Chapter 19

6.9K 123 16
                                    

Martin and Suzette on Multimedia.

-----

CHAPTER 19 – Sila Na Pala... Tayo Kaya?

Nag-explain ako kina Jose pagdating ng Lunes. Sinabi ko na hindi ako pwedeng magpakita kay Leo dahil baka masira ang party niya nang dahil sa akin. Naintindihan naman nila iyon dahil kilala rin naman nila si Leo at alam nila ang nangyari sa aming dalawa.

“Pero alam mo, Senna, hinahanap ka niya sa amin.” Sabi ni Jose.

“Huh? At bakit naman? Anong trip niya?” iritado kong tanong.

“Ewan.” Tanging sagot niya.

Oh, bakit ako hinahanap ‘nun? Ano ‘yun, kamustahan? Tapos pagtatawanan niya ako kapag nalaman niyang hindi pa ako nakaka-move on? Pero correction... I’m on the state of moving on right now. Tama si Marco, dapat pakawalan ko na si Leo. Hindi pwedeng ganito ako palagi. Walang mangyayari sa buhay ko. May pitong bilyong tao sa mundo, hindi dapat na masira lang ng isang tao ang buhay ko. Dapat ipasira ko sa pitong bilyon para mas masaya. Hahaha! May thrill.

“Sige, Senna, may klase pa kami.” Paalam ni Jose at umalis na silang apat. Nginitian ko sila saka ako tumalikod at naglakad na rin papunta sa classroom ko.

Nagdaan ang prelims at midterms, at ganun pa rin ang drama ko, “State of Moving On”. Madalas rin naman ako inaaliw (in his own way) ni Marco kaya hindi ko na rin naiisip si Leo, talagang hindi na!

Isang araw habang nag-rereview ako para sa semi-finals sa cafeteria (dahil vacant period ko) ay biglang may narinig akong malakas na sigawan sa labas. Ang ibang mga estudyante na nasa loob ng cafeteria ay nagsilabasan para tingnan kung anong nangyayari.

Dahil ako ay medyo may pagka-tsismosa ay hindi ko na rin napigilang lumabas. Nagulat ako nang makita ko si Suzette na pinagtutulungan ng dalawang babae, habang pinapalibutan sila ng marami pang ibang babae. Ang isa ay hawak ang magkabilang braso ni Suzette at ang isa ay sinasabunutan siya.

“Anong nangyayari dito?!” sigaw ko nang hindi ko na mapigilan ang ginagawa nila kay Suzette.

Humarap sa akin ang mga babae at sumagot ang babaeng nananabunot kay Suzette.

“Look who’s here. Miss Senna Cuevas!”

Lumapit ako sa kanila. “Bitawan mo nga siya!” singhal ko sa babaeng may hawak ng magkabilang braso ni Suzette. Agad naman siyang binitawan ng babae at hinila ko si Suzette sa tabi ko. Nakayuko lang siya roon, gulo-gulo ang damit at buhok. Kung hindi ako nagkakamali, gamit rin niya ang nakakalat sa sahig.

“Wag mo nga siyang ipagtanggol, Senna!” sabi ng isang babae. Saka ko naman doon narealize na ang dalawang babaeng nagututulungan para saktan si Suzette ay ang mga alagad ng kadiliman niya noon!

Di Bale Nalang [MinSul]Where stories live. Discover now