven. But what makes me nervous is the fact that Ashton's the one who's gonna open the door using his hand.

What if he'll get bitten once he open it?

Or not.

Because he opened the door thru kicking. . . bago nagsimulang magpaulan ng bala.

Zombie Outbreak: The Apocalypse ✓Where stories live. Discover now