Chapter 7

8.2K 130 19
                                    

CHAPTER 7 - Ayaw Ko

Nagmamadali akong pumasok sa school. Na-late kasi ako nang gising, ang sarap kasi ng tulog ko kagabi. Kung hindi ako tinawagan ni Martin, hindi pa ako magigising.

"Ano bang nangyari sayo?" tanong ni Martin sa akin. Hinintay niya ako sa hallway para sabay na kaming pumasok sa klase namin. "Akala ko may sakit ka, kaya hindi ka papasok ngayon. Yun pala, tulog ka lang."

Napakamot naman ako sa ulo. "Dalian mo na nga. Late na tayo, daldal ka pa nang daldal."

Tumakbo kaming dalawa papunta sa klase namin at hindi ako nagkamali, naglelecture na ang prof. Buti nalang at hindi siya yung klase ng professor na nagpapahiya. Tiningnan niya lang kami ni Martin saka kami mabilisang nagtungo sa likod ng silid.

Nakinig ako sa sinasabi ng professor pero itong katabi ko, nakikisabay sa pagtuturo ng professor. Tiningnan ko kung sino ang kausap niya at nakita ko si Suzette. Napatingin rin siya sa akin at agad akong inirapan kaya hindi nalang ako nangialam at nag-focus nalang sa pakikinig sa professor.

Pagkatapos ng klase, inayos ko ang gamit ko at tumayo para lumabas na sa classroom. Mamayang after lunch na ang sunod na klase ko. Nakakatamad na nga eh, pero syempre, dapat pumasok pa rin ako. Huling taon ko na kaya ito. Kaya sana matapos na itong first sem agad, sa second sem kasi field study na kami at saka graduation na! Excited na ako.

Nagulat ako nang lapitan ako ni Suzette. Mag-isa lang siya at hindi niya kasama ang dalawang alagad ng kadiliman niya.

"Senna, right?" mataray na tanong niya.

Tumango ako.

"Anong meron sa inyo ng kuya ko?" diretsahang tanong niya sa akin.

"HA?! KUYA MO? Iyon bang si Doctor Marco?" tanong ko.

"Sino pa ba..." walang ganang sagot niya.

"Wala. Walang meron sa amin." diretsong sagot ko rin. Wala naman kasi talaga. Creepy kaya ng doktor na iyon!

"Good." sabi niya saka siya tumalikod pero agad ring humarap sa akin. "Ayoko nang makita kang kasama siya, or what, because ayaw kita para sa kuya ko. Ayoko sayo."

Hindi ko napigilan ang tawa ko sa sinabi niya kaya lalong sumama ang tingin niya sa akin.

"Ano ka ba, Suzette. Ayaw ko rin naman sa kuya mo." confident kong sabi. Ayaw ko nga kasi talaga sa kuya niya. I'm just being honest here. "Kung magkakaroon man ako ng boyfriend, hindi ang kuya mo."

She rolled her eyes at tinalikuran ako nang tuluyan.

"Malay natin, si Martin?" natigilan siya sa sinabi ko. I smirked and walked past her.

Di Bale Nalang [MinSul]Where stories live. Discover now