CHAPTER FORTY-SIX

3.4K 57 13
                                    

[DAMON'S POV]

Nagsindi ako ng yosi. Tagal na rin simula noong itinigil ko ‘to. Simula yata noong naging okay kami ni Kathy. Noon lang nagkaroon ng direksiyon ang buhay ko. Ngayon, wala na namang kwenta.

Tatlong araw na naman ang lumipas mula nang makapagdesisyon ako na hanapin si Julia.

“Master, malapit na tayo. Nararamdaman ko na siya.” Sabi ni Kurt. Binabagtas namin ang kahabaan ng South Expressway. Patungo kami sa Laguna. Sabi ni Kurt, nandoon daw si Julia.

“Sana nga matagpuan natin siya sa lugar na yon.”

“Tiyak ... matutuwa yon!”

“Wag lang niyang malalaman ang totoong pakay natin.”

Tumango naman si Kurt. Siguro naman ay naintindihan niya ang ibig kog sabihin.

Ilang oras pa at nakarating na kami sa isang bayan sa Laguna. Sa laki ng lugar, hindi ko alam kung saan mahahanap si Julia. Mabuti na nga lamang at kasama ko si Kurt. Nararamdaman niya ang aura ni Julia. Hindi ko na kasi kayang gawin iyon dahil nga ... isa na akong tao.

“Lumiko ka diyan.” Aniya. “Saka a huminto sa malaking bahay na iyon. Sigurado ako, nandiyan siya.”

Nang iparada ko ang sasakyan sa tapat ng isang lumang bahay ay unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko.

Huminga muna ako ng malalim bago ako bumaba ng kotse.

“Eto na yon.”

Pinindot ko ang doorbell sa kanang bahagi nito. Hindi ko maiwasang hindi mataranta. Hanggang ngayon kasi’y wala akong maisip na dahilan o dapat sabihin kay Julia. Paano kung alam rin niya ang tungkol dito?

Hindi imposible di ba?

Wala naman imposible sa itim na anino.

“D-Damon?”

Bumungad sa akin ang maamong mukha ni Julia ng bumukas ang gate. Hindi ko akalaing magagawa niyang ibalik sa dati ang kanyang ayos. Maamo. Maganda. Inosente. Yung tipong hindi makakagawa ng kahit anong kasalanan. Kung titignan mo siya’y ... parang kahit kailan ay hindi siya naging isang demonyong katulad ko.

“Anong ginagawa mo dito? Paanong –“

“Gusto kitang makita.”

Hindi ko na pinatapos ang anumang sasabihin niya.

“P-pasok ka.”

Nagtataka ako. Bakit ako lang ang nakikita niya?

Nilingon ko si Kurt.

“Master ... katulad mo na rin siya kaya hindi niya na ako nakikita.” Pero nakikita ko si Kurt? Dahil ba anak ako ng isang demonyo kahit na isa na ako ngayong tao?

Napailing ako ng marinig yon.

Ganito na ba ang kalakaran ng pag-ibig ngayon?

Hindi ba pwedeng maging madali na lang ang lahat para sakin? Para samin? Bakit kailangan ko pang manira ng buhay ng isang tao?

“Damon?” Tawag sakin ni Julia. “Pumasok ka na.”

“S-sige.”

Sumunod ako sa kanya.

“Gusto mong tubig? Juice? Pagkain?” Tanong niya sakin.

“Hindi. Salamat.”

“Bakit mo naman naisipang pumunta dito? Saka paano mo nalaman ‘tong tinutuluyan ko?”

“Ah wala. Sabi ko nga, gusto lang kitang makita.”

“Tapos?”

“Tinulungan ako ng isang kaibigan para hanapin ka.”

The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon